A small smile tugged his lips. Perfect.

"Huwag mo na siyang isipin. Look around you." She gestured their surroundings. "Marami pang mas magagandang isda sa ilog at mas malulusog."

Tumaas ang kilay nito. "Parang sarili mo ang tinutukoy mo, ah."

Napangisi siya. "Siyempre kasali na ako ro'n."

"Nagpapalipad hangin ka ba sa'kin?"

Naubo siya sa tanong nito. "What? No! I'm sticking to that rule. I need a stable job," depensa niya.

"Good. Napapagod na rin akong magpalit ng sekretarya."

There was a light pinch in her heart the way he said those words. And she hated herself for having that feeling.

Tahimik na tinapos niya ang pagkain.

"Nagmahal ka na ba?" tanong nito pagkaraan ng ilang saglit. Ito talaga ang nagtanong?

"Oo naman."

"So what happened?"

Bumuntong-hininga siya. If sharing her past love life would help him feel better, she would willingly tell him.

"We broke up."

"Why?"

Saglit siyang nag-isip. Paano ba niya sasabihin dito na kaya sila naghiwalay ng dati niyang nobyo ay dahil sa hindi daw niya maibigay dito ang pangangailan nito bilang isang lalaki?

"Differences of values."

Tumatango-tango ito. "Like?"

Sasabihin ba niya? Bahala na. "Anatomy of men."

He coughed. Nasamid yata ito. "Binigwasan mo sana."

She waved her hand in the air. "Nah. He's not worth it. Ang mga lalaking katulad niya ay hindi na dapat pinag-aaksayahan pa nang panahon. Ayaw kong madumihan ang kamao ko."

He ruffled her hair. "That's my girl."

She stilled. Pinalis niya ang kamay nito. "Huwag mong guluhin ang buhok ko. Mahirap suklayin 'yan. And I'm not your girl."

Isang totoong ngiti ang namutawi sa mga labi nito. And that smile of his just turned her heart into havoc. Gosh, she needs to get away.

Tumayo na siya. "Hay naku. Maiwan na nga kita sa paglalasing mo."

Malapit na siya sa pintuan nang muli itong magsalita. "Sassa."

"Oh?"

"Salamat."

"Saan?"

Kumunot ang noo nito at saglit na nag-isip na waring ito rin ay iniisip kung saan ba ito nagpapasalamat. Kapagkuwan ay kinamot nito ang noo. "For your piece of advise, I guess," alanganing sagot nito.

Whoever broke your heart may rest in peace.

"Okay." Pagkasaad niyon ay tumalikod na siya. "Good night."

MAGKASALUBONG ang mga kilay na binasa ni Sassa ang nakasulat na note na iniwan ni Kent sa ibabaw ng lamesa sa sala nito kinaumagahan.

May susundo sa iyo pabalik ng Maynila. I needed to go first. Something came up.

Iyon lang. Napahugot siya nang malalim na hininga. Makapaghanda na nga lang.

Paglabas niya nang bahay ay nagulat siya nang si Khuryu ang nakita niyang nakasandal sa sasakyan nito.

"May hinihintay ka?" tanong niya.

"Oo. Ikaw. I'll be your driver for the day." Ngumiti ito.

Pinagbuksan siya nito nang pinto. Aba. Gentleman ang mokong.

"Nasaan si Julian?" tanong uli niya nang umaandar na ang sasakyan.

"Julian?" His smile held a mischievous glint in them. "Si tita lang ang tumatawag sa kanya sa pangalan niyang iyan."

"Ow?"

"Yep. Anyway, ang sagot sa tanong mo kanina ay nasa airport siya ngayon dahil susunduin niya si Margo."

She frowned. "Margo?"

"His ex fiancé."

Naumid ang dila niya. Sinulyapan siya nito. "Matagal na niyang ex 'yon. Magkaibigan na lang sila ngayon."

"Bakit ka nagpapaliwanag?"

"Baka lang kako interesado kang malaman."

Iningusan niya ito. "Is she the one who broke his heart?"

"Paano mo nalaman?"

She shrugged. "I think he still loves her."

Natahimik ito at sumeryoso. "Tinanggihan nito ang alok niyang kasal noon dahil sa pagmomodelo sa ibang bansa. Tanga na lang ang kaibigan ko kung tatanggapin ulit niya ang taong nanakit sa kanya."

"Siya ba ang rason kung bakit ayaw niyang may nahuhumaling na ibang babae sa kanya? Because his heart belongs to that girl only? He's shooing away every girl around him because he's afraid he might fall in love again? Sa pagkakataong ito ay sa ibang babae naman?"

Judging by the look Khyryu gave her, she was right. She huffed. Life sometimes sucks!

Naging tahimik ang mga sumunod na sandali hanggang sa hindi niya namalayang nasa Maynila na pala sila. The car came to a full stop when they reached their house.

"Salamat," ani niya.

"Sure thing." Ngumiti ito at tinulungan siyang ibaba ang kanyang ibang gamit. "Kent is stupid for not seeing you as a woman, you know. Mas bagay ka naman sa kanya."

Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa mga tinuran nito. "Gagi. Kung anu-ano 'yang mga pinagsasasabi mo."

"I can see it. Kyzer too. Everytime you look at Kent, may kakaibang kislap ang mga mata mo. I know when a woman is in love, Sassa. At alam kong may nararamdaman ka para sa kaibigan ko."

"Wow," she breathed. "What are you, a love expert?"

"Well, I'm the guy with so many talents." Kumindat pa ito. Pinalo niya ang braso nito.

"I need this job, Khyryu." Malungkot siyang ngumiti rito.

"My restaurant is open for you just in case you change your mind."

"Sira!"

He ruffled her hair just like what Kent did last night. "I like you."

"Ha-ha. Kyzer likes me too."

He grinned. "Good luck on Kenshin." Sumakay na ito sa kotse at pinaharurot iyon palayo.

Bakit pakiramdam niya may binabalak itong mas ikakagulo ng puso niya?




Love lots,
Realice

Her Boss' Number One Rule (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя