CHAPTER 4

12 4 0
                                    

"Nagmumura ka rin pala! Hahahaha! Makareact ka kanina parang santo ka dyan.! Hahahaha.!"

" Tsk. Mga pauso mo."

Tumawa lang ako. Hihila pa din namin ang aming mga maleta at napadpad kami sa playground dito. Naupo kami sa swing. Pinanood lang namin ang mga batang nakamasskara habang naglalaro.

"Hay.... Ansaya ng buhay bata no?"

"Walang problema."

"Lollipop lang tahan ka na."

"Eh ngayon? Tangna lang. Masisi mo ba ko Sean?"

Bumuntong hininga ako.

"5 years kami. 5 fvcking years! Imagine? Pero nyeta lang! Malalaman ko na lang na... na..."

Umagos na luha ko. Sht. Huminga ako ng malalim.

"Na... Nakabuntis pala siya."

Humagol-gol na ko. Pinakalma ko sarili ko. Pinunasan ko rin yung luha ko. Pero wala e.. Umaagos pa rin.

"Ang sakit e! Ang sakit sakit! Kung tutuusin kaya ko siya agawin e! Pero ayoko, kasi mawawalan naman ng ama ang magiging anak niya pagnagkataon."

Humikbi ako.

"Lumaki ako ng walang ama. Ayokong maranasan ng anak niya yun."

"Ang bait ko noh? Hahahaha!"

Ampait pakinggan ng tawa ko. Bwiset.

"Bakit ba kasi ganito ako? Tsk. Minsan gusto ko ring magpakaselfish e. Para ako naman yung sumaya. Alam mo yun? Laging ako ang nagbibigay. Tingnan mo, pati taong mahal ko binigay ko."

Sumisikip dibdib ko. Kaya napatingala ako upang lumasap ng hangin.

"Hay... Pasensya na ang drama ko. Hahaha."

Ayan na naman ang mapait kong tawa.

"Ang hirap magmove-on ! Akala ko ang dali-dali lang e. Pero putcha! Ang hirap pala. Ang hirap-hirap. Yung pag gising ko, hinihintay ko yung tawag niya kasi tinatawagan niya ako tuwing umaga para batiin ako ng 'goodmorning beautiful. I love you.'
Ang sarap sa tenga. Hindi pa nagsisimula araw ko, pero buo na agad marinig lang yun."

Pesteng mga luha to! Lumalabo na paningin ko.

"Pero ngayon? Sinasabihan ko sarili ko ng, Gaga! Break na kayo! Para wag ko ng hintayin yung, Good morning beautiful, I love you."

Hindi na ko nagsalita. Hindi ko na kaya. Hay... Umiyak na lang ako. Kelan kaya mapapagod  mga mata ko sa kakaluha? Kelan kaya mapapagod puso ko sa kakamahal? Kelan ko kaya magagamit utak ko para matapos na tong katangahan ko?

Narinig kong napabuntong hininga siya. Kaya nilingon ko siya.

"Nakalimutan ko kung sinong writer ang nagsabi nito pero sa tingin ko bagay to sa pinagdadaanan mo ngayon."

Pinunasan ko muna luha ko bago magsalita.

"Ano yun?"


"Its better to have loved and lost...

.. than to have never loved at all."


***

Strangers With MemoriesWhere stories live. Discover now