Cute ka. Cute ka. Cute ka. Cute ka. Cute ka.

Pilit kong sinisink in sa utak ko ang mga katagang sinabi niya. I'm cute? Shit boss wag po.

Namula ako sa sinabi niya. Shinake ko yung ulo ko dahil baka mapansin niyang namumula ako.

"Oh bakit?" tanong niya.

"Wala boss. May lamok kasi." palusot ko nanaman.

"Ah wala namang lamok dito ah?" sabi niya.

"Meron boss." sabi ko.

"Wala naman talagang lamok dito. San naman sila papasok?" sabi niya.

"Boss, maliliit yung mga lamok. Kahit na konting bukas ng pinto ay makakapasok na sila." sabi ko.

"Sabagay." sabi niya sabay kamot sa ulo. Hot ka po boss.

Agad ko naman din inayos muli yung mga papel. Ang bait niya talaga! Sana ganun na siya parati please? Kung sino ka mang ispirito na sumanib sa boss ko ngayon, inuutusan kitang wag ng lalabas kahit kailan!

Nang natapos ko na yung pag-aayos sa papel ay agad ko na itong inabot sakanya.

"Tapos na ako boss!" sabi ko sabay abot sakanya yung papel.

Kinuha niya ito mula sakin at AKSIDENTENG nahawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sakanya at ganun din siya.

Napakaganda ng kanyang mga mata. Kumikislap na parang mga bituin sa langit. Nakakatunaw yung mga titig niya.

Napaiwas naman ako nung nagsalita na siya.

"Naaadik ka ba sa mga titig ko?" sabi niya.

Inayos ko yung boses ko at nagsalita.

"Naku boss di ah? No homo." sabi ko na pilit na itinatago ang hinhin ng boses ko.

Tumawa siya na parang loko. Nakakaloka tong boss ko ah? Kala ko masungit lang to, kapal din pala ng mukha. Hahahaha!

Nang natapos na kaming mag-ayos ay agad na siyang tumayo.

"Oh Stoff, mauna na ako." sabi niya sabay kuha ng bag niya.

"Sige boss maglilinis lang ako dito." sabi ko din sabay tayo para kunin yung walis.

"Oh wag na. Malinis pa naman. Bukas nalang." sabi niya. "Oh sige mauna na ako." sabay labas.

Lumakas yung pintig ng puso ko. Parang iba na yung nararamdaman ko. Parang crush ko na siya.

Hinawakan ko yung dibdib ko kung saan nakalocate yung puso ko.

"Wag kang mahuhulog sakanya Kris. Wag." sabi ko sa sarili.

Ayokong mahulog ako sakanya. Wala namang kasiguraduhan kung masusuklian niya ito. Straight siya at ayaw niya sa mga bading.

"Mawawala din to. Mawawala." sabi ko sa sarili.

Nang matauhan na ako ay agad na akong bumaba.

Nakita ko si Rica na papalabas sa sa opisina. Tinawag ko siya at lumingon naman ito.

"Baklaa!" sabi niya sabay yakap sakin.

Nakalimutan ko palang sabihin. Si Rica pala yung bestfriend ko nung high school. Nagtaka nga ako eh bakit siya napadpad dito.

"Labas tayo?" sabi ko.

"Aba? Go ako jan." sabi niya.

Naglakad kami patungo sa restaurant na tinatrabahuan ko. Dun namin na isipan na kumain. Landi din nitong si Rica dahil crush niya raw si Jeff. Landi ni Rica 1.1

"Kris! Kamusta ka na?" bati sakin ni Jeff nung pumasok na kami.

"Ayos lang ako. Ikaw kamusta ka na?" sabi ko.

"Eto okay lang." sabi niya.

Siniko ako ni Rica. Tinignan ko siya at nabasa ko na yung ekspresyon niya. Ipakilala ko raw siya. Landi talaga.

"Ah Jeff, si Rica, officemate slash bestfriend ko. Rica si Jeff, classmate ko nung college." pagpapakilala ko sakanila.

"Hi Rica!" bati ni Jeff sabay abot ng kamay niya.

Namula si Rica at inabot din yung kamay niya.

"Nice meeting you, Jeff." sabi niya.

"Me too." sabi ni Jeff sabay ngiti.

Halatang kinikilig si Rica dahil pulang pula na siya.

Nag-order na kami ng makakain at umupo kami sa table. Sinerve agad ni Jeff yung pagkain namin at nagpaalam.

"Here's your order. Maiwan ko muna kayo." sabi niya sabay alis.

"Ang gwapo ni Jeff, bakla!" sabi ni Rica.

"Naman." sabi ko.

"Di ka ba nagkacrush sakanya?" tanong niya.

"Aba di ah? Ano ka ba." sabi ko.

"Buti naman. Oh kamusta ka na?" sabi niya.

"Okay lang. Medyo nag-iba si boss ngayon." sabi ko.

"Ha?" sabi niya.

"I mean, bumait siya kanina. Di niya ako pinalinis ng office niya tsaka nagbiruan kami. Ngumingiti na siya and nagtatagalog." sabi ko.

"Ha? Talaga? Pero bakit?" sabi niya.

"Ewan ko nga. Pero sana ganun na siya parati." sabi ko.

"Sana nga. Tsaka alam niya na bang bakla ka?" sabi niya.

"Hindi no? Di ako nagpapahalata. Pilit kong magpakalalaki. Ang hirap." sabi ko.

"Naku wag ka talagang magpapabuking. Nako ayaw na ayaw niya sa mga bading!" sabi niya.

"Bakit naman kaya?" sabi ko.

"Ewan ko. Basta iba ang pakitungo niya sa mga bading. Basta expect the unexpected bakla." sabi niya.

Natatakot ako sa maaring magawa sakin ni boss kung malalaman niyang bakla ako. Kaya ko namang magpanggap sa harap niya. Wag nga lang ako mabuking.

Pagkatapos na kaming kumain ay agad na kaming lumabas.

Sumabay na samin si Jeff pauwi.

"Oh bakla, dito na ako. Ingat kayo, bye Jeff." sabi niya.

"Ingat ka." - Ako

"Ingat Rica!" sabi ni Jeff.

Naglakad naman kami ni Jeff patungo sa dorm. Papasok na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Jeff.

"May problema ba?" sabi ko.

"Pwede bang hingiin yung number ni Rica?" sabi niya sabay yuko.

"Ay iba! Hahaha oo sige." sabi ko sabay bigay sakanya ng number ni Rica.

"Nice thanks!" sabi niya sabay kiss sa pisngi.

"Hoy!" sabi ko sabay pahid.

"Sus oa mo naman. Best friend mo naman ako." sabi niya sabay pasok sa loob.

Pumasok na din ako sabay bihis. Humiga agad ako tapos pumikit.

Nagvibrate yung phone ko tsaka ko tinignan ito.

"Unkown number? Sino naman kaya ito?" sabi ko sabay open sa message.

"Hi Kristoff Saavedra. This is Marco Mendoza, save my number okay? Goodnight. Don't reply."

Si sir Marco? Saan naman kaya niya nakuha yung number ko? Tsaka bakit naman niya ako tinext? May kailangan ba siya sakin? Pero ano naman?

My BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt