"Ah, Alden!" sabi ko, "thank you nga pala sa pinadala mo."

A few paused after he respond, "ah, nakuha mo na pala. Sana nagustuhan mo."

"Oo..." I hesitated to say but then, "sorry pala." And I breathe deeply.

"Huh? Para saan naman?" he asked.

"Sa inasal ko kahapon, i-sorry mo na rin ako kay Roshelyn for my attitude. Siguro pagod nga lang ako that time kaya pasensya ka na talaga." Sabi ko pa sa kanya.

Pero narinig ko naman sa kabilang linya ang mahihina niyang tawa, "okay lang 'yon, Maine. Naiintindihan naman ni Rosh, 'wag ka nang mag-alala."

Napahinga na lang din naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Atleast we're okay. Medyo nag over-reacted lang talaga ako kakaisip, hays. Sino ba naman kasing hindi mag-iinit kapag sinabi sayong pahiram diba? Like what? You're stealing my... ano nga ba kami ni Alden? Yeah, he's courting me. We're on good terms. Pero wala pa doon, grabe pala ako mag-react. Edi ibigsabihin... naku, ang dami ko talagang iniisip.

"Can I have you tonight?"

"Huh?" medyo nasamid pa ako sa sinabi niya.

"Ay hindi, what I mean is, pwede ba kitang makasama magdinner mamaya after work?" he asked.

"Okay, sige, akala ko ano eh..." hagikgik ko pa. Natawa na lang din naman si Alden, "sige na, busy ka ata sa diyan. See you na lang mamaya." And I ended up the call.

Naging panatag naman ang loob ko sa pag-uusap naming dalawa. Tinuloy ko naman ang pagkain ko at pinicturan ko ang bigay ni Alden. Then I posted it on my social media accounts, wala pang five minutes ay humakot na agad ito ng likes and sweet comments. Nakaka-touch naman, ang saya lang makabasa na kahit sila masaya for the development of relationship namin ni Alden. Pero di nga, si Alden na nga ba ang taong nakalaan para sa akin?

I hope dahil noon palang pinagarap ko na siya.

--

Until now, hindi pa rin umuuwi si Anja from their meeting kundi nagtext siya sa akin na magdi-dinner daw siya kasama nang staffs. So ako, ito, nag-aayos dahil susunduin ako ni Alden. Kanina pa ako hindi mapakali, excited na excited na akong makita si Alden.

Ilang saglit lang din naman ay naka-receive na ako nang text from him na nandiyan na siya. So lumabas na rin naman ako ng unit ko at tumungo sa elevator. Nang tumunog naman ito kasabay ng pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang napakagwapong nilalang. Diresto ang mga titig nito sa akin, nalipat naman ang tingin ko sa hawak niyang bouquet, then he handed over it to me.

"Ginulat mo ko 'don ah." Ngiti ko pa sa kanya.

"I always wanted you to be surprised." Ngisi pa niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko, "can we?" he said.

'Yong iba namang tao sa paligid namin ay kinikilig na nakatingin sa amin, they even captured the moment. Ang sweet talaga ni Alden, isa siya sa mga true to life fiction characters kung ituturing. Buti na lang may nabuhay na isang katulad niya. Buti na lang naging parte siya ng buhay ko.

Ilang saglit lang din naman ng makalabas kami ng condo ay tinungo namin ang sasakyan, he opened the door from the left side at nang makapasok naman ako sa sasakyan niya ay may kinagulat na naman ako.

"Hi, Maine!" ngiting-ngiti pa ni Roshelyn sa akin.

Napangiwi na lang din naman ako, "ah, hello?" patanong ko pang sabi sa kanya.

Tama nga si Alden. He always wanted to surprise me. Nagulat nga ako.

Nang pumasok naman si Alden sa loob ng sasakyan, "sumabay lang si Rosh, madadaanan naman kasi natin 'yong condo niya." Aniya.

Napatango na lang din naman ako at nanatiling tahimik sa kinauupuan ko.

Mga ilang saglit lang din naman ay bumaba na si Roshelyn. I only smiled at her. Ewan ko, ang awkward talaga kapag siya ang nakikita ko. Hindi ko kinakaya!

"Ba't natahimik ka?" lingon pa sa akin ni Alden.

Umiling naman ako sa kanya, "hindi naman, ano na naman iniisip mo?" sabi ko pa sa kanya.

Wala naman siyang sinagot kundi kibit balikat.

Mga ilang minuto lang din nang marating namin ang dinner place naming dalawa. He park his car at hawak hawak niya ang kamay ko na pumunta kaming dalawa sa loob ng restaurant na 'yon. On the middle of our dinner, someone called on my phone and when I answered it, halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.

"Really? Nandito ka na?!" hindi talaga ako makapaniwala, really.

"Yes, and I don't know where to go." He smirk, "pwedeng sunduin mo ako dito? Hintayin kita."

"Okay! We'll be there in just few minutes!" nilingon ko naman si Alden, "Alden, samahan mo ko sa airport, dumating na siya."

"Dumating na? Sino?"

"Basta!" sagot ko na lang sa kanya.

"But our dinner?" he refuse.

"Tsk, tapos na rin naman tayo kumain eh, samahan mo lang ako, please?"

He took a sigh, "okay, sino ba kasi 'yon?"

I smiled in excitement. "Si Derrick."

My Better HalfWhere stories live. Discover now