°_Chapter 48_°

Comincia dall'inizio
                                    

" Ah! I remember! Ikaw yung babaeng nameet ko sa mall noon. Remember when I tell you na okay lang ang umiyak? I even gave you an advice before." he said. Parang nawala lang ang kaba niya ng maalala niya ako.

Teka, sa mall? Before? Hmm. Ahh! Siya yung handsome guy na nameet ko before sa mall tapos napagkamalan kong may gusto sa akin at sinusundan daw ako.

" Oo. At ng dahil sa'yo, I cried openly to others na. So si Euricka pala yung sinusundan mo non?"

Tumango lang siya at ngumiti. Timing naman at bumukas na yung elevator at sabay na kaming naglakad patungo sa kwarto ni Euricka.

I made a very big mistake. I didn't trust him. Nasabi na niya sa akin ang tungkol nito noon pero nabulag ako dahil lang sa nakita ko without knowing his explanation.

" Ayaw mo bang pumasok?" tanong ng asawa ng kapatid ko. Ni hindi ko man lang nalaman ang name niya.

"Mamaya na," sagot ko. Pumasok na siya at naiwan akong nakaupo sa labas ng kwarto ng kapatid ko.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Ang tanga tanga ko talaga.

Pero wala namang magbabago kung malaman ko man ang totoo o hindi. Kasi papakasal parin ako kay Austin. Ayaw ko nang makasakit.

Narinig ko ang pagpihit ng pinto mula sa kwarto ni Euricka kaya napatayo ako agad. Si Ace pala.

" Ba't di ka pumasok?" tanong niya.

" Mamaya na siguro." tipid kong sagot sa kanya.

Umupo ako ulit at tumabi siya. Hindi muna ako umimik kasi ngayon ko lang napagtanto ang mga mali ko. Napagkamalan ko siya. Imposible namang siya ang ama eh nasa loob na nga ang asawa ni Euricka.

" Hindi ba talaga ikaw ang ama ng bata?" paninigurado kong tanong.

" No. Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba na ako ang ama ng anak nila?" napangiti siya tsaka hinawakan ang kamay ko.

" Walang imposible. Naging kayo noon kaya hindi ko maiwasang maisip na ikaw talaga ang ama. Ikakasal pa nga sana kayo."

" I can't blame you though. Nagkasala rin naman ako. I can't demand you to trust me dahil napakalaki ng pagkakamali ko." he said.

" Kindly tell Euricka that I came. Hindi na ako magtatagal pa kasi maaga pa ang flight ko bukas. Hindi pa nga ako nakapagsimulang mag-impake. Pakisabi narin na congratulation." sabi ko at agad nang tumayo.

Sinundan niya ako hanggang sa labas. Gusto pa nga sana niyang ihatid ako but I insisted na huwag na.

Pumara na ako ng taxi at nagpaalam na sa kanya.

" Invited ka pala sa kasal ko." sabi ko bago pumasok sa taxi.

Hindi siya nakasagot dahil sa pagkabigla. Kahit ako, ayaw kong iniinvite sa kasal ng taong mahal ko pero si Austin na ang pinili ko. Wala ng bawian.

---

" Becca! My goodness! Your gown is just so gorgeous. Mas maganda pa sa'yo." react ni Jane habang tinitignan akong sinusukat ang gown sa kasal ko.

Next week na ang kasal ko kaya todo priparado na talaga. Ngayon lang ako kinasal na kasali ako sa pagpreprepare.

" O.A. mo na naman. Syempre ako ang pumili sa gusto kong design kaya ganito."

" Ahhhhh!" bigla bigla niyang sigaw.

Letse talaga tong babaeng 'to. Sana hindi ko na 'to pinapunta rito kasi ang ingay ingay.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora