STRMH2-2

62.8K 1.8K 66
                                    

Umagang umaga palang pero andito na kami nakatambay sa White Pheonix. Ang White Phoenix Assassin ay isang grupo na ang leader ay si Mafi. Noong panahon na umalis siya patungong ibang bansa ay gumawa siya ng panibagong grupo na tinawag niyang White Phoenix. Meron itong 3 babae at 4 na lalaki. Ang White Phoenix ay hindi hinahawakan ng ibang mafia wala itong pinag sisilbihan, pero ito ay tumatanggap ng mga taong may gusto ipapatay.

Ginawa niya itong grupo na to para protektahan ako dahil gusto niya maging handa sa mga posibleng mangyari sa hinaharap. Ngunit hanggan ngayon ay nananatiling lihim ang dahilan kung bakit ito binuo. Ayaw niyang may ibang maka alam bukod saakin dahil ayaw niya makita ng iba na may kahinaan siya at gamitin ito ng mga kaaway niya laban sa kaniya. Dahil kahit sabihin na tapat ang kaniyang mga miyembro hindi pa rin nag titiwala si Mafi sa kanila dahil kahit anong oras ay pwedeng mag bago ang kanilang mga desisyon at sila mismo ang pumatay saamin.

"Thunder sigurado ka ba na hindi natin tatanggapin ang misyon? " Umiling si Mafi bago sumagot sa tanong ni Cloud.

"Hindi muna tayo tatanggap ng kahit na anong mission may kailangan tayong pag handaan." Mapa Death Assassin man or White Phoenix ay hindi talaga mag babago si Mafi kung paano siya makitungo sa ibang tao. Laging poker face ang mukha nito at akala mo pinaglihi sa yelo dahil kasing lamig ng yelo ang pakikitungo niya sa ibang tao. Pero pag dating saakin akala mo ay laging high sa candy sa sobrang tamis. Minsan ay hindi ko maiwasan na maalala ang aking mga kasamahan sa Death Assassin dahil ang kasalukuyang grupo na kinabibilangan ko ay nahihirapan akong pakisamahan. Pag dating sa mga lalaki ay wala akong problema ngunit pag dating sa mga babae. Isang tingin palang ay alam mo na agad na hindi nila ako gusto. Hindi man nila pinapakita na ayaw nila saakin dahil sa takot nila sa pwedeng gawin ni Mafi pero ramdam ko na ayaw nila saakin.

Kahit hindi maganda ang pakikitungo saakin ng mga babae ayoko idamay ang buong White Phoenix sa personal na problema ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko mapipigilan si Mafi sa gusto niya. I know he is doing this for my own good because he loves me so much, that he will do everything just to make sure what happened in the past won't ever repeat.

"Bakit? Hanggan ngayon ay hindi mo parin sinasabi saamin ang dahilan kung bakit kami laging nag sasanay ." Bakas sa mukha ni DL and inis kay Mafi dahil hanggan ngayon ay hindi pa rin nila maintindihan ang pinaka goal ng grupo. At alam kong hanggan kamatayan hindi sasabihin ni Mafi ang pinaka goal ng grupong kaniyang binuo. Maaring mag sabi siya ng kaonti kung ano lang ang dapat nilang malaman yun lang ang kaniyang sasabihin.

"Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niyo kung bakit niyo kailangan mag sanay ng mag sanay. Ngunit isa lang ang pwede kong sabihin sa inyo, ang mga kalaban na nag hihintay satin ay hindi basta basta. Kaya sundin niyo ang aking pinapagawa dahil para sa inyong kaligtasan ang lahat ng ito." Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay Mafi dahil sa layo ng Mafi noon at ngayon. Hindi ko maiwasan na hindi mapailing dahil sa nakikita kong expression sa kaniyang mukha, walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na sinabi sa kaniya na minsan ay subukan naman niya mag pakita ng emosyon sa iba ngunit hindi ako nito pinapakinggan.

"Fine! Where gonna believe in you because we know everything that you do has a purpose." Bakas man ang inis sa mukha ni Rain ngunit alam kong nag titiwala at naniniwala siya sa mga desisyon ni Mafi dahil alam niya ang lahat ng ito ay may reason. Kahit na lagi nilang sina-sagot sagot si Mafi hindi nito pinapansin kung paano siya pakitunguhan ng White Pheonix dahil alam kong kahit papaano ay mahalaga para sa kaniya ang kaniyang mga miyembro at gagawin niya ang lahat para ma protektahan ang mga ito.

"Nasisiguro ko sayon a ang aking dahilan ay maganda Rain." Tumingin ako kay Mafi dahil sa kaniyang sinabi at nakita kong naka tingin din ito saakin. Hindi ko maiwasan isipin kung ano ang magiging reaction ng mga ito pag nalaman nila ang totoo reason. Kanina pa kami nag uusap usap dito sa headquarters ngunit ngayon ko lang napansin na hanggan ngayon ay wala pa rin si Sun. Sa lahat ng miyembro ng White Phoenix ay siya ang may pinaka ayaw saakin, si Adella lamang ang aking nag iisang kaibigan na babae dahil ako lang ang nag iisang babae sa Elite noon at nag iisang babaeng sa aming mag kakapatid kung hindi dumating si Christine. Kaya hindi ko alam kung paano makitungo sa mga babae.

Ang White Phoenix Assassin ay binubuo ng 8 miyembro kabilang na ako.

Emperor Mafi Gunner Black leader ng White Phoenix o mas kilala sa tawag na WP ang kaniyang armas na gamit ay baril. Siya ay kilalang bilang Thunder ng White Phoenix.

Empress Charlene Gail Scott ang napiling kanang kamay ni Mafi dahil ako lang ang may kayang sumabay sa kaniyang kakayahan. Dahil bata palang kami ay sabay sabay na kami sa elite nag train at alam naming kung paano makipag laro sa aming mga kalaban. Dalawang taon palang ako sa WP at gusto niya noong panahon na sumali ako ay ako ang maging leader nito ngunit agad ko itong tinanggihan kaya ako na mismo ang nagsabi sa kaniya na magiging kanang kamay niya ako. Kagaya ni Mafi ay magaling ako sa pag hahawak ng baril at ang aking codename at Storm

Cloud Vince Stanley isa siya sa masasabi kong naging kaibigan ko sa WP siya ang unang una kong naka sundo sa WP. Magaling siya sa mga dagger at ang codename niya ay Cloud.

Alexdra Villas siya ang may pinaka ayaw saakin sa buong grupo, nandito man o wala si Mafi ay mararamdaman mong ayaw niya saakin. Pero pag wala si Mafi ay mas malala ang ugali niya kung paano ako pakitunguhan. Siya ay magaling sa pag hawak ng sword at ang codename niya ay Sun.

Carl Adrian Funtabella siya ang pinaka happy go lucky sa buong grupo at marunong siyang makisama sa lahat ng tao hindi ito namimili ng kaniyang kakausapin. Magaling ito sa pag gamit ng Knives at ang codename nito ay Moon.

Ishi Ky Mosca isa siya sa pinaka mataray na taong nakilala ko dahil kapag ayaw niya ayaw niya. Minsan ng nabanggit ni Mafi saakin na isa siyang spoiled brat dahil nag iisang anak lamang ito. Madalas ay maiinis ka nalang talaga sa mga sinasabi niya sa sobrang talas nitong mag salita. Magaling ito sa technology at ang codename nito ay Rain.

Gilbert Villafuerte sa lahat ng WP siya ang pinaka tahimik wala kang masasabi sa kaniya dahil wala naman din itong sinasabi sayo. Hindi mo malalaman kung ayaw ba sayo nito, mag sasalita lang siya kung kailan sa tingin niya ay kailangan. Magaling ito sa sword at ang codename nito ay DK or Dark Night.

Elisha May Santos siya ang pinaka moody sa lahat pero masasabi mo rin na ito ang pinaka masamang magalit sa buong WP bukod saakin at kay Mafi. Grabe ito kung pumatay ng tao walang awa niyang papatayin ang kahit na sino nakikita ko ang sarili ko sa kaniya kung paano ako pumatay ng aking mga biktima. Magaling ito sa sphere at ang codename nito ay Day Light.

Isang yakap ang aking naramdaman kaya napatingin naman ako sa taong yumakap saakin at nakita ko si Mafi na may ngiti sa kaniyang labi. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya para tignan ang buong paligid at nakita kong kaming dalawa nalang ang nandito. "Nasan na sila?" Takang pag tatanong ko kay Mafi. Isang pout ang binigay nito saakin bago mag salita hindi ko maiwasan mapangiti sa emosyon na pinapakita ni Mafi saakin.

"Umalis na Wifey hindi mo sila nakita umalis? I guess you're spacing out. Kanina ka pa di umiimik ayos ka lang ba?" Inalis ko ang kamay ni Mafi na yumayakap saakin at humarap sa kaniya. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil kitang kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano niya ako kamahal.

"Bakit ka nakangiti?" Halata sa mukha nito ang pag tataka dahil sa emosyon na pinapakita ko sa kaniya ngayon. Hindi ko maiwasan na mapailing at isang halik sa pisngi ang binigay ko sa kaniya ng lumayo ako sa kaniya ay kitang kita ko ang unti unting pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi.

"I'm really lucky to have you Hubby." Ginulo nito ang aking buhok bago muling mag salita.

"Ako ang mas maswerte sayo remember that." Now that I am looking at him smiling I know that smile it's real, his really happy to be with me.

"Thank you Hubby." I am happy to be with him kung wala lang akong dapat tapusin sa Pilipinas ay ayoko na sanang bumalik pa. Ngunit alam kong kailangan ko bumalik dahil may mga bagay na kailangan ng tapusin.

"You're always welcome Wifey, let's go home we need to wake up early tomorrow. You need to rest early puro training nalang ang ginagawa mo palagi you're strong enough to take them down. Now what you need to do is to get some enough rest." Napailing nalang ako sa sinabi niya at tumayo kami sa pag kakaupo namin at nag lakad palabas ng HQ. Pag ka sakay namin ng kotse niya ay tahimik lang siyang nag drive. One time I asked him kung bakit hindi siya kagaya ng iba na tumitingin sa Girlfriend nila while driving and his answer is "Ayokong mapahamak ang taong mahal ko ng dahil lang sa akin. Di ko kakayanin na mawala ka Wifey. Ako nalang wag lang ikaw. Your safety is my priority."

STRMH2:The Truth's Must Be Revealed [[Complete But Still Editing]]Where stories live. Discover now