7

3 0 0
                                    

"Graaaaaaaaaay!!!!!"

Wow. Ito pala pambungad ng linggo sa akin. Tss

"Graaaaaaaaaay!!!!!!" Patuloy niyang sigaw sa labas.

Bahala ka diyan.

"Hoyyyyyy! Nak ng ano ka Grayyyyyy! Kung hindi mo ito binuksan tignan mo man!!!!!!!!!"

Sige. Tignan nga natin.

"Isa!...."

Okay?

"Duwa!...."

O_o

Agad ilokano?

"Tatloooooooo!"

*blaaaaaag*

"AHAHAHAHAHAHAHAH! HOY!"

ANAK NG BAKLANG KAMBING OH. Walang habas kasing binuksan ni Joselito ang pintuan ng apartment ko. Tsk

"Hoy tara! Huwag kang ano diyan!" Sabay pa ng pang-aalog niya sa akin.

"Hooooooooooy!" Level 5 na pang-aalog niya. Tinalikuran ko lang. Antok na antok pa kasi ako.

"Nasan ba ang tubig dito...hm ito----"

"Ano ba problema mo Joselito Dimakabasagpinggan?" Wala eh, baka totohanin niya yung tubig, magkakalat pa dito.

"Tara kina Alberto! Hahahahahahaha. May nalaman kasi ako." Umupo siya sa may sala ko sabay tingin ng mga drawings ko sa may center table.

"Tss. Ang dami mong alam." Tumungo na ako sa banyo.

"Hahahahahaha. Basta may nalaman ako pre. Malupet ito! Hahahahahaha."

"Ano ba iyon?" Sigaw ko mula sa banyo.

"Si Madison."

Napatigil ako sa paglagay ng toothpaste sa tooth brush.

"Oh?"

"Interesado ka na ba? Ahahahahahah!" Umaalingawngaw ang tawa niya sa buong apartment ko na parang bedspace lang.

"Tss." Itinuloy ko na ang pagtutooth brush.

"Siya pala iyong perslab ni Alberto. AHAHAHAHAHAHAHAHAHAAH!"

Doon ako napahinto.

Coincidence.

****

"Pre, hindi mo sinabi na si Madison pala yung kinukwento mo dati!" Si Jos. Andito na kasi kami ngayon kina Alberto.

"Haha. Hindi ko naman alam na classmate niyo pala at wala naman kayong paki eh lalo na itong si Gray." Siko niya pa sa akin habang nagbabasa ako ng National Geographic magazines sa terrace nila.

"Pero ano pre, siya parin ba diyan sa ano mo? Hahaha"

"Sa ano pre? Hahahahahaha!"

"Sa ano....sa pu....so! Hahahahaha."

Loko talaga itong Joselito na ito. Tss.

"Hm, wala naman kami commitment dati. Hanggang titig lang ako sa kanya at usap. Strict kasi ng parents! Hahahahahha. Lakas pa rin ng tama ko don eh!" Tinukod ni Alberto ang siko niya sa tuhod saka bumaling sakin.

"Pero kung si Gray papalapitin natin don, sure bol na ito. Haha." Bumaling ako sa kanya.

"Tss. Wala akong panahon sa mga ganun pre." ininom ko ang juice sa may table nila. Sayang eh.

"Haha. Alam ko naman pre. Kaya panatag akong hindi mo kukunin iyon. Hahahaha basta tyempo lang talaga, liligawan ko rin iyon."

"Hahahahaha! Ewan ko lang sayo pre." Si Jos sabay lagok ng juice niya saka kain ng banana bread.

Saka niya ako tinignan nang nakangiti.

"Hindi ko gusto paningin mo Jos."

Pero imbis na alisin niya titig niya sa akin, pinataas baba niya pa yung kilay niya.

Tss.

Bumaling ako kay Alberto na pa-lipat lipat ng tingin  sa aming dalawa ni Jos.

"Heto yung ayaw ko sa pagtatransfer. Nalilihiman niyo ako. Tsk"

"Hahahahahahaah! Wag kana magtampo! Lipat ka na kasi ulit sa amin."

"Alam niyo namang hindi na pwede diba?"

Napaaway kasi si Alberto sa school namin at kinick out kahit anong pakikiusap ng mga magulang niya sa school officials namin.

Loko loko kasi, pinagtripan lang niyang bugbugin iyong dalawang lower years sa amin noon. Sa aming tatlo kasi, si Alberto ang pinaka'bully' o may pagkabasag-ulo sa amin. Nabobored daw kasi siya. Hayy.

"Loko basta kapag napasagot ko si Madi, hindi lang yan ang papakain ko sa inyo." Saka siya sumandal.

"Talaga pre?! Hahahahahahaha teka pupuntahan ko na si Madi para sagutin ka n-----ARAYKONAMAN!". Binato kasi siya ng magazine ni Alberto.

Natawa ako ng konti lang. =_=

"Gago ka, Gray! Ano tinatawa tawa mo diyan?!!!!" Habang kinakamot niya ang ulo niya.

"Tss."

"Gago ka kasi agad agad sagot? Haha. Siyempre ipapamalas ko muna kay Madi na hindi siya nakakalimutan ng gwapo kong puso. HAHAHAHA!"

"Ay tama ka diyan pre! Gandang lahi kasi tayo! Apir!!!!" Si Jos. Syempre.

Paano ba ako nagkaroon ng mga ganitong kaibigan? Tss.

*brizk brizk*

Dinungaw ko ang phone ko sa kalagitnaan ng palitan o palakasan ng tawa ng dalawang kupal kong kaibigan.

Madison
02:45 pm

Uh Gray? T2nungin q lng if my homework b tau.
Saka ko pinagmasdan ang masayang pagmumuka ni Alberto. Naramdaman niya yata iyon kaya napatingin din siya sa akin.

"Oh pre, uunahan na kita, hindi kita type. Hahahahahahahahaha!"

Kumag talaga.

"Ako Gray, type kita. Pakiss nga! Hahahahahahahahahaha."

Isa pang kumag.

Mga kumag.

Tss.

Napangiti na lang ulit ako.

Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon