2

14 2 0
                                    

"Sayang pre hindi ka pumunta kahapon. Pucha bigtime pala sila Alberto? Kingina hindi mo talaga aakalain."

Kwento sakin ni Joselito habang naglalakad kami papuntang school.

"Oh?" Sagot ko lang sa kanya.

"Alam mo pre, sa sobrang sarap mong kausap ang sarap mo ring batukan! Pabatok nga ng isa!" Reklamo niya sabay astang babatukan ako. Tumakbo naman ako.

Tinawanan ko lang siya habang hinahabol ako nang...

"Ohmy!"

Sa kakatakbo ko, hindi ko namalayang may nabundol pala ako.

"Sorry miss!"
Tutulungan ko sana siyang tumayo pero she refused my hand.

"Ah okay lang!"
Tumayo siya at inayos ang damit niya at mga librong dala niya.

"Sorry again." Ang nasabi ko nalang.

Napatitig na lang siya sa akin nang dumating ang kasama niya.

"Hoy ayos ka lang?" Tanong nung kadarating na kasama niya pero hindi pa rin nawawala ang titig niya sa akin. Kumunot noo ko.

Weird

*pak*

Gulat kami sa lakas ng sinampal nung kasama niya yung babaeng nakatitig sa akin.

uh huh?

"Ah oo. Haha. Sige." Halatang kinagulat din niya yung sampal. Natauhan na yata.

"Sorry." Sabi ko na lang ulit.

At napatingin ako dun sa kasama niya.

Inirapan lang ako.

Tomboy?

Sinundan ko na lang sila ng tingin papasok sa school.

"Woah. Lupet non pre! Hahahaha!" Sabi ni Joselito nang makalapit sa akin.

"Tigilan mo ako. Tara, oras na."

Tinawanan lang niya ako.

Lagi naman. Tss

****

"Pre, sa office lang ako. Papasa ko works ko." Sabi ko kay Joselito nang makapasok kami ng room. Wala pa naman ang teacher kaya pupunta muna ako ng office ng school paper namin.

"Ge. Mag-ingat ka diyan baka pagpiyestahan ka ulit. Hahaha!"

"Tss."

Medyo malayo nga lang ang office sa room namin. Madaraanan mo ang faculty room at ang canteen.

Nang lalampasan ko na ang canteen na buti na lang walang estudyante kundi matatagalan ako. Ilang minuto nalang eh magsisimula na ang klase.

Biglang may nahagip ang mata ko. Nakasibilyan at nakataas ang dalawa niyang paa sa lamesa habang nag saksak ang malaki niyang headset.

Siya?

Tumingin ako sa relos ko, ilang minuto nalang, mag uumpisa na ang first subject kaya halos half run na ginawa ko para hindi malate.

****

"O pre, san tayo mamayang uwian?" Bulong sakin ni Joselito habang naglelesson pa kami.

Hayy.

Hindi ko siya sinagot at nakinig lang sa lesson.

"Pre, ano na? Tae sumagot ka naman!" Sabay siko na rin sa akin. Medyo malakas ang pagkakasabi niyang yon dahilan para mapansin kami.

"Mr. Chavez and Mr. Dimakabasagpinggan, mind to spill to the class your discussion there?"

Tawanan classmates namin hindi dahil sa napansin kami kundi, alam niyo na. Sa super unique na apelido ni Joselito.

"Mam! Nagbebrainstorming lang po!"

Natawa na lang ako sa kanya at ganoon nalang din ang kaklase namin at mahawa na rin tong teacher namin.

Buti nalang.

Maya maya, isang katok ang nagpatigil sa discussion namin.

Nang pinagbuksanan ito ng pinto, tumambad na naman yung tomboy kanina kasama 'yung nakabungguan ko.

"Good morning po."

Only ExceptionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora