Chapter 8

12.9K 284 2
                                    

PUMASOK na uli kami sa bahay ni Josh at nadtnan ko lang si Mommy at Daddy.

"Saan po si Amor at Annika?"

"I think nasa may pool-oh andito na pala sila!" Napatingin ako sa tinuro ni Mommy at magkasama nga silang dalawa. Nang makalapit sila sa'min, agad kong hinapit palapit sa'kin si Annika.

"Ma,Pa, hindi na rin po kami magtatagal, mauna na kami."

"Oh siya, sige, balik nalang kayo sa susunod, ha?" Ani ni Daddy

Humarap ako sa dalawa ko pang pinsan na nagbabangayan na

"Amor, sino ba ang susundo sa'yo?" Tanong ko sa aking pinsan

"Si Kuya Mike po pero bukas pa dahil dito muna ako matutulog." Tumango ako.

"Josh, sasabay ka na ba sa'min?" Umiling ito

"Maya-maya na siguro, may ibibigay pa ako dito sa munting prinsesa natin."

"Yehey! Salamat Kuya Josh!" Hinagkan ni Amor si Josh at napailing nalang ako. Ang dalawang iyan talaga.

Inihatid kami ni mommy at daddy hanggang sa pinto ng bahay. Bumitiw mula sa pagkakahawak ko si Annika at hinagkan sina mommy. Na estatwa naman ang mga ito.

"Mauna na ho kami at salamat po sa dinner."Nakangiting sabi ni Annika. She looks beautiful everytime she smiles.

"Salamat din sa pagpunta, balik kayo ulit ha?" Ani ni mommy nang nakasakay na kami sa kotse.

"Opo! Sa susunod po uli!"

Nang nakalabas na kami sa gate, napasulyap ako kay Annika.

"Mukhang nakuha mo ang loob ng pamilya ko ah"

"Ako pa? Magaling kaya akong makipag kaibigan. Most friendly ata ako noong elementary." Proud niyang sabi.

"Ano ba ang pinag-usapan niyo ni Amor?"

"Secret. Basta, sa'min nalang iyon."

Tahimik ang biyahe namin pabalik sa penthouse. Nang nakapagpark na ako, napatingin ako ko kay Annika. Nakatulog na ito nang nakaharap sa'kin.

Nadako ang tingin ko sa labi niya na medyo nakaawang. Napalunok ako. The last time I kissed and touched her intimately were three days ago. When we did it.

Everytime na madako ang tingin ko sa labi niya tuwing natutulog ito, palagi akong nagpipigil pero this time, I don't think I can hold it anymore.

Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at lumapit sa mukha niya at pinagdampi ang labi namin.

NAALIMPUNGATAN ako dahil parang may kamay na humihimas sa paa ko at pagkadilat ko sa aking mga mata, nagulat ako nang si Drake ang tumambad sa'kin at nakahalik pa ito sa'kin!

Dahil sa gulat siguro, naitulak ko ito.

"A-annika,gising ka pala," puno ng takot at gulat ang mga mata niya.

"Ba-bakit mo ako hinalikan?at bakit ka nakahawak sa legs ko?" Umiwas ito ng tingin.

"I-I dont know," iyon lang ang sabi niya at agad na lumabas ng sasakyan. Sumunod rin ako sa kanya.

Kami lang dalawa ang nasa loob sa elevator.Napapasulyap ako sa kanya pero deretso lang ang tingin niya.

Sabi niya Hindi niya raw alam ang dahilan kung bakit niya ako hinalikan at kung bakit siya nakahawak sa legs ko.Anong klaseng excuse ba iyon?

Beguile #1:Drake De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon