"Wala lang," kibit balikat niyang saad.

"Sige,mauna na ako," nagsimula akong maglakad palabas nang sinabayan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay,hindi pa niya ako hinahatid palabas noon.

"Siya nga pala,Drake, papabili ako ng apples sa'yo mamaya." Saad ko,bumaling naman ito sa'kin noong nasa elevator na kami.

"May apples pa naman sa refrigerator." Umiwas ako ng tingin.

"Naubos ko ng kain,"

"Sige, bibili ako mamaya."

Nang makalabas kami ng elevator,kita ko kung paano nagtinginan ang mga tao sa lobby sa'min dalawa.Iyong iba naman,bumalik sa kanya-kanyang mga trabaho nang makita si Drake.

Umangat ang tingin ko sa kanya and I saw how he walks with so much confidence and power since this is his territory.As much as I want to deny this, mas lalo itong gumwapong tignan at ang hot pa!

Dapat galit ako sa kanya eh! Ba't ko ba pinupuri ang lalaking 'to?!

Hinintay namin na pumarada ang sasakyan saka ako humakbang papasok dito.

"Mag-iingat ka." Napatigil ako sa pagpasok nang nasambit niya ang mga katagang iyon.

"Anong sabi mo?"Tumingin ito ng deretso sa'kin at saka sumagot.

"I said,take care of yourself.I'll see you later." Napakurap-kurap pa ako sa kanya dahil naninibago talaga ako sa mga kilos niya. Hindi ba 'to dahil sa hindi ko pa siya tuluyang napapatawad?

"S-sige, kita nalang tayo mamaya sa bahay." Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa'kin at hinapit ako sa beywang.

"I miss doing this," ani niya at hinalikan ako sa bunbonan. I stilled but relaxed afterwards.

Yeah,I do miss him kissing me.

Di kalaunan ay bumitaw rin ito at napangiti ako sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng kotse at umandar na ang sasakyan palayo sa kompanya niya.

Agad akong dumeretso sa kwarto para magbihis ng pambahay.Bumaba ako pagkatapos at nadatnan ko si Myrna na nasa sala at parang hinihintay akong bumaba.

"Bati na raw kayo ni Sir?" Pag iintriga niya sa'kin. Tumango ako at halos mabinat ang mukha niya sa kanyang ngiti.Napangiti na rin ako.

"Medyo,pero paano mo nalaman?"

"Sabi sa'kin ni Mang Jun! Hinalikan ka raw kasi ni sir at aba! Ang mga tao raw sa inyo nakatingin! Ang sweet naman ni sir."

"Tigilan mo nga iyan, ah, Myrna, may pagkain pa ba diyan?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko.

"Inubos mo nga ang ulam at mansanas kanina tapos gutom ka pa?!"

"Gutom talaga ako eh." Mahina naman itong tumango at namangha pa rin dahil sa inutos ko sa kanya.

HINDI pa nag 5PM ay nasa parking lot na ako at nakasakay na sa sasakyan ko.Nagmaneho ako paderetso sa supermarket.

This is the first time na papasok ako dito at hindi ko alam kung saan ako pupunta.Nagpaikot-ikot muna ako bago ko nahanap ang fruit section at kumuha ng limang mansanas.

Beguile #1:Drake De Gracia(DG Series)COMPLETEDWhere stories live. Discover now