CHAPTER 11

14 1 0
                                    

Napa-isip ako dun. Aminado akong iyakin ako. Mayaman naman ako. My first published book: 'All about Pag-ibig' was a great hit. It will be a movie soon. The publisher of my book wants me to write another book kaso you know? Writer's block.

"Ano na? Wala ka naman pala e!"

-Pangungulit niya.

Aish.

"Oo na. Deal. Happy?"

-Nagshake-hands kami.

"Oo. Hahahaha!"

"Ikaw? Ano ba ginagawa mo sa buhay?"

-Tanong ko.

Aba! Halos alam niya na lahat ng drama sa buhay ko e! Pwedeng siya na nga yung sumulat ng talambuhay ko. -___-E ako? Wala akong alam bukod sa pangalan at sa 'nothing' ng buhay niya. -__-

"Basta. Maligo ka na dyan. Mamaya ko na ikukwento. May pupuntahan tayo."

-Sabi niya habang pinagtutulakan ako papasok sa banyo.

Ang daya niya talaga!!!

"At dahil umiyak ka libre mo to. Hahahaha!"

Fvck?!

"Pakyu. Hindi count-----"

Sinira niya na yung pinto ng cr. May pagkabastos din itong si Sean e. Gagu talaga nun. Naligo na lang ako at nagbihis.

Kumatok na siya kaya pinagbuksan ko na. Nagtaka ako kung bakit siya may dalang dalawang bagpack. Binigay niya sakin yung isa. Yung parang walang laman.

"Para san to?"

-Sabi ko sabay abot ng bag.

"Lagay mo dyan mga damit mo. Magdala ka ng jacket, scarf, sweater basta yung hindi ka lalamigin?"

"Ah."

Hindi na ko nagtanong. Nag-empake na lang ako nga sinabi niyang damit. San kaya kami pupunta? 2:39PM na kaya.

"Tara.!"

-Sean. Excited ata xD

Umalis na kami. Naglakad kami hanggang sa labas ng hotel.

"Ano na?"

-tanong ko.

Winagay-way niya yung kamay niya at may lumapit saming sasakyan. Yung parang pick-up?

"Dito tayo sa likod."

"Pauso mo talaga."

Tinulungan niya akong umakyat. Buti't may parang bubong. Ang init kaya. -__-Kinausap niya muna ang driver bago umakyat. Buong biyahe kumakain lang kami ng mga junk foods. Nag uusap din kami ng kung anu-ano. Maya-maya nakaramdam ako ng antok. Natulog lang ako sa balikat ni Sean.

****

"Pan. Gising na. Andito na tayo."

-Sabi niya sabay galaw-galaw ng balikat niya. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. At bigla akong napatingin sa paligid.

"Wow."

Tumingin ako kay Sean.

Nakangiti siya.

***

Strangers With MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon