CHAPTER 4: It will be a heck of a sem!

13 2 0
                                        

After intoducing himself to us ay nagbigay siya ng brief introduction sa mga lessons namin. Panay ang ngiti niya habang nagdidiscuss ng Syllabus at humihinto siya from time to time para lang ngumiti at sabihin kung gaano kagaling yung mga poets na pag- aaralan namin.

Mukhang makata pala 'tong si Mokong. At habang matino akong nakikinig panay naman ang tapikan nitong mga kaklase kong mga babae, parang mga kinikiliti! Psssssh.

We'll he's tall and much more charming kapag maliwanag. Maputi at naka clean cut. He have thick eyebrows at mas makapal pa ata ang pilik- mata sa akin. He has such a masculine aura, physically fit at mukhang mabango because of his good hygiene. How can I tell? Obvious naman sa kaniyang properly - ironed attire at well- polished black leather shoes. All- in- all mukha nga siyang carreer- man at kung hindi lang siya palangiti at mahinahon magsalita ay magmumukha na siyang isang istriktong negosyante.

Lastly, I guess its his dimples that made all the difference.

Don't get me wrong. Wala akong pakialam sa looks niya noh. I just can't help but to notice each and single detail of everything. Siguro kasi anak ako ng isang writer.

Ibinaba niya na ang Whiteboard marker at umupo na sa Professor's seat. Mukhang tapos na siyang mag discuss, pagtingin niya sa kanyang wristwatch ngumiti nanaman siya. Anakng, baliw na ata 'to.

"Since it is our first meeting at tatlong oras naman ang klase natin , let's just do the usual na pag iintroduce ng sarili. Okay lang ba yun sa inyo? Bawat isa sa inyo, tumayo------"

"Dito lang po ba Sir o jan sa tabi niyo?" Pag- interrupt nung kaklase kong babae, si Jennifer, just imagine with matching *beautiful eyes* pa! 

(-___-)

"Hindi, kahit jan na lang sa upuan niyo.. Okay going back, each of you tumayo then cite your name and the title of your favorite poem. Just like this: Wilmore Vago, 20, Funeral Blues.. Okay first up----" At itinuro niya na yung kaklase ko sa harapan. Malayo pa ko pero ewan ko ba talagang kinakabahan ako.. Makikilala niya kaya ako?

------------------------------------------------------------------------------------------------------

" ....In her sepulchre there by the sea

      in her tomb by the sounding sea."

shoooooooot. Tapos na si Warren (yung katabi kong pabibo kaya na- elect na president) Kyaaaaaaaaaaaaaaah. Ako na. Well let's just do this fast and easy Lai.. For sure namang hindi ka na niya makikilala.

Tumayo na ako at pumuntang harapan

" Hi I'm Lalaine, 18, The moon's not herself tonight."

Ayun nagawa ko, pero nung akmang tatakbo na ko pabalik sa upuan ko ay napatingin ako kay sir at by then I saw that for the first time, he wasn't smiling. Hindi ko na yun pinansin pero biglang..

" Excuse me, what's your favorite poem again?" A look of confusion painted all over his face.

" I said "The moon's not herself tonight" "

" So I heard it right, but Miss hindi ko ata alam ang poem na yan, was it written by a local writer?"

"Yes.."

" But our subject is world literature." 

Then he gave me that sarcastic smile that pissed the hell out of me, ikaw kaya ang ipahiya sa first day ng mokong na sumira sa araw mo days ago. 

" Then it wasn't my fault, hindi niyo naman PO sinama sa instructions na favorite poems written by foreign writers lang ang babanggitin."

HAHA. Sabay talikod ko at sway ng buhok. the look on his face was priceless.

" Okay, at dahil wala namang nakakaalam ng tulang yan, na paborito mo, I think it's just right that you share it to the class." Then there's that smile again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The only exceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon