Nanlalambot na mga tuhod..
Pinagpapawisang mga kamay..
Hinahabol na paghinga..
Nagwawalang pulso.
Totoo ba 'to? Hindi ako makapaniwala.
"Imposible.." Nabulong ko sa sarili ko habang patuloy na sinundan ng dalawa kong mata ang pagpasok niya sa loob ng classroom namin.. At andun na nga siya ngayon..
Sa upuan ng mga propesor.
Pagkaupo niya ay agad niyang ibinaba yung bitbit niyang bag habang nagsusurvey ang mga mata niya sa amin.. Bigla akong napabalikwas at iniyuko ang ulo ko para hindi niya ko makita, yung tipong kunwari may dinampot..
I still can't believe it. Siya nga! Siya talaga yun!
Hindi ako pwedeng magkamali.. yung matang yan, yung dimples.. POSITIVE! Siya nga yung lalaking sumuka sa bus! Yung nakita ko nung isang araw!
This can't be happening, bata pa siya.. Bakit siya nasa professors seat? Prof ko siya? No way, hindi pwede diba? Diba?!
Pagkatapos niya tignan yung buong klase eh tumayo na siya, kumuha ng whiteboard marker at sinimulang magsulat. Umayos na ko ng upo, buti na lang nasa likod ako.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
" NOTHING HAPPENS BY CHANCE. "
--------------------------------------------------------------------------------------------------
O.O
Yan yung sinulat niya, pagkatapos ay humarap na siya sa klase at sinimulang magsalita.... Prof ko nga siya.
" Nothing happens by chance. Kaya kung ikaw ay nakaupo riyan at ako naman ay nandito, it only means that we are meant to cross each other's paths., Everything is occuring according to what is planned. That's the principle of 'Kismet' or what we used to call 'Tadhana'. "
Walang nagsasalita. Tahimik ang buong klase habang lihim na kinikilig 'tong mga babaeng katabi ko. Kulang na lang maglaway eh. (-.-")
"Good afternoon class, I'm Sir Wilmore Vago your new professor in Literature."
