Chapter 10

12.4K 309 6
                                    

NAGISING ako nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw.Napakurap-kurap pa ako bago tuluyang madilat ang mga mata.

Napangiti ako nang tumambad sa'kin si Drake na mahimbing pang natutulog.

Nakatanday ang kamay niya sa beywang ko. Ngayon ko pa lang siya matititigan ng ganito.

Makapal ang kilay niya, may stubbles siya na nagpapakiliti sa'kin tuwing hinahalikan niya ako sa leeg pero kebs lang,matangos ang ilong niya at lalong-lalo na ang jawline niya.

I want to kiss you all the time, to touch you, to hold you...

Mas lalo akong napangiti nang maalala ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ba nito, may gusto na siya sa'kin?

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nasa beywang ko at tumayo.Pinulot ko ang aking damit at sinuot iyon. Naghilamos muna ako at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.

This time,ako na naman ang magluluto. Nadako ang tingin ko sa wall clock at nanlaki ang mata ko nang makitang hapon na pala! Hala! Anong oras ba kaming natapos?

Pumunta ako sa kusina at nagsimula nang magluto.Kaya naman pala gutom na gutom na ako kasi hindi pa kami nag agahan at nananghalian.

Wala sa sarili akong napakanta habang nagpi-prito ng pagkain namin.

"Ay kabayo!" Nagulat ako nang pagtalikod ko, nasa mesa na si Drake na may ngiti sa mga labi niya. Oh, how I kissed that lips over and over again earlier.

"Marunong ka pala talagang kumanta."

"Oo naman! Kaya nga di ba,gusto kong mag Japan." Sabi ko at inilapag ang pagkain namin, "kain na tayo?"

"Ba't ba gusto mo sa Japan?"Tanong niya.Umupo na ako at nagsimulang lagyan ng pagkain ang plato ko

"Pangarap ko kasing makapunta doon," sabi ko at tumahimik na kami para kumain

"Ano ka ba naman,Drake! Hindi ako makakakain ng maayos kung titig ka ng titig sa'kin" reklamo ko noong napapansin kong nakatitig 'to sa'kin habang kumakain kami.

"What? I'm not staring at you," inosente niyang saad.Inirapan ko lang siya.

Ako ang nagligpit ng pinagkainan namin at nagulat ako nang tinulungan niya ako.

"Ang bait mo ngayon,ah! Anong meron?"pagbibiro ko sa kanya. Sumandal ito sa may island counter nang natapos niyang ilagay ang mga plato sa sink.

"Hindi ba pwedeng tulungan ang asawa ko?" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nawe-weirduhan ako sa inaakto niya.

"Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko sa kanya

"Oh shoot!I forgot to check my phone." Tumalikod na ito at nagmartsa palabas ng kusina. Umiling nalang ako.

Nasa sala ako tinatanaw ang matatayog na mga building mula sa malaki niyang bintana nang nagsalita si Drake.

"Aalis muna ako, male-late na kasi ako sa meeting." Bumaling ako sa kanya at inaayos niya ang kanyang suit. Lumapit ako dito at tinulungan siyang ayusin iyon.

"Uuwi ka mamaya?" Tanong ko matapos kong ayusin ang suot niya.

"Yeah,"napangiti ako sa sinabi niya.

Beguile #1:Drake De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon