"Sus defensive much friend . Hehezz !" Asar na sabi ni cherry
"Hay ewan ko sainyo , basta sa pagkakaalam ko , wala . Akong . Gusto ! Period." Sabi ko
"Uy ! Nice to meet you again.. miss !" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na yun , kahit si cherry mukhang kinabahan .
Tinignan ako ni cherry na parang tinatanong kung sino sila pero umiling lang ako . Hinawakan ko ang kamay ni cherry saka hinigpitan ang pagkakahawak as sign na humanda sya .
Aakmang hahawakan na sana kami ng lalakeng naka kulay red pero hindi ko sinasadyang masipa ang mukha nya . Anong ginawa ko ?!
Naramdaman ko na lang ang paghila sakin ni cherry
"Takbo !" Sabi nya
Hindi ko nararamdaman yung pagod ko , basta ang alam ko , ambilis ng tibok ng puso ko .
Pano ko nagawa yun ?! Nag aral ba ko ng taekwando ?! Tsk .
*boogsh*
Aray ! Ano ba yan ! Paharang harang alam ng may tinatakbuhan kami eh .
"Sorry miss-- keyla!" Napatingin ako sa lalakeng umalalay saken tumayo .
"Nate !?" Takang sabi ko .
Anong ginagawa ni nate dito ?!
"Keyla ! Tara na ! Baka mahabol tayo nung mga adik na yun !" Sabi ni cherry saken .
"Humahabol ?!?!" Takang tanong ni nate , tumango na lang ako bilang sagot .
"Kuya hindi to ang tamang panahon--" naputol ang sasabihin ni cherry ng biglang may nagsalita na dahilan ng pagka namin.
"Oh ! Nagpasundo pa kayo kay mr.. Superhero !" Sabi ng mukhang leader nila sabay tawa nilang lahat ng mala demonyo .
And at this time , kinilabutan ako dahil may mga hawak na silang baseball bat . Jusko baka king anong gawin samen .
"Ano bang kelangan nyo samen ha ! Problema nyo ?!" Sigaw ni cherry , hinawakan ko naman sya para pigilan . Hays .
"Oh ! Antapang mo miss ! Gusto mo ikaw mauna!" Sabi ng maraming hikaw sa tenga , lalapit na sana sya pero hinawakan sya ng nakakulay red na buhok na lalake .
"Pagbilang kong tatlo , tumakbo na kayo" bulong ni nate
Tumakbo ?! Ibig sabihin maiiwan sya dito ?!
"Hindi ka namin iiwan dito nate" sabi ko
"Isa.." simula niya
Hays , seryoso ba sya ?! Natatakot ako para sakanya ! Panjgurado mabubugbog sya ng mga adik na to !
Nakita ko naman ang itsura ng mga adik na natutuwa pa , pero parang ibang nate naman ang kasama ko ngayon . Iba ang aura nya tsaka ang tatalim ng mga tingin nya .
"Dalawa!"
"Nate.." humigpit ang hawak ko sakanya pero wala pa din, di pa din sya natitinag.
"Tatlo !" Hinila na agad ako ni cherry palayo , pero yung tingin ko nakay nate pa din .
Jusko .
Hindi ko na alam kung saan na ang naabit namin ni cherry basta ang alam ko malayo na kami kay nate ng biglang may makabunggo ulit ako .
"Keyla !" Napatunghay ako sa nagsalita . Glen..
Hindi ko alam pero tumulo na lang bigla ang luha ko . Hindi ko alam kung baket . Basta ang alam ko .. nagaalala ako kay nate , natatakot akong baka masaktan sya ng mga adik na yun . Nanginginig na ko sa kaba .
"Keyla ! Tara na ! Hatid na kita !" Sabi ni glen . Hahawakan nya sana ako para ihatid sa sasakyan nya pero bumitaw ako
"Tulungan natin si nate ! Baka nabugbog sya ng mga adik na humahabol samen ! Balikan natin sya !" Nanginginig kong sabe
"Keyla ! Tara na ! Mapapahamak lang tayo pag bumalik dun!" Sabi ni cherry na nasa van na nakasakay
"Wag kang mag alala sakanya keyla ! Maayos din ang lahat " kalmadong sabi ni glen .
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi nya . Panong magiging ayos kung nasa kapahamakan ang buhay ng tao ?!
"Kung ayaw nyong bumalik , ako nalang " tumakbo ako pabalik kung saan si nate . Narinig kong tinawag ako nina glen at cherry pero hindi ko nalang pinansin .
Pasensya na pero ayokong mapahamak si nate ng dahil ulit saken .
Pagbalik ko kung nasan si nate , nanlaki ang mga mata ko ng maabutan kong tinatadtad nya ng sinusuntok yung lalake . At mas lalo akong nagulat ng makita ko sina gino , nikko , mark , kyle , blake , john , at kieth na isa ding nakikipag suntukan . Pano sila napunta dito ?!
Napatigil si nate ng makita nya ko , pati yung iba napatigil din at lahat naka tingin saken .
"Keyla ?!" Takang sabi ni nate .
Hindi ko na pinansin ang mga lalakeng adik kanina na nakahiga na at namumulikat sa sakit dahil nilapitan ko si nate saka niyakap . Umagos naman ang mga luha ko .
"Kala ko *sob* nasaktan ka nila" sabi ko
Hinawi naman nya ang likod ko
"Ssshh.. wag ka ng umiyak . Hindi yun mangyayari" sabi nya
"Keyla !" Narinig kong sabi ni glen na mukhang hingal na hingal .
Sinundan pala nya ko . Tsk
Inalalayan ko nalang sa paglalakad si nate papunta sa sasakyan .
Pero hanggang ngayon , tanong pa din sa utak ko kung baket andon ang the exotic .
*****
READ.VOTE.COMMENT .
![](https://img.wattpad.com/cover/60124903-288-k586802.jpg)
JE LEEST
The Twelve Arrogant Monster And Me [EDITED]
ActieA world full of complications. A dangerous elite characters. The bloody gun. Full of traitors. No one can hide. You must face the war, or else you'll die. © to Helle WP for the beautiful book cover. Thankyou!
NERDY-NINETEEN
Start bij het begin