PROLOGUE

123K 1.7K 430
                                    

Girls' Point of view: [D-Day of the classes]


"Hindi ka pa ba tapos sa pag-aayos, Scarlett? Kanina pa tayo nandidito, simula na ang klase! First day pa naman tapos mahuhuli tayo?" Reklamo agad ni Chloe kahit hindi pa naman nakakapasok sa kwarto ng kaibigan nilang si Scarlett.

Tumigil sa paglalakad si Chloe at kunot noong hinarap ang pinto ng kwarto at sunod-sunod itong kinatok.

Chloe Brooke Mendez, anak mayaman at may ari ang pamilya niya ng mga mall. Isa sa mga candidate na makakapasok sa Stagers section o Ten Outstanding Students na nagaganap lang tuwing 4th year student ka na sa Hundred University. Kung titignan sa magkakaibigan, ito ang pinaka-tahimik at mahirap basahin ang isipan. Minsan lang din magsalita at magsabi ng saloobin, hindi katulad ng mga kaibigan nito.

"Ito na ang susi, bubuksan ko na ang pinto ng kwarto." Anunsyo ng bagong dating na si Florence at tinaas pa ang mga dala na susi saka iyon pinakita kay Chloe.

"Tama pa nga," umusog si Chloe at hinayaan na makalapit si Florence sa pinto.

Florence Amber Collins, hindi katulad ng mga kaibigan, si Florence ay yumaman lang dahil nagpursige ang pamilya nila sa pagbi-business ng mga restaurant. Sikat na Chef ang pamilya nila kaya panigurado na makakapasok din ito sa Stagers Section sa susunod na taon. Unpredictable, ayan ang iniisip ng mga tao sa tuwing nasa harapan nila ang babae. Madalang lang din ito magsalita at kapag nagsalita naman ay panigurado na sasaktan nito ang damdamin mo. She hates relationships, wala siyang tiwala sa ganong bagay.

"Ayan, it open--"

"It's because I opened it!" Sigaw ni Scarlett at binuksan ang pinto. "Just wait for me, okay? I still need to put makeup on my face, may audition pa kasi ako mamaya--"

"Could you please stop putting makeup on your face?" Inis na sambit ni Florence. "It doesn't matter if you put some. Wala naman pinagbago ang mukha mo."

Naging busangot na ang mukha ni Florence at Chloe. Busangot din naman ang mukha ni Scarlett, oh hindi ba? Bestfriend goals sila? Mukha ng isa, mukha ng lahat!

"May audition kasi ako mamaya after class! Grabe naman kayo! Isa pa, pupunta sila Mom mamaya." Dagdag pa ng babae.

Scarlett Megan Lee, theater actress at natatangi ang kagandahan. Sa sobrang ganda kasi nito ay pwede itong manalo sa Ms. Universe pero baka hindi lang kayanin ng utak nito. Matalino naman ang babae, hindi lang nito kayang pantayan ang katalinuhan ng mga kaibigan. Katulad nila Florence at Chloe, isa din sa mga candidate na makapasok si Scarlett sa Stagers Section sa susunod na taon. May kaartihan ito pero kahit ganon, mapagmahal naman siyang kaibigan.

"Mamaya pa naman 'yon, ha?" Inis na sambit ni Chloe. "Please, sampong minuto na lang at mahuhuli na tayo sa opening ng klase."

Umirap naman si Scarlett at sinuklay ang mahaba nitong buhok. "Duh? Aanhin pa natin si Charlotte? She's still the President, right?" Tumalikod naman si Scarlett at bumalik na sa loob ng kwarto nito.

Suot ang uniform ay nagsuot ito ng leather jacket na kulay pink at headband na may mga makikintab na pearl.

"Yes and she might kill you anytime now if you'll stay here. Late na tayo." Sagot ni Florence sa kaibigan.

Ngumiti naman ng malapad si Scarlett at nag-ok sign. "Yep! Let's go!"

Bumaba ang magkakaibigan sa hagdan at naabutan nila sa couch si Charlotte habang nanonood ng palabas sa television. Hindi ito umiimik kaya panigurado na bad trip na ito sa mga kaibigan.

You're My Jerk and I'm Your Bitchحيث تعيش القصص. اكتشف الآن