8

3 1 0
                                    

Lunes na naman, ala sais y media pa lang ay nakabihis na ako. Hindi pa ako umaalis kasi may hinihintay pa ako.

Ang sigaw ni Joselito.

Tingin ako sa relos ko, 6:40 na pala at wala pa ring sigaw.

6:43

6:45

Kinuha ko na ang bag ko at nag umpisa nang magbilang.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Li-----

"Hooooooooooooooy!!!!!! Tara na!!!! Hahahahahahahahaha."

Sabi na eh. =_=

Hudyat na iyon ng paglabas ko. Inunahan ko na si Jos sa pambubulabog para hindi na rin nakakahiya sa mga katabing apartment ko.

"Bakit hindi mo hinintay pagkatok ko? Tsk." Parang nagulat siya sa labas ko.

"Hayy. Tara." Saka na ako naglock.

"Hmf." Mas nauna siyang maglakad. Parang babae kung magtampo naman to. Hayy.

Sa buong paglalakad namin hanggang makarating kami sa school ay tahimik lang si Jos.

Parang babae talaga.

"Hi Gray! Uh... para sa iyo pal----" Hindi na naituloy ng isang babae ang sasabihin niya ay nilagpasan ko na siya. Bulung-bulungan tuloy sa corridor. Mukang naiwan yata nakatunganga iyong babae.

"Ay kawawa naman si Girl."

"Masungit naman kasi talaga si Gray. Yieee mas lalo ko siyang minamahal."

"Kaso hanggang tingin na lang talaga tayo. Huhuhu."

Naririnig kong sabi sabi sa tabi.

Tss.

"Akin na lang to miss. Bye! Hehehehe." Sa wakas ay nagsalita na siya at inabutan ako.

"Hoy, ayaw mo?" Inaalok niya sa akin ang sandwich na bigay nung babae sana sa akin.

"Sayo na lang." At nagpatuloy na kami sa pagpasok.

"Sa akin naman talaga." May laman pa ang bibig.

"Tss."

Bago kami makarating ng room may pamilyar na tumawag sa akin.

"Gray!"

Si Madison.

Napatigil tuloy kami ni Jos sa pagpasok sa room.

"Uy! Hahaha good morning!" Masiglang bati ni Jos kay Madison.

"Uh.. good morning din." Sagot naman niya kay Jos nang maabutan niya kami. Saka siya bumaling sa akin.

"Uh, good morning Gray." Sabay bigay niya ng malawak na ngiti sa akin.

"Good morning din." Sagot ko naman. Heto namang si Jos, papalit palit ng tingin sa amin ni Madison.

Tss

"Ah Madi, hindi mo yata kasabay si Rio Maria? Hahaha." Si Jos.

"Ah. Hehehe ahm, ewan ko doon, hindi pa raw gising kaninang dinaanan ko sa kanila. tulog mantika kasi yon. Tsk. " Nag iwas na siya ng tingin sa akin.

"Tara pasok na tayo." Nauna na siyang pumasok sa room.

****

"Ok that's all for today class. See you tomorrow." Katatapos lang ng first period namin.

"Oh Miss Williams? You're just in time for your second subject." Napatingin kami kay Rio na hingal na hingal dumating sa room namin.

Nakacivilian pa rin siya at gulo gulo pa ang buhok. Dire-diretso siya sa pagpasok at hindi pinansin ang teacher namin.

Tss.

"Good bye, class!"

"Good bye, Miss." Sabay ang klase namin saka kami nagsitayuan.

"TARANTADO KA BAKIT HINDI MO AKO GINISING? PUNYEMAS!"

Napatigil kami sa pagtayo sa lakas ng boses ni Rio. Naabutan namin siyang nakataas ang binti sa table ni Madison.

"Ayaw mo kasi magpagising eh. Yun ang sabi ni manang kanina." Parang naiiyak na sagot ni Madison.

"KINGINA NAMAN!" Saka siya nagsipa ng upuan sa gilid niya.

"Hey Rio Mari----"

"NAK PATING, RIO LANG NGA! RIO! PUNYEMAS KA RIN ANO?!" Bumaling naman siya sa class president namin na nasa harapan ngayon.

"Woah. Lakas nitong si Rio. Hahahahaha!" Si Jos sa tabi ko.

"Tss." Sabi ko na lang.

"Will you settle down first dahil may announcement ako? Pwede?" Mataray namang sagot ni CP na halatang may halong takot pa rin kay Rio.

Nakakatawa sila. Tss. -_-

"Settle settle. SETTLE YOUR FUCKING FACE!" Saka niya dinirty finger si CP.

-_-

At talagang ikinagulat ng iba iyon. Bulung-bulungan ulit.

"Sa susunod, ikaw ang gumising sa akin at huwag mong iasa kay manang dahil waepek sa akin yon! Tsk tsk." Baling niya kay Madison.

"RIO, I SAID SETTLE----"

"SHUT THE FUCK UP." Iritadong sabi niya kay CP at sa wakas, umupo na siya sa tabi ni Madison at nagcross arms.

"Whatever. Okay classmates, this is still about the intrams next month. Nakita niyo na ba ang activities sa bulletin board?"

Halos lahat ay umoo. Kami lang yata ni Jos ang hindi.

"Okay any suggestions for the pageant? Uh....okay Chel?"

"Sa Miss Intrams, i-try natin si Madison."

Bulung-bulungan na naman.

"Madison, is that okay for you?"

"Oo okay sa kanya yon." Si Rio na sumagot. Tumingin ako kay Madison.

-_-

Nakatingin din siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Okay if that so, Madison will be our representative for Miss Intrams. So for Mr. Intrams? Suggestion? Uh...yes Hazel?

"Why not Gray? Sure win na tayo."

Narinig ko ang halos lahat sa pag-sasang ayon. O ng lahat na pala. Tss.

Nakita ko naman lumiwanag ang pagmumukha ng class president namin saka tumingin sa akin.

"Is that okay for yo-----"

"No." Mabilis kong sagot.

"Why naman Gra----"

"Si Jos." Mabilis kong pagputol sa kanya.

"Hala pre bat ako?! Nananahimik na nga eh" Napatayo si Jos nang wala sa oras.

Tinignan ko nalang siya nang masama.

"Uh.. hehehe sabi ko nga. Hm hoy Marianne ako nalang! I suggest myself and you have no choice but to conside-----"

"Okay okay. Just cut it off Jos. Tss."

"HahahahahahahahaGAGOhahahaha ka talaga." Halos pabulong niyang sabi sa akin.

Napangiti na lang ako at napabaling sa area nila Madison.

Nawala ngiti ko.

Dahil nakangiti rin siyang nakatingin sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only ExceptionWhere stories live. Discover now