Chapter 21

12.9K 317 2
                                    

HINDI ako makapaniwala na nasa harapan ko siya.Buong akala ko,hindi niya ako papansinin for the rest of my life.Okay,exaggerated na iyon pero who knows!She's a woman and they are very good in holding a grudge.

"Ba't may umiiyak?" Inosente niyang tanong.Parang iyong Annika lang na hindi pa nalaman ang kasinungalingan ko.Parang iyong Annika lang na hindi pa galit sa'kin.

"I-uhm-"tumikhim ako,"Napagalitan ko kasi." Kumunot ang noo niya

"Ilan na ba ang nasisante mo?" Napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

"H-how?" Mangha kong tanong sa kanya.Humalukipkip ito sa harap ko.Ngumuso ito na tinutukoy ang mga tao sa labas ng opisina.

Those lips.I want to kiss it right here and now,but I know hindi maganda ang kalalabasan kapag ginawa ko iyon.

"Rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila at takot na takot sa'yo ang mga empleyado mo."

"They were not being productive,so,as their boss,kailangan ko silang turuan ng leksyon." Tumingin ito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Okay,what happened between us yesterday was the reason kung bakit ako ganito.Galit sa lahat ng tao,sa kanila ko nabubunton ang aking galit.

"Talaga lang ha?"

"Yes."Seryoso kong saad.Natahimik kami ng ilang segundo.Siya ang unang bumasag ng katahimikan.

"Drake,talaga bang nagsisisi ka sa iyong ginawa?" Napaayos ako ng tayo sa sinabi niya. Hindi kaya papatawarin na niya ako?

HINDI naman sana ako pupunta dito sa opisina ng lalaking 'to kung hindi lang ako nakonsensya dahil sa mga taong nawalan ng trabaho.Alam ko ang pakiramdam na walang trabaho  dahil nanggaling ako doon.

"Very sorry," sagot niya sa tanong ko.Emphasizing each word,"Kahit anong gusto mo,gagawin ko,mapatawad mo lang talaga ako." He seems sincere sa mga pinagsasabi niya,but then, hindi natin alam.After all,hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagsisinungaling niya sa'kin.

"Okay," umaliwalas ang mukha nito,"but,you still have to earn my trust again if you want this pretending game to work," bigla itong sumimangot sa sinabi ko, "gusto kong ibalik mo sa trabaho iyong mga sinisante mo."

"Okay.Deal.That's all?" Umiling ako

"Sabi ko, you still have to earn my trust," ani ko also emphasizing the word 'earn',"hindi ko sinabi na papatawarin na kita agad."

"That's fine with me as long as we'll go back to the way it used to be." Umangat ang gilid ng labi ko sa sinabi niya.

The way it used to be? Those moments na hindi mo ako pinapansin at kung umasta ka ay para akong hangin? Kung paano tayo mukhang mga pipi sa bahay natin?

"Okay! Pero,I repeat,hindi pa kita tuluyan na pinapatawad" Sabi ko sa kanya. Para naman itong batang tumango,"anong oras ka uuwi mamaya?"

Para itong natigilan sa sinabi ko pero Tumikhim ito bago sumagot,"I'll be home by 5."

"Di ba 7 ka usually natatapos?" Ang aga naman ata niyang umuwi!

Beguile #1:Drake De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon