Chapter 09 - Look Who's Calling (July 07, 2018)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Saan mo naman gusto pumunta?"

"Bibilihan kita ng temporary phone. Tignan mo 'yang phone mo. Ano bang nangyari diyan at nagka-crack 'yung screen?"

Napatingin si Miala sa telepono niya. Naalala niya na naman tuloy ang nangyari noong bachelorette party. Gusto niya tuloy lalong ibato ang telepono sa pagmumukha ng taong 'yun. Pero ayaw niyang ipahalata kay Riley ang galit niya.

"'Di na. Okay lang 'to. Napipindot pa naman."

"Sure ka ba? Parang 'di na aabot 'yan ng pasukan eh. Kahit enrollment parang bibigay na."

"Jusko, boks. Wala naman akong choice. At saka ayoko magpabili sa'yo 'no. Wala naman ako pinatago sa'yong pera. Feeling mo mayaman ka? May sarili kang pera? Mahiya ka sa tatay mo sa pera niya."

"Baliw ka talaga. Minsan lang ako magoffer. Sure ka ayaw mo i-grab?" Huling alok ni Riley kahit alam niyang kapag sinabi ni Mia, sigurado na talaga ito.

"Oo, basta ba, nagkatrabahaho ka, ililibre mo ako. At saka ko ike-claim 'yang offer mo na telepono, dapat 'yung newest model sa panahon na 'yun. Doctor ka na 'nun."

"Aba. Mukhang napasubo ako ah." Nagkakamot sI Riley. "Pero let me remind you. Doctor ka na rin 'nun 'no. Tapos na tayo ng vetmend 'nun pero hindi pa sigurado kung may trabaho na tayo. Kung magpractice ba tayo, magtayo ng sariling clinic o mamasukan."

"Wala tatandaan ko 'tong moment na 'to ah."

Riley gives in.

"So, saan na tayo pupunta ngayon?"

They just decided to go to Riley's favorite shop. Sa Topman. Ibibili na lang daw nito ng damit ang pera niya. Sumama na lang si Miala para maging judge na pagpapakitaan ni Riley ng damit habang nagfi-fit ito.

Pero bago pa man sila makapasok sa Topman, namataan na agad ni Miala ang isang babae.

"Wait, wait wait!" Halos hilain ni Miala si Riley sa belt para lang pigilan itong pumasok sa establishment.

"Ano na naman, boks! Wala na ba tayong mapupuntahan na matino sa araw na to?"

"Ah... Eh..." Halos hindi niya masabi ang sitwasyon sa bestfriend. Paano ba naman kasi niya ipagtatapat na kilala niya ang present girlfriend ni Lenard ngayon na si Graciella. At siya ang babaeng nasa harap ng isang rack ng button-down shirts. Alam na alam na binibilhan nito ng gamit si Lenard.

Isa ito sa mga paborito nitong kulay. Taupe.

Bago tuloy nakapag-isip ng dahilan si Miala para hindi na sila pumasok ng Topman, may napansin na rin si Riley.

"Oh. My. Ghad. Si Graciella ba 'yun?" Sabi ni Riley na halos nagniningning ang mata.

"K-kilala mo 'yan?" Gulat na sagot ni Miala.

"Oo naman! Si Gracylove? Ang dami kayang subscriber ng channel niyan."

"Nang ano? Mga make-up make-up? Mga pa-cute videos?" Hindi maitago ang animosity sa boses ni Miala.

"Meron din. Pero mas maraming mga game videos. Gamer kaya 'yan. Kaya ko nga siya nakilala kasi nakita ko 'yung isang video niya sa Fortnite. 'Di mo aakalain!" Buong pagmamalaking sabi ni Riley.

Na-guilty tuloy si Miala. Ang totoo, hindi naman kasi niya kilala talaga ang babae para i-judge. Hindi niya talaga alam na may kasikatan pala 'tong current girlfriend ni Lenard na mukhang sa itsura pa lang, mukhang perfect na.

Nagkataon lang na sinearch niya dati si Lenard, a few months pagkatapos mapabalita na nagbreak na sila ni Angeli. Ang kumalat lang kasi na balita sa kanilang barkada, eh may suicide attempt daw si Angeli matapos itong hiwalayan ni Lenard.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon