"Is that so?" Tinig nanghihinayang na sabi ni Gary kaya natutop na lang niya ang labi niya, sa isiping may balak pa yata itong pormahan siya.

"I'm sorry. She's just gorgeous... and my type." Direct to the point na anito na nakatingin pa rin sa kanya kaya hindi niya alam kung paano titingin, babati o ngingiti dahil na rin sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. "By the way, Gary Zamora." Pagpapakilala nito sa kanya sabay inilahad ang kamay sa harapan niya na agad din niyang tinanggap.

"Luna... Luna Del Prado-Madrigal." Tugon niya.

Natigilan siya nang hindi niya mabawi ang palad sa binata. Pilit din siyang ngumiti kay Gary pero hindi na siya kumportable rito kung tatanungin siya.

"I'm sorry, Gary. We have to go. We need to greet my family. You know I'm sure they're now looking for us." Singit ni Irhia sabay ipinulupot ang braso nito sa kanya't ito na rin ang humigit sa kamay niya mula kay Gary.

Nang sipatin niya ng tingin ang kaibigan, nakatingin ito sa kanya't lihim siyang kinindatan kaya nakahinga naman siya nang maluwag. Mukhang napansin nito na hindi na siya kumportable at nagpapasalamat siya dahil doon.

"Let's talk again, then. Later?" Nakangising pahabol pa nito na hindi man lang naalis ang titig sa kanya nang lingunin niya.

Tatawa tawa namang tumango si Irhia kasabay ng matipid niya ring pagtango kahit sa isip isip niya, hindi na niya gusto muling makasalamuha ang lalaki.

"Sorry for that. But I can't blame him, you're really gorgeous."

Nakangiting napailing siya sa sinabi ng kaibigan na hindi na lang niya tinugunan.

Tuloy tuloy silang naglakad. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Irhia. Sa sobrang daming tao at lawak ng lugar, hindi niya malaman kung saan sila patungo. Maraming bumabati at humaharang sa kanila kaya napapahinto sila.

Of course, they will stilled for a moment to greet those guest casually. Kahit papaano, alam naman niya kung paano makihalubilo sa mga malalaking taong katulad ng mga ito kaya naman hindi siya nahirapan.

Kaso nga lang, hindi na talaga siya makomportable sa suot niyang long dress. Nilalamig na rin siya. Bukas na bukas pa naman ang kabuoang likod niya. Kita rin mula sa damit niyang suot ang cleavage niya.

Kung bago nga lang siguro sa kanya ang pagtinginan ng ganito dahil sa suot niya, baka nagtago na siya sa kung saan. Pasalamat na rin pala siya't nasanay na rin siya.

Liberated din kasi ang mga taong nakakasalamuha niya sa U.S. kaya hindi na rin siya masyadong naaasiwa. Pero hindi niya maipagkakailang hindi pa rin talaga siya kumportable. Lalo pa at nasa Pilipinas siya kung saan tinititigan at sinusuri talaga ng mga ito ang buong katawan niya na para bang pinag-aaralan kung papasa.

"Irhia, do you have any comfortable dress? I want to change, please."

Agad siya nitong binalingan at pinagtaasan ng isang kilay.

"No!" Mabilis nitong sagot.

"Come on! That dress you chose is the cheapest I brought to you! Ni hindi nga ako makapaniwalang iyan ang pinili mo. Nagustuhan ko lang talaga siya kasi it doesn't look bad at all. Don't worry, darling. I will never allow you to change it." Tumatawang sabi nito kaya nawalan na talaga siya ng pag-asang makapagpalit ng mas kumportableng damit.

She let out a deep sighed while Irhia still giggling.

"Stop frowning, darling. Ipapakilala na kita sa pamilya ko." Sabi nito at hinila na siyang muli.

Bumuntong hininga siyang muli at mahigpit na hinawakan ang clutch na hawak niya, wala na ring nagawa dahil expected na rin niyang hindi naman magbabago ang isip nito.

As She Dance With The Devil (BS #2)Where stories live. Discover now