Chapter 15

12.5K 294 2
                                    

"I HAD no idea na sikat pa rin ang pinsan ko," pagbasag ni Drake sa katahimikan habang nagda-drive siya.

"Ano?! Pinsan mo iyon tapos hindi mo alam?"Humarap ako ng patagilid sa kanya

"Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa buhay nila at hindi naman siya nagku-kwento," kibit balikat niyang sabi

"Hindi ka ba nanonood ng telebisyon? Halos siya na nga ang advertisement sa tv at palaging matataas ang ratings ng kanyang mga teleserye at bumebenta rin palagi ang albums niya."Anong klaseng pinsan ba 'to.

"Hindi ako nanonood ng mga teleserye niya,but he invites me sometimes kapag may premiere siya pero kadalasan hindi ako nakakadalo kasi busy sa trabaho." Napasandal uli ako sa upuan at tumahimik nalang.

It took us 4-5 hours na makarating sa aming destinasyon dahil nag sto-stop over kami para mananghalian.

"I made a reservation," ani ni Drake noong nasa front desk na kami

Nilibot ko ang aking paningin at ang ganda ng lugar! Mula sa naglalakihan nilang glass window, medyo tanaw ang napakagandang Mt.Fuji.

Si Drake na ang kumausap sa receptionist habang ako naman ay naglakad palapit sa bintana.The view is really breathtaking.

"Let's go?" Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Drake

"H-ha? Sige!" Nagsimula na kaming maglakad pero hindi nakatakas mula sa aking mga mata ang tingin ng mga babae na nasa lobby sa asawa ko. Ipinalibot ko ang aking kamay sa braso ni Drake na ikinagulat naman niya.

"Ano? Hindi ko ba pwedeng gawin 'to sa asawa ko?" Umiling nalang siya at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Kung maganda ang tanawin mula sa lobby ng hotel, mas lalo dito sa kwarto namin! May terrace dito at mas lalong nakita talaga ang buong Mt.Fuji!

"I specifically chose this room kasi ito talaga ang may pinakamagandang view ng Mt.Fuji." Ani ni Drake nang tumabi siya sa'kin sa may terrace.

"Maganda nga siya," pagsang-ayon ko sa kanya. Pumasok ako pabalik sa loob at nilibot ang kwarto namin.

The room is a mixture of modern and japanese style.Hindi nawala ang upuan ng mga hapon na nasa sahig.Ang kwarto naman ay malaki na may sliding door palabas din ng terrace and the best part about it?Nasa harap mo rin ang Mt.Fuji.

Napadpad ako sa banyo ng kwarto at may isa pang pintuan mula dito.Pagbukas ko, may jacuzzi  na nasa open space at mula din dito,kita ang Mt.Fuji.

Wala bang makakakita sa'min kung maliligo kami dito?

Ipinalibot ko ang aking tingin at mukhang safe naman at walang makakasilip.Maglalagay ba naman sila ng ganito kung may makakakita,diba?

Bumalik ako sa loob at nasa may sala na si Drake nanonood ng tv.Tumabi ako sa kanya.Bigla naman siyang tumayo.

"Halika," inilahad niya ang kanyang kamay.Tinignan ko lang ito.

"Saan?"

"Yagizaki park.I want to bring you there at sugurado akong magugustuhan mo doon." Ngumiti ako at tumango bago tumayo.

"Sige ba!" Hinding-hindi ako mapapagod kahit pa medyo kulang ang tulog namin dahil I'm in Japan!!!

Bumiyahe kami ng more or less 10 minutes siguro.

Hinawakan ni Drake ang kamay ko habang naglalakad kami at hinayaan ko lang siya.Unti-unti na rin akong nasasanay na hinahawakan niya ang kamay ko.Pilitin ko mang itanggi,pero gusto kong nakahawak siya sa'kin.

May matandang mag-asawa na biglang kumausap sa'min noong papasok na kami sa garden.Wala akong naintindihan sa sinasabi nila pero ikinagulat ko dahil sumagot si Drake!

Beguile #1:Drake De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon