4

10 2 0
                                    

Nag unat ako nang matapos ko ang isa kong cartoon.

Parang pagod na pagod ako sa isang cartoon lang.

"Gawa siguro nung kanina. Hayy." Nasabi ko nalang habang tinitignan yung gawa ko.

Napapailing ako nang maalala yung kanina.

*flashback*

"Hi! Classmates tayo! Madison nga pala." Sabay lahad ng kamay niya.

"Gray pala." Sinagot ko yung kamay niya.

"Pwedeng makisabay dito?"

"Sure" sabay ngiti at hila ng upuan sa table namin.

Ngiting naupo si Madison at nakangiwing umupo naman si tomboy na sa pagkakaalala ko eh Rio ang pangalan.

Pagkaupo nung tomboy, nagulat ako nang tininaas ang dalawa niyang paa sa table namin at pinag-cross yun.

"Problema mo?"

Nagising ako sa pagkakatitig sa binti niya sa lakas ng bunganga niya na hindi bagay sa mababaeng boses niya.

"Rio marie! Ano ba? Umayos ka nga."

"Hoy! Rio nga sabi! nak ng"

"Ok fine basta umayos ka."

"Bala ka. Tss"

Nagpapalit palit nalang ako ng tingin sa kanilang dalawa nang dumating si Jos.

"Uh-uh? Hoy Gray, bilis ah? Ahahaha" medyo nagitla pa siya sa nadatnan niya at sabay lapag ng pagkain namin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hi, Im Jos." Lahad ng kamay ni Jos kay Madison.

"Madison." Sabay ngiti niya.

Lumipat naman si Jos kay Rio.

"Hi." Abot tenga ang ngiti ng loko.

Pero imbis na sagutin ang kamay ni Jos, inirapan lang niya ito.

Natawa na lang ako sa scene na iyon.

"Ah eh, siya si Rio" si Madison na sumagot ulit sa kamay ni Jos.

*end*

At mula noon, medyo nagiging close na rim kami nila Madison at Rio Marie.

Nang maligpit ko ang gamit ko, nagreview naman ako ng mga naging lessons namin kanina para hindi ko makalimutan.

****

Alas otso na ng gabi nang magising ako. Hindi ko namalayan siguro dahil sa pagod kaya bumigay ang katawan ko.

Hinanap ko ang phone ko.

15 messages

Yung sa mama ko lang ang binasa ko dahil the rest, unknown numbers na at nakakasiguro akong mga babae yun.

Hayy

Mama
6:45pm

Son, how are you? Bumisita ka naman paminsan minsan dito. I really miss you son pati na rin ang daddy mo. I hope for your visit! Love lots!

Napangiti nalang ako.

To mama

Weekends mom expect me there.

Nang masent na, naghalungkap ako sa ref ng makakain.

Matapos kumain, naligo na ako para tuluyang matulog.

Ok lang naman maging independent para masanay na rin ako sa future.

Konting panahon na lang naman din makakaalis narin ako rito.

I smile at that thought.

Only ExceptionWhere stories live. Discover now