5

12 2 0
                                    

Biyernes.

"Gray?!!!! Pre hoy pasok na tayo hoooooooy!! Pucha labas kana tama na yan! Mas lalo kang papayat kapag naka ilang labas ka diyan! Ahahahahaha!"

Ilang beses damog at sigaw ni Jos sa akin. Tinanghali kasi ako ng gising kaya napaghintay ko siya.

"Tara." At naglock na ako ng pinto.

"Pre, malapit na kitang hindi makilala dahil sa pagbabago mo. Ice yan! Ahahahaha" tapik tapik niya pa sa balikat ko habang nagsimula na kami maglakad.

"Tss loko." Sabi ko na lang.

"Pre ano sa tingin mo dun kina Madison? Ayos ba?"

"Okay lang."

"Panong okay? tae ka talaga kahit kaylan."

"Ayos lang."

At doon, binatukan na niya ako. Tinawanan ko na lang siya.

"Alam mo pre, kung hindi ka lang mapera, nilayasan na kita."

"Edi layasan mo na ako." Sabay labas ng bulsa kong walang laman.

Ayon, nagulat at sabay tinakbuhan ako ng mokong. Nailing ulit ako.

"Huwag mo akong lapitan! Hindi tayo close!" Sigaw niya sa akin nang naglalakad ako tungo sa kanya.

"Okay" at lumihis ako ng daan.

"Oy oy oy! Joke joke joke joke lang! Ahahahaha matalino ako kaya mapagtiya-tiyagaan ka na. Ahahaha".

Nakapamulsa kaming parehas at sabay nang pumasok.

****

"Okay as we all know, Intramurals na next month at kalakip non eh mga activities. Last year na natin to guys so please be participative."

Tamad akong nakikinig sa class president namin at ganon din si Jos na walang ginawa kundi daldalan ako tungkol sa mga walang kwentang bagay.

"One of the activities to be held is the battle of the bands. Anyone can suggest to be our participant?"

"Pre, bakit pangit pangalan ko pero gwapo naman ako?" Si Jos habang nagtatap ng table namin habang ako tamad na tamad na nagssketch sa likod ng notebook ko.

"Joselito! May suggestion ka?"

"Eh?" Napatigil siya sa pagtatap ng table.

"Kung wala kang masasuggest, tumahamik ka or better lumabas ka!" Seryoso na CP namin.

"Sus! Kala mo kung sino." Bulong na lang sa akin ni Jos.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Ganda mo kako!"

"Okay guys, sino marunong tumugtog diyan?"

Nasa ganoong eksena nang biglang may humikab ng malakas.

Si tomboy

"Okay, Rio? Tumutugtog ka ba?"

"Eh? 'no pinagsasabi nito?" Tanong ni Rio kay Madison na seryoso rin sa meeting namin sa klase.

"Oo! Marunong tumugtog to!" Turo ni Madison kay Rio.

"Okay 1 down. Atleast 5 kasi dapat ang participant per band so, ano alam niyo naman meaning non. 4 more!"

"Anak ng! Hoy!!" Reklamo ni Rio kay CP o kay Madison yata?

"Rio, hindi lang ikaw kasali kaya wag kang mag inarte diyan." Sagot naman nitong CP sabay irap kay Rio.

Napasipa na lang si Rio sa table na nasa harapan niya. Nakapagmura pa yata ito nang mahina.

Ayon, dahil sa pagpupumilit ng CP namin nakakuha na siya ng 5 para sa banda namin.

"Okay, other activities ay sa monday na lang natin ididiscuss. Better take a look sa bulletin board nang malaman niyo in advance yung mga activities at baka maisipan niyong sumali."

****

Natapos ang buong klase namin at kasalukuyang naglalakad na ako mag-isa pauwi. May pupuntahan pa raw kasi si Jos kaya hindi makakasabay sa akin.

"Gray!"

Nahinto ako at napalingon kung saan galing yung pagtawag sa akin.

Si Madison.

"Pasabay naman!"

"Sige"

Habang nasa lakaran kami, nakapagkwentuhan na rin kami ni Madison tungkol sa buhay niya.

Napag alaman kong mag-isa lang siyang anak ng isang negosyante. Negosyo nila ang exportation ng mga saging. Napag alaman ko ring hilig niya lahat na may kaugnayan sa Disney. Kikay siya hindi nga lang halata dahil sa simple niyang mag-ayos.

"Ay Gray, dito na ako." Napahinto kami sa isang street na medyo malapit na rin sa apartment ko.

"Ah okay sige. See you on Monday." Pamamaalam ko sa kanya.

"Thanks sa time! Ingat ka!" Nakangiting pamamaalam din niya.

Ngumiti na lang ako at dumeretso na pauwi.



Madison.

Napangiti ako nang wala sa oras.

Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon