Chapter 17

11.3K 277 2
                                    

HINDI ako mapakali habang tinatawagan si Drake.

"Drake,sumagot ka naman." Kahit sa telephone ng office niya, wala ring sumasagot at puro ring lang.Dali-dali akong umakyat ng kwarto at nagbihis.

"Manong,sa kompanya po tayo ni Drake."

"Okay po,maam."

Nagsimula na kaming bumyahe papunta sa kompanya habang tinatawagan ko pa rin si Drake.

Hindi talaga siya sumasagot!

Binati ako ng mga empleyado noong nakapasok ako sa building.Nginitian ko lang sila pabalik.Pumasok ako sa elevator at pumunta sa floor ni Drake.

Agad tumayo ang secretary ni Drake noong lumabas ako mula sa elevator. Halatang nagulat ito dahil bigla akong dumating.

"Good morning po,Ma'am! Ano po ang ginagawa niyo dito?" Magalang niyang tanong

"Uhm...nandiyan po ba si Drake? May importante po kasi akong sasabihin at hindi niya sinasagot ang aking tawag." Tumango lamang ito.

"Pumasok lang ho kayo,Ma'am!"

Naglakad ako palapit sa pinto at pinihit ito. Nadatnan ko si Drake na may kausap sa phone habang nakatalikod sa'kin.

"Angelika, saan ka na?" Napako ako sa aking pwesto.Angelika? Siya iyong nag text kay Drake?"Okay,bye." Tumalikod siya sa'kin at nagtama ang aming mga tingin. Nanlaki ang mata niya sa gulat,"A-annika,anong ginagawa mo dito?"

Nabalik ako sa aking huwesyo at nagpilit ng ngiti,"uhm...tumawag kasi ang lola mo,tapos hindi mo pa sinasagot ang tawag ko," umupo siya sa kanyang swivel chair

"Anong sabi niya?" Pinaglaruan niya ang kanyang ballpen gamit ang kanyang kamay

"Pumunta raw tayo doon" nangunot ang noo niya

"Agad?" Tumango ako. Hinilot niya ang kanyang sentido.

"Okay, maghanda ka ng gamit mo. Good for two days.We'll fly first thing in the morning." Ani niya at hindi man lang ako binalingan ng tingin

"O-okay,mauna na ako." Ba't ba tuwing nandito ako ay palaging bagsak ang balikat ko kapag lumalabas?

Naghihintay ako na bumukas ang elevator at nang tumigil ito sa tapat ko,natigilan ang babae na nasa loob nito.

Tinitigan ko siya at napagtanto kong siya iyong nakita ko noon sa office ni Drake. Baka katrabaho ni Drake.

Ngumiti siya sa'kin,"Hi! You are Annika,right? Drake's wife?" Ngumiti ako pabalik.

"Ahm..oo!"

"Do you want to grab some lunch?" Anyaya niya. Ayoko sanang sumama dahil nahihiya ako pero nagpumilit siya kaya pumayag na ako.

NAPAHILAMOS ako sa aking mukha nang nakalabas si Annika.I really don't want to do this to her.Ayokong hindi siya pinapansin pero kailangan kong gawin.

Nahahalata na ba niya na may gusto ako sa kanya?Darn!Why would she ask that question if not,di ba? Masyado na akong obvious when it comes to showing affection to her,but I can't help it!

I thought okay na kami.I was happy the moment we went to the airport up until that night happened.

Tinakasan ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo. Ngayon,halos hindi na kami magkibuan sa loob ng bahay.

Pinatawag ko si Alfred at agad naman siyang pumasok.

"Cancel all my meetings and appointments for two days.Pupunta kami sa lola ko."

Beguile #1:Drake De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon