Chapter Twenty Three- Let's Go Out

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi nga kaya?

“Okay ka lang?” sabi ni Mikaela.

Tumango ako.

Pero Chemistry. Chemistry ang subject. Sobrang hirap ng pinapagawa niya. Balancing chemical equations? Hindi ko talaga 'to magawa ng mabilisan. Pero siya, parang ang dali-dali lang niyang ituro at gawin. Umabot na nga kami sa kadulu-duluhan na pwedeng gawin sa stoichiometry. Gusto kong sumuka.

3rd year pa lang kami diba pero ano ba yung ginagawa niya? Mala-dissertation na yata yung ginagawa niya jusko. 

After ng chemistry, nagdiwang si Alyanna ng malaman na si Silver din ang magtuturo ng LAHAT ng subjects sa buong araw na yun. Lucky her.

Buong araw ko siyang makikita... at buong araw ko siyang maamoy. Big deal yun.  

~

“Kyaaaaaaaaaaaaah!!! Ang cute talaga! Ang gwapo makalaglag panty! Sana lagi na lang academic day para forever ng ST si Silver my love.” Sabi ni Alyanna nung lunchbreak. Hindi pa rin siya makagetover sa luck niya.

“Huy hwag ka ngang maingay! Ayun lang si Silver oh!” turo naman ni Mikaela sa kinaroroonan ni Silver.

Nandoon nga siya. Hindi siya kumakain. Nakikinig na naman ng music? Marami namang nakaupo dun sa bench na malapit sa labasan. Pero lahat kumakain. Si Silver lang ang bukod tanging hindi. Isa ba siyang bampira na iniiwasan ang pagkain? Sabi ko na nga ba ibang tao to eh. Alam ko kagabi, yung kasama kong Silver, kumain ng marami sa KTV bar. Natatandaan ko yun eh.

Ang totoo, katulad ni Alyanna, hindi din ako makagetover. Pero hindi dahil sa kagwapuhan ni Silver, pero dahil sa ipinapakita niya sa akin. Ano bang meron? Ang dami kong tanong eh. Nakakalumbaba ako sa desk ng may mukhang sumulpot sa harap ko. Parang multo.

"HEY ZYLES"

Zyles?

“Hey Zylie Zylie Zylie! How’s your academic day? Is it very academic?? Or not academic? Or both?" tumaas-taas pa ang dalawang kilay niya.

Buknoy and friends. At anong very academic ang pinagsasabi niya? 

“Tigilan mo nga ako! Anong tanong yun? Please buknoy! Ayaw ko na ng mga tula, at kahit anong ka-ekekan! Stressed ako! Ayoko ng kausap ngayon.”

“Oi Zylie! Hard mo kay Buknoy eh ang cute-cute nga niya!" tukso ni Yanny.

“Cute?! Eh di iyo na." Tumayo ako. Naglakad na ako papalabas. Quota na ako ng kahihiyan ha? Ayoko na ng isa pang tula. Not anymore.

“Wait wait mahal ko!!!”

Yuck! Mahal ko daw? Mahal niya he's face. Narinig tuloy ng iba.

“Get off!”nakahawak kasi siya sa purse ko. Nakakainis.

“Oo pero please payag ka na na…. na magdate tayo!!!”

WTH? 

“Are you crazy?”

“Sige na pagbigyan mo lang ako! Isang date lang tapos hindi na kita masyado guguluhin. Konting gulo na lang!!! Please!!!! Zylie baby!!”

Nakakatempt po ang offer na yun. Isang date lang tapos hindi na niya ako guguluhin? Paano ako makakasigurado na totoo siya sa mga sinasabi niya. Pero ayoko pa rin. Iisipin ko pa lang na makikipagdate ako sa taong ito? Yuck to the nth power.

Tumingin ako sa may gawi ni Silver. Help me. Sa lahat ng oras na tinulungan niya ako, dapat ngayon rin. Kelangan ko ng tulong niya. Please please.

“Papayag na yan!! Papayag na yan!!!” Todo cheer pa yung mga friends ni Buknoy!!! Sobrang madami na tuloy nagchicheer.

Last na... Tumingin ulit ako kay Silver. Nakatingin siya sa akin, pero tumingin din siya sa kabilang direksyon na parang ayaw niya akong iacknowledge. Na kumukumpirma na hindi niya ako kayang tulungan. O ayaw niya. Siguro ayaw niya.

Pero bakit nung nasprain ako, natapunan ako ng kape, nahulog sa pool, napagiwanan ng mga estudyante, nung kay Terrence, sa karnabal, sa ktv?

Tinulungan niya ako.

Pero ngayon... nakita kong tumayo siya… At naglakad palabas.

“Okay…” lumabas sa bibig ko, nang hindi ko inaasahan. 

Did I just say yes?

OMG.

Nagtatalon sa tuwa si Buknoy. Ako naman… Napaupo na lang, doon sa isang bench….

Ano bang meron… Nakakapanibago… Wala si Silver sa tabi ko… tapos… Makikipagdate pa ako dito sa Buknoy na to… WAAAAAAAAAAAHHH.

What did just happen?

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon