CHAPTER 2

27 4 2
                                    



"Naku hija walang ganung lugar. Hahahaha"




"Ay sayang naman. Hahahaha. Sa airport na lang po."




Babalik na lang ako ng Manila. Nagdrive na si manong papuntang airport. I called Sandra. By the way, she's my cousin.




"Im going home."



[WHAT!?]




Nilayo ko ng konti yung phone ko. Ansakit lang sa tenga. Pero mas masakit tong puso ko. Hustisya! Ang ang baduy ko. -__-




"Whatever Sandra. Isang matandang lalaki ang trainor dun. Halos di na nga yun makatayo ng maayos e!"




[30,000 ang ginastos ko sa training mong yan. Nakakaasar ka naman e!]




"Hahahahaha!!! kasalanan ko? Mayaman ka naman!"



[Tsk. I was expecting you to gain something big from that training. Tss]



"You shouldnt expect you know."



[Fine! bye!]





Nagalit? Hahahaha! xD


Sabagay, 30,000 din yung nasayang. Hayaan na, iisipin ko na lang na dinonate ko yun sa charity. XD




"Manong, why are they wearing a mask?"




Napatingin kasi ako sa dinadaanan namin, halos lahat ng tao naka-masskara.




"Nagcecelebrate kami ng Masskara festival ngayon hija. Hindi ka ba makikisaya dito?"




Oh. I see. That explains why.




"Nah. I need go home po. Maybe next time. It looks fun!"




"Aba! Masaya talaga hija! Makakalimutan mo yung mga problemang dinadala mo."




"Talaga manong ha? Prang ini-echos mo ko e! Hahahaha!"




"Ikaw talagang bata ka! Hahahaha"





Tumawa na lang ako. Ang sarap kausap ni Manong taxi. Nakakagaan sa pakiramdam. Mamaya-maya nakarating na kami sa airport.




"Salamat manong! Sa uulitin!"



"Walang anuman! Salamat sang madamo!"



"Salamat man sang madamo! Hahahaha!"




Bumababa na ko. Hihila ko ang maleta ko papasok sa airport. Babalik ako dito for sure! Si manong din kasi, tinuruan niya kong magbisaya! Teka, bisaya ba yun? xD



Pumunta na ko sa bilihan ng ticket.




"Miss isang ticket papuntang Manila."



"Miss, sorry wala na po kaming flights."



"HUH?!"



"Im very sorry po miss pero kasi Masskara festival po kasi dito. Walang flights unless nagpabook po kayo. Magpabook po muna kayo."




WOW. Paano ako uuwi ngayon?! Tangna lang. Ang malas.




"Magpapabook na lang ako. When is the earliest flight?"



"On Wednesday."



"Really?!!"



"Opo."





Napabuntong hininga ako. Nakakasira ng bait ang kamalasan ko ngayon.


Ayun, kinausap ko na lang ang babae na magpapabook ako ng flight sa Wednesday. Monday pa lang ngayon.



Nakaupo ako ngayon sa waiting area. Nagiisip ako kung ano ang gagawin ko. Kung bumalik kaya ako ng hotel? Hindi pwede yun. Pipilitin nila akong mag attend sa lintek na training na yun. E saan naman ako tutuloy?!


Tangna. Wala pa naman akong kakilala dito.



Nayakap ko ang sarili ko ng bigla akong makaramdam ng ginaw. Yumuko ako para kumuha ng jacket sa maleta pero....




"What the fvck?!"




Napasapo ako sa noo ko. Hindi akin ang maleta na to! I doubled check kung akin ba ang maletang to, pero hindi talaga e! Puro panlalaking damit ang laman! Kelan pa ko naging lalaki? -__-




Lumingon-lingon naman ako at nakita ko yung lalaking naglalakad sa di kalayuan, hihila niya yung maletang kapareho ng maleta ko!



Nagkapalit ata kami ng maleta. Hinila ko yung maleta niya at hinabol ko siya.


Nung makalapit na ko sakanya, hinila ko braso niya. Nasa labas na pala kami?




"Anong maitutulong ko miss?"




Naghand sign ako na nagsasabing teka. Ang hirap niya kayang habulin! Ang bigat pa ng maleta niya.!


Nung nahabol ko na hinga ko, nagsalita na ko.




"Maleta ko yung nakuha mo."




He gave me a puzzled look. Tiningnan niya yung maletang hawak ko at yung maletang hawak niya.




"Ah. I see."




Pinagpalit niya yung maleta namin.




"Thanks, at pasensya na. Malay ko bang maleta mo yun?"



"Hindi, okay lang. Pareho ba naman kasi. Hahaha."



"See you around."




Sabi niya saka tumalikod.


Naglakad na din ako pero mukhang sa iisang lugar lang ang punta namin: Sakayan ng taxi. Pumila siya at nasa likod niya lang ako. Hindi niya ako napansin kaya nagsalita ako.




"Huy."




Lumingon siya.




"Oh. Ikaw ulit?"




"Masama?"




"Hahaha. Di naman."




"Ako ng----"





Hindi ko na tuloy yung sasabihin ko ng biglang nagpalakpakan yung mga tao sa paligid. Napalingon kami sa sa gitna kung saang may magkayakap na magkasintahan.




"OO DAW!!!!! HOOOO!"



"IKAKASAL NA KAMI!!!"



Sigaw ng lalaki. Ansaya nila.




Nasapo ko bigla yung dibdib ko. Ansakit. Ang sakit pa rin. Kumikirot pa rin. Naaalala ko naman siya. Naranasan ko na rin ang ganyang eksena. Yung tipong magtatanong yung lalaki kung pwede niyang maging girlfriend yung babae sa harap ng maraming tao? Pag um-oo ang babae magpapalakpakan ang mga nanood?


Nararamdaman ko nung araw na yun? ang sarap-sarap sa pakiramdam syempre! Pero pag naalala ko, ang sakit-sakit lang. Pero iba yung sa amin at iba rin yung kanila. Samin kasi, panggirlfriend lang. Pangmadalian lang. Yung sa kanila. Panghabang-buhay. Kasal e. Walang divorce dito.




"Panyo?"




Napatingin ako sa lalaki. Kinapa ko yung pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Akalain mo yun? Hindi ko alam na umiiyak na pala ako?


Inabot niya sakin yung panyo, kinuha ko naman. Pinahid ko dun ang luha at sipon ko.


Binalik ko sakanya ang panyo.




"Ah-eh.. Its okay, you can keep it."




Tumango na lang ako.




"Gala tayo?"




***

Strangers With MemoriesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant