"Of course! Bakit naman hindi"..

"See? Sumabay ka na lang please" Pamimilit ko, baka kasi magising si Xyler at hanapin siya.

"I'll be fine, ako na ang bahalang magdala sa mga gamit na'tin. Magkita na lang tayo sa bahay niyo" Sagot niya. Wala akong nagawa kundi pumayag na lang.

He kissed my forehead at ganun din kay Xyler bago siya naunang umalis.

"He really love you" Nasabi niya na lang bigla. Napangiti na ako ng pilit dahil dun.

Yeah.. alam kong mahal niya pa rin ako kahit ilang beses ko nang sinabi na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Hindi niya kami iniwan at minahal niya si Xyler na parang sarili niyang anak.

"Uhmm...by the way where's Yuri?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Ah nasa kotse kasama si Zack, sleeping beauty din kasi ang isang 'yon" Siguro malaki na din 'yong anak niya. It's only one month older kay Xyler at based sa nga pictures na pinapadala niya, parang si Zack lang na mahaba ang buhok.

"For sure magkakasundo silang dalawa" Tumatawang sabi ko.

"Yeah.. that's why I'm really thankful na umuwi na kayo, para may kalaro na ang baby ko.." Mabilis na sagot niya.

Sandali kaming napatigil dahil kailangang echeck 'yong dala kong handbag at ganun din kay Bhambie. Nang makalabas kami ng airport, agad akong napangiwi sa sobrang init.

"Sandali lang tawagan ko lang si Zack.." Tumango lang ako at saglit na nagpunas ng pawis.

Nangangalay na ang isang kamay ko pero kailangan kong tiisin dahil hindi ko naman pwedeng ibaba si Xyler dahil mapuputol ang tulog niya.

Makalipas ang ilang minuto, tumigil ang isang kotse sa harap namin.

"Let's go" Yaya ni Bham.

Oh thank God! Sigaw ng isip ko ng malamang kay Zack 'yon.

Kaagad akong sumunod sa kanya at nang makapasok kami sa kotse, si Zack at Yuri agad ang nakita ko. Kandong niya ito habang ang isang kamay lang ang nakahawak sa manibela.

"Hi Zack" Bati ko sa kanya.

"Hi. Kamusta na? 'Yan na ba ang anak mo?.." Tanong niya nang makita si Xyler.

"Ah oo. Heto mabuti naman at sobrang na miss ang Pilipinas" I said and smiled.

"Hon.. Sa'kin na si Yuri para makapagmaneho ng maayos" Singit ni Bham at kinuha si Yuri na busy sa paglalaro ng doll niya.

"Kanina pa ba 'to gising.." Sunod na tanong ni Bham.

"Not really.." Sagot ni Zack at nagsimulang magmaneho.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kanilang dalawa. They are really perfect for each just like what I have thought na mangyayari sa'min ni Adam but sad to say we didn't end up like them.

"Baby..say hi to Tita Ahmira and baby Xyler oh.."Masiglang sabi ni Bham sa anak niya. Agad naman ito nag-angat ng tingin at nagsalita.

"Hi! youw so pwetty like Mom" Nahihiyang sabi nito. Bigla namang napatawa ng malakas si Bhambie.

"Sabi na eh, kamukha lang ni Zack 'to pero ang katalinuhan sa'kin niya namana" She said laughing. Well obvious naman ^_____^

"Hello, you're so pretty too" Sagot ko at ngumiti ng ubod tamis.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon