It's a words of encouragement. At tumutugma iyon sa nararamdaman ko ngayon.

Sino nga ba ang nagpadala nito sa'kin? Bakit pakiramdam ko galing ito kay Humpy?

Pero bakit naman niya ako padaldalhan nito? Si mama ang pinili niya at hindi ako. Imposible? O baka naman si Calvin? Pero wala naman siyang nabanggit kanina.

Hindi ko na inalam pa kung sino ang nagbigay nun. Kung isa man siyang stalker or admirer. Ito na ang una at huling beses na tatanggapin ko ang regalo niya sa akin, dahil sa sabado ay wala na ako dito.

Muli kong ibinilot ang papel na kinuha ko at inilagay ulit iyon sa loob ng glass jar, 'tsaka ko ibinalik iyon sa kahon, pagkatapos ay inilagay ko ang kahon sa ilalim ng kama at saka ako humiga at tinitigan ang kisame.

Kamusta na kaya si tito Esmael? Sinabi na kaya sa kanya ni mama ang totoo? Huling beses ko siyang nakausap ay nung apat o limang araw na yata ang nakakalipas. Ayoko namang tawagan siya o i-text, paano nalang kung hindi niya pa talaga alam ang lahat? Ayoko namang ako pa ang magsabi sa kanya ng totoo kaya nanahimik nalang ako at kung tatawag man siya at magtatanong, then I have no choice but to tell him the truth tutal hindi lang din naman siya ang naloko.

All this time, ang akala ko ay siya lang ang niloloko ni mama, pati rin pala ako. Ako na anak niya pa.

Napabuntung-hininga nalang ako habang hindi inaalis ang pagkakatitig ko sa kisame.

Kung hindi siguro nawala si daddy, hindi mangyayari ang lahat ng 'to.

"Dad. Sana nandito ka." Napakagat ako ng labi ko ng muli ko na namang maramdaman ang mga luha ko na dumaloy pa sa tenga ko.


Isang araw bago ako umalis patungong batangas ay nagpunta kami ni Nichole sa grocery store para mamili ng pagkaing babaunin ko sa byahe. Hindi naman ganoon kahaba ang byahe mula makati hanggang batangas, pero hindi naman maiiwasang magutom ka.

Habang nasa meat section kami ay nag ring ang cellphone ko at ng hugutin ko yon sa bulsa ko ay nakita kong si mama ang tumatawag.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang pagkatapos ng lahat ay may gana pa siyang tawagan ako. Mapait akong tumawa habang tinitignan ang screen ng cellphone ko habang ring ng ring ito.

"Bakit ayaw mong sagutin?" Tanong sa akin ni Nichole na agad lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita na si mama ang tumatawag sa akin.

"OMG!"

Tumaas ang kilay ko. "May lakas pa siya ng loob na tawagan ako?" At saka ko pinatay ang cellphone ko at ibinalik yon sa bulsa ko.

"Ano naman kayang kailangan niya sayo?"

Nagkibit balikat lang ako at itinuon ang sarili ko sa mga nakadisplay na pagkain. Wala akong pake kung ano mang dahilan niya at tinatawagan niya ako.

Dumating ang araw ng pag-alis ko. Plano kong pumunta muna sa mansion pagdating ko, gusto ko lang magpaalam kay tito Esmael na magsasariling buhay na ako. At handa narin akong magkwento sa kanya kung sakaling nananatili parin siyang inosente sa tinatagong issue ni mama. Malaki ang naitulong sa akin ni tito Esmael at bago man lang ako magpakalayu-layo ay gusto kong pasalamatan muna siya sa lahat-lahat.

"Tawagan mo'ko kapag nakarating ka na, cous. Mamimiss kita, yung luto mo. Lahat! 'Tsaka malulungkot na naman ako kasi mag-isa nalang ako dito." Malungkot na sabi ng pinsan ko.

"Eh di invite mo si Paolo tapos dyan muna patulugin, para mainit lagi ang gabi mo." At saka ko siya mapanuksong tinawanan.

Hinampas naman niya ako sa braso. "You're so naughty! Porket di ka na virgin gumaganyan ka na!" Mapanuksong bato naman niya sa'kin. "Siguro by the end of the month. Maghahanap narin ako ng boarding house dahil hindi ko na kayang mag rent dito mag-isa. Baka wala ng matira sa sweldo ko kapag bayaran."

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Where stories live. Discover now