Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

Prologue

294K 4.4K 234
                                    

He freaking hates me. From head to toe.

Sa kabila ng napakagwapo niyang mukha ay ang kakaibang tabas ng kanyang dila.

Ang perpektong hubog ng kanyang katawan ay sinisigawan akong hindi nababagay para sa kanya.

Ang mapula at manipis niyang labi ay walang alam sambitin kundi ang "Lumayo ka!"

Ang lalim ng kanyang mga mata ay sumisimbolo ng kanyang pagiging istrikto. Walang nakikita kundi ang aking mga pagkakamali at mga kapintasan.

Naturingan nga siyang matalino. Pero para sa akin, isa siyang napakagwapong tanga! Kasi ayaw niya sa akin, pinalalayo niya ako, nilalait niya ako, iniiwasan, at minsan ay sinisigawan.

Para akong may nakahahawang sakit kung layuan niya ako. Ang pagtira ko sa kanilang masayang tahanan ay parang isang napakalaki at kapinsa-pinsalang pagguho ng kanyang mundo.

He is Lucas Eion Jimenez and I am Cara Isabelle Mendez. This is the story of my unwanted existence.

My Unwanted Existence (Game of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon