CHAPTER 1

10.4K 152 16
                                    

"Hero, anak. Gising na. Baka mahuli ka pa sa klase mo." Panggigising sa kanya ni Auntie Bella niya.

Yung totoo. Antok pa siya. Tinapos pa niya yung isa-submit nilang paper sa Advertising professor nila. Hanep na yon. Sa kanya lang ibinigay? Psh. Mga tamad!

Bumangon na siya kahit antok pa siya, deretso banyo.

*

"Morning, bunso!" In chorus na bati sa kanya ng pinsan niyang si Kuya Cirius at Kuya Cymer. Her Aunt and Uncle treated her as their own. Even the twins treated her as their bunso.

"Morning, Hero." Bati sa kanya ng Uncle Simon niya.

"Morning po." Ganting sagot niya.

"Grabe ka, bunso! Bakit ganyan yung eyebags mo?" Tanong sa kanya ng Kuya Cirius niya.

"Dyan na yan nakatira. Wag mo nga pansinin." She rolled her eyes. She grabbed a french toast and put it in her mouth.

"Nga pala bunso. Can't fetch you later. Kailangan ko mag-OT." Sabi sa kanya ni Kuya Cymer.

"Me too. Baka matagalan kasi ako sa office." Segunda ni Kuya Cirius.

"Okay lang. Commute na lang ako laters."

"Sure ka?" Sabay pang tanong ng kambal.

"Yea. Sure. Besides, nakakamiss din magcommute." She said.

"Magtext ka mamaya, pag pauwi ka na."

"Yes, Tito." Tumango siya.

"Hija, tapos ka na ba? Maligo ka na. Para makasabay ka na dun sa dalawa."

"Alrighty."

*

"Bye, bunso." Ang Kuya Cirius niya ngayon ang nakatoka sa kanyang maghatid.

"Bye, Kuya. Ingat."

"Magtext ka ha."

"Yup. Bye."

Sa harap ng gate ng school siya binaba ng pinsan niya. Konti na lang naman ang lalakarin niya.

"Uh, hi Hero." Bati sa kanya ni Rhej. Yung partner niya na pinabayaan lang siyang gumawa ng lahat.

Bwisit na 'to. Tiningnan niya lang ito.

"Uh.. Ano.. Tapos na ba?"

Inilapag niya sa harap nito ang ilang pages ng paper nila. Hindi siya nagsasalita dahil nabibwisit siya rito. Inuuna kasi ang landi. She rolled her eyes at her. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Next time, wag puro landi ang inaatupag."

Nanlaki ang mata nito.

"What?"

"You've texted me telling that you can't do that paperwork because you're not feeling well. Really? And that time you're at the bar making out with some fuckboy knowing that you already have a boyfriend."

Napa-English siya ng wala sa oras. Hassle kasi e.

"Sinungaling ka!"

"Really? So ano ka pa? For your info, nakita kita sa iCavern. I needed to go out para maghanap ng bukas pang comp shop. Dahil naubusan ng ink yung printer ko. I did all the work here, Rhej."

"Nagpasa ako sayo ng part ko!"

"I know. May nakasulat pa nga na, "What's this shit all about?" Galing kay Prof. Kaya wag mo kong ginagago, Rhej."

Nakita naman niyang namutla ito. Umupo na siya sa upuan niya. Nababadtrip na siya. Bahala siya sa buhay niya, wag na niya kong pinepeste. Itatapon ko siya sa bintana.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang