"Nagtatanong ka tapos ikaw din masusunod" nagmamaktol na sabi niya

"Eh baka maraming tao atsaka pambata naman yun'" dahilan ko

"Edi ikaw kumain ka kung san gusto mo. Ako kakain sa McDo" sabi niya sabay lakad palayo.

Tsk. ako? Walang nagawa kundi habulin siya wala kasi siyang kasama kumain.

"Sige dun na tayo kakain" sabi ko ng maabutan ko siya

"Oh ngayon susunod ka"

"Oo na ang dami mo na namang dak dak eh sumama na nga oh"

"Eh kung ayaw mo okay lang naman ako"

"Gusto ko" sabi ko sabay akbay eh may nakatingin kasing lalaki sa kanya.  Hindi rin naman siya nagreklamo.

"Oh ano sayo? Libre ko na baka ano na naman yung idakdak mo dyan eh" Tanong ko pag kaupo niya sa table namin

"Ice cream,fries,chicken atsaka burger"

"Hindi ka rin mahiyain no?"

"Hindi naman hahaha"

"Siguraduhin mong uubusin mo yun ah" paninigurado ko ang dami kasi eh

"Opo" sabi niya sabay saludo

"Sige! Wait lang."
-------------------------------------------
Maine POV

"Oh! Ubusin mo yan ah" sabay lapag ng inorder nya. Kumuha agad ako ng fries

"Wow ang sarap talaga pag libre" nakangiting sabi ko habang ngumunguya

"Oo na daldal mo. Kumain ka na lang"

"B-bakit yan l-lang inorder mo sayo?" Tanong ko

"Wag ka ngang magsalita ng puno yung bibig mo" sabi niya

"Wag mo nga sabing itaas yung paa mo pag kumakain eh" dagdag niya pa

"Eh sabing ganto ko kumain eh" sabay kain ng ice cream

"Ang kalat naman kumain parang bata" sabi niya habang pinupunasan yung gilid ng bibig ko. Shet ang gwapo!

"Oh bakit?" Tanong nya

"W-wala" nauutal kong sagot.

Tumahimik na lang ako habang kumakain bigla kasi bumilis yong tibok ng puso ko eh

"Tapos ka na?" Biglang tanong niya

"Ahh oo dadalhin ko na lang tong fries ko atsaka ice cream" sagot ko habang dinadala yung pagkain ko hahaha sayang to no

"Oh san tayo ngayon?" Tanong niya sabay akbay. Tangna eto na naman yung puso ko.

Shet. Anong nangyayari sakin?

"Oyyy" ulit niya paglabas ng McDo

"Ahhh ikaw san mo gusto?" Sabi ko habang nakain pa rin ng fries

"Dun muna tayo sa upuan" turo niya dun sa upuan

"Sige bala ka" sagot ko na lang

Tapos umupo na kami dito sa upuan.

"Dinala mo pa kasi yan eh" sabi niya

"Eh gusto ko eh atsaka sayang no gusto mo?" Hindi ko na siya inantay sumagot sinubo ko na agad sa kanya yung fries na may ice cream

"Hahaha" tawa ko. Eh pano ung ice cream nakalat sa bibig niya

"Ang cute mo! Picture tayo bilis" sabi ko tapos nilabas ko yung phone ko

"Game" tas nilagyan ko rin ng ice cream ung bibig ko para parehas kami

"1,2,3" sabi ko ngumiti rin naman siya sa picture namen

"Dito rin" sabi niya sabay labas ng phone niya

"1,2,3"

"Wacky naman" sabi ko

*click*

*click*

*click*

"Hahahaha" tawa niya sabay takbo

"Alden" sigaw ko eh pano nilagyan ba naman ako ng icecream sa pisnge

"Alden" sabi ko habang hinahabol siya.

"Hahaha" tawa naman sya ng tawa. Siraulo to pinagtatawanan pa ko ah

"Hahaha ayoko na tama na" sabi niya huminto naman ako sa tabi niya

"Ayan ang harot kasi eh pawis ka tuloy" sabi niya habang pinupunasan ung muka ko

"Ogag! Anong ako? ikaw yung nauna dyan eh" sabi ko. Shet ang lapit ng muka niya sakin.

Bigla naman siyang napatingin sa mata ko kaya nagkatitigan kami. WTF eto na naman yung puso ko ang bilis ng tibok sasabihin ko kay mommy at daddy ipadoktor na ko

"A-a-ako na magpupunas sa sarili ko" nauutal na sabi ko sabay agaw ng panyo

"Okay" maikling sagot niya

"Uwi na tayo" sabi ko. Mag si-six  na din pala hindi namin napansin yung oras.

"Tara! Hahatid na kita" sabi niya sabay hinawakan yung kamay ko

"S-sige" sagot ko

Ng makarating kami sa bahay ko hindi muna ako bumaba

"Thank you ah nag enjoy ako" sabi ko at baba na pero bigla niya kong hinawakan sa kamay

"Bakit?" Tanong ko

"Thank you din and" seryosong sabi niya

"And?"

"I think I like you Maine"

__________________________________

Vote and comment!

Salamat!

This Girl (AlDub/MaiDen)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt