Prologue

11.7K 308 14
                                    

"So, what happened to Maine Mendoza after the break up?"

"Edi masaya! Stress free. Walang drama, walang nangungulit. Walang gumigising sakin ng maaga para yayain ako mag jogging. Walang bumubuntot sakin pag nagshoshopping ako. Walang nagagalit pag may nakikipag kilala saking lalaki, di ko na kailangang mag-charge ng phone ko palagi kasi wala namang makulit na text ng text kung pauwi na ako o kung nasaan ako. Di ko na kailangang mag-load no! Nakakatipid ako kasi walang reregaluhan pag monthsary! Dyahe kaya, iisip ka pa ng regalo buwan buwan tapos pag nagbreak kayo tatapon mo lang din naman. Of course, masaya. I'm finally free again."

"What happened to Nicomaine Dei Mendoza after the break up?"

"Walang nang gumigising sa umaga para dalhan ako ng paborito kong kape. Wala ng sumasama sakin sa mall para pilian ako ng damit kahit lahat naman ng sinusukat ko pag tinanong ko kung okay e ang sagot lang sakin, 'ang ganda mo'. Wala na kong sinusuyo pag nagtatampo kasi may nagpapicture saking gwapong lalaki. Di na ko natutulog malapit sa outlet para makapag-charge ako agad pag nag-10% na yung battery ko. Wala ng tumatawag pag 4am na wala pa ko sa condo at wala ding sumusundo pag nalelate yung tapos sa trabaho. Wala ng mga regalo, wala naman sakin yung regalo eh. Basta magkasama kami bawat monthsary okay na yun. Yung aantayin lang namin matapos yung buong araw bago namin yayakapin ang isa't isa at mangangakong magkasam parin kami sa mga susunod na buwan, taon, maging dekada. What happened to Nicomaine? She was free, but so lost and busy picking up broken pieces of herself."

28 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon