Chapter 31

6.2K 128 1
                                    

~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~
~~~~~~~
~~~~~

Pia

Sa wakas nagising na si Tatay... Pinalabas muna kami at naiwan naman si Olivia sa loob... May pag uusapan lang sila ni tatay... Kinabahan ako kung ano ang pag uusapan nilang dalawa..

"Are you okay Pia?!" tanong sa akin ni Maam Ester ang ina ni Olivia ..

"Opo! Okay lang po ako... Kayo po ... baka gusto nyo munang magpahinga ? Kami na bahala kay tatay muna ."

"Okay lang ako Pia salamat.. Nakatulog naman ako kanina... Si Nanay mo pala?"

"Umuwi po muna... Pinauwi ko para makapagpahinga siya .."

"Ah i see."

Magkatabi lang kaming nakaupo ni Maam Ester habang hinihintay si Olivia na lumabas ...

"Gusto niyo po ba ng maiinum ikuha ko po kayo?"

"Huwag na Pia .. Thank you .. Okay lang ako."

At nginitian ko lang ang matanda... Mabait siya... Mapagmahal sa mga ana niya.. Hindi ko maintindihan ni Tatay kung bakit gumawa ng kalokohan... Pero okay lang din kasi ako naman ang bunga ng kalokohan na yun... wala sana ako dito... napatawa nalang ako sa iniisip ko... Hayst!

Ilang sandali lumabas na si Olivia.....

"Ma pinatawag ka ni Papa."tugon nya sa kanyang ina at agad naman itong pumasok sa loob ..

Umupo si Olivia sa tabi ko... Halatang galing sa iyak.... Hinawakan ko agad ang kamay niya..

"Olivia? Okay ka lang bha?"

Agad siyang napatingin sa mukha ... Tinitigan niya ako.... at agad nagsilabasan ang mga luha sa kanyang mga mata...

"Kailangan kung ituloy ang kasal ko kay Greg sa lalong madaling panahon..Im sorry Pia..Para kay Papa..." at agad nya akong yinakap ng mahigpit...

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko... Napahigpit ang yakap ni Olivia sa akin...

"Im sorry."

"Olivia ... tahan na... " at pinahid ko ang mga luha sa kanyang mga mata ...

"Kahit magpapakasala ko kay Greg... Huwag mong kakalimutan na ikaw ang mahal ko.. Ikaw lang Pia ."

"Olivia ... magkapatid tayo.. Kahit ang sakit pero kailangan na nating tanggapin na hindi tayo para sa isat isa.... tanggapin na natin!"

Lumabas na si Maam Ester sa room ... Dali dali namang pinahid ni Olivia ang mga luha sa kanyang mga mata...

"Nagpahinga muna ang ama ninyo... Olivia gusto ni Papa mo na makita si Greg ngayon dito na magkasama kayo kaya tawagan muna si Greg anak."

Hindi nakaimik si Olivia... Tiningnan niya ako....

"Sige na tawagan muna si Greg...para kay Tatay." utos ko sa kanya kahit labag sa kalooban ko pero ito na eh ... ito na ang realidad at ikakasal na sila...

Kinuha agad ni Olivia ang phone niya at agad tinawagan si Greg....

~~~~~~~~

"Hi baby ... Okay na ba si Uncle? Sorry ... Sorry sa ginawa ni Papa ... Are you okay?" sambit ni Greg kay Olivia sabay yakap sa kanya at hinalikan ang noo niya.... Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila... Sumikip ang dibdib ko bigla... Pero kailangan kung harapin ito .. Kailangan para sa amin ni Olivia.. para kay Tatay.....

Pumasok na silang dalawa sa loob ng room.... Parang hindi ko kayang manatili dito kasama sila kaya nagpasya nalang akong umuwi muna... Nagpaalam na ako kay Maam Ester at pagkatapos agad na akong tumalikod palabas ng hospital.....

Hindi ko lang maintindihan bakit gusto ni tatay na ipakasal pa rin si Greg kay Olivia eh ang ama ni Greg ang dahilan kung bakit inatake siya sa puso....

Naging mas magulo ang sitwasyon... Ito naman si Greg ang kapal ng mukha .. Gusto din naman makasal sila ni Olivia... na alam naman nya na wala ng nararamdaman sa kanya si Olivia....

Para akong tanga kinakausap ko ang sarili ko habang nasa loob ako ng cab pauwi sa amin... Hindi ko lang talaga maintidihan ... Ayuko na nga lang isipin kasi sasabog na talaga ako oh malapit na .....

"I hate you but I love you " <Done>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon