"Tsk! Alis na 'ko" Walang ganang sabi ko. Ang tanda tanda na niya pero isip bata pa rin minsan -____-

"Ge, bye 'lil bro! Nga pala isama mo si Cheska dito para naman may makausap akong matino dito sa bahay" She shouted.

Nilingon ko lang siya at tumango. That's what exactly my plan. May importante kasi akong aasikasuhin mamaya kaya siguradong madaling araw na 'ko makakauwi.

Gustong-gusto din namang pumunta ni Cheska dito ang kaso
palagi akong nagdadahilan na sa susunod na lang, sigurado kasing kung anu-ano na namang kabaliwan ang sasabihin ni Amanda sa kanya. But now, I don't have a choice kailangan niya ng makakasama dito.

Kaagad akong pumasok ng kotse at nagsimulang magmaneho.  Naalala kong kailangan ko pa palang dumaan ng grocery store kaya lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo.

Maya-maya may nadaanan akong store, naisip kong doon na lang huminto dahil baka malate ako. Siguradong papagalitan ako ni Dad kapag nagkataon lalo na at may ilang hindi boto na ako papalit sa posisyon niya.

Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong lumabas ng kotse at tuloy tuloy na pumasok sa loob..

Ahmira's POV

"Mom!" Tumatakbong sigaw ni Xyler.

"Baby dahan dahan lang baka madapa ka" Nag-aalang sabi ko but he just smiled at me.

"Toy Mom!" Masiglang sabi niya habang winagayway sa harap ko ang hawak niyang maliit na teddy bear.

"Wait, where did you get this hah?" Tanong ko sa kanya. Dahan dahan ko siyang binuhat at pinaupo sa kandungan ko. Nandito kasi kami ngayon sa mall, naisipan kong ipasyal siyang dahil nextweek magsisimula na 'kong magtrabaho. I wanted to spend those remaining days with him hindi din naman ako sanay na hindi siya kasama buong araw pero kailangan kong magtiis dahil para din naman sa kanya 'to.

"That pwetty gwil gave thish to me, she's Catalina" Nakangiting sagot niya habang tinuturo ang isang batang babae.

Hinayaan ko kasi siyang makipaglaro sa ibang bata kanina pero hindi ko man lang napansin ang batang tinuro niya.

Sa tantiya ko magka edad lang sila, the girl looks so cute with her long curly hair. Ngumiti ito at nag wave ng mapalingon sa'min, ganun din ang Mom niya.

"Did you say thank you to her?"
He nodded.

"Yes and I gave hwer my toy too" Mabilis na sagot niya.

"I thought it was your favorite with all your toys?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Minsan kasi naisipan kong ipamigay sa ibang bata ang mga laruang hindi niya na ginagamit pero hindi siya pumayag na ibigay ko 'yong laruan na 'yon which is his favorite hero na si superman.

"Yes but she pwomise she'll going to keep it" Namimilog ang mga matang sabi niya habang nakatingin pa rin sa batang babae.

"Hmm ang bait talaga ng baby ko, halika samahan mo si Mommy, I want to thank her too.." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumapit kay Catalina at sa Mommy nito.

"Hi.."  Bati ko sa Mommy ni Catalina ng makalapit kami.

"Hello I'm Charmaine, ikaw pala ang Mommy ni Xyler, you really look so young muntik ko nang mapagkamalang magkapid kayo" Nakangiting pahayag niya. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkasiwa dahil doon.

"Ahmira" Sabi ko na lang at mabilis na nakipagkamay sa kanya.

"By the way, I would like to thank your daughter for giving this to my son" Nakangiting sabi ko sabay pakita sa laruang hawak ni Xyler.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Where stories live. Discover now