Chapter 28

6K 146 11
                                    

~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~
~~~~~~~~

Olivia

"Im sorry Greg hindi ko kayang magpakasal sayo! Sana maintindihan mo yun .. Kahit anung pilit ko wala na .. Hindi na kita mahal!"

"Olivia pero naka set na ang lahat .. darating si Daddy bukas !"

"Magagawan natin ng paraan ang lahat Greg please tulungan mo ako... Kaya mo bang magpakasal sa taong hindi ka mahal? Masasaktan ka lang....!"

Hindi na umimik si Greg... at agad itong lumabas sa unit ko... Napahawak ako sa ulo ko ... Bakit ko ba pinasok ang ganitong sitwasyon... Hindi ko na alam ano ang unahin ko ano ang dapat kung gawin...

Nasandal nalang ako sa upuan hanggang sa nakatulog ako ...

~~~~~~~~~

Nagising ako madilim na ang palagid.. Napasarap ata ang tulog ko gabi na pala... Naalala ko si Pia.. Kinuha ko agad ang phone ko sa bag at tinawagan siya...

Pia
calling mobile....

Nag ring lang ito at hindi sinasagot... Denial ko ulit... Wala pa ring sumasagot... Nagalit kaya siya kanina sa nakita niya kaya hindi siya nagpaparamdam sa akin..

Tiningnan ko ang oras ... mag 11pm na ... Baka natulog na siya...

Pia
calling mobile .....

"Hello?!" sinagot na nya ang phone pero teka hindi ito boses ni Pia..

"Hi? Who is this?! Si Pia?!"

"Hey Olivia? Si Lian to sorry kung ako ang sumagot huh andito kasi si Pia sa bahay ko." nagulat naman ako sa sinabi ni Lian ..

"What?? At anu ang ginagawa nya dyan?"'kinabahan tuloy ako bigla.. wala akong trust sa Lian na to...

"Nagkainuman kami kanina ito lasing na lasing hindi ko naman alam kung san ko siya ihahatid .."

"U know my place Lian .. kapatid ko siya..Kukunin ko siya dyan sa inyo.. Papunta na ako." agad kung binaba ang phone at kinuha ang susi ng sasakyan at nagmadali ng bumaba sa parking area....

Binilisan ko na ang pagdadrive ... Bakit ba siya naglasing at bakit si Lian pa ang kasama niya. That bitch!!!!

Dumating na ako sa bahay ni Lian... Agad akong pumasok...

"Si Pia?!" tanong ko kay Lian ng sinalubong nya ako pagpasok ko sa bahay niya

"Nasa room ko."

Agad kung pumunta sa room niya ... tulog na tulog si Pia ... Ang sarap ihulog sa kama ng babaeng ito...

"Pia?! Pia?! Wake up! Uuwi na tayo! Pia?!"

"Hmmm!" gumalaw siya ...

"Olivia ... hayaan mo nalang siya ... Ihatid ko siya bukas pag kagising niya."

"No!!! .... Pia wake up!!" pinagsasampal ko ang pisngi niya para lang magising siya ...

"O-olivia?!" and finally nagising siya..

"Bumangon ka na dyan at uuwi na tayo."'sabay hila ko sa kanya ... Napaupo na siya sa kama hawak hawak ang ulo niya....

"Asan ba ako?! Hindi paba ako nakauwi?!"

"Hindi pa kaya nga andito ako para sunduin ka! Uuwi na tayo.... !" pasigaw ko sa kanya .. Tumayo na siya at sumunod sa akin... Nagkatinginan kami ni Lian "Thank you huh nextime Lian alam mo kung ano ang dapat gawin."

Hindi na umimik si Lian... Hinawakan ko na si Pia pababa ng hagdanan .. at dumeretso na kami papasok sa sasakyan at agad umalis....

Dinala ko sa condo si Pia... parang hindi pa nya alam ang mga nangyayari.. Hiniga ko siya agad sa kama at agad nakatulog .... Binihisan ko siya at pinunasan .... ang sarap sapakin ng babaeng ito ... umiinom hindi naman kaya.. at yung bruha na yon dinala pa ito sa inuman... anung balak niya.. sarap ng sapakin din...

Lumalim na ang gabi hanggang sa nakatulog na ako...sa tabi ni Pia ....

~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa tunog ng alarm clock! Pasukan na naman .. Kailangan ko ng bumangon at mag ayos...Teka! napansin kung wala na si Pia sa tabi ko....

Tiningnan ko agad sa banyo sa sala sa kitchen... Wala !!! Umuwi siya ng hindi man lang nagpaalam sa akin...

~~~~~~~~~~~

Dumating na ako sa paaralan agad akong pumunta sa canteen ... Wala si Pia ...

"Ja si Pia?!" agad kung tanong sa pinsan niya

"Ay Maam Olivia ... hindi na po papasok si Pia dito... Last day niya po kahapon na .. Nagpaalam siya kanina ... Aalis sila ng Nanay niya .. Umuwing probinsya!"

"What??!!!!! "

"Opo Maam... Sorry.. nagulat nga din ako eh... Bigla silang umalis! hindi ko po alam kung saan na probinsya... Hindi po sinabi!"

Napaupo ako bigla sa sinabi ni jaja ....

"Maam pinabigay po ni Pia sa inyu." sabay abot ni jaja sa cellphone na binigay ko kay Pia

Napaiyak ako... Ang sakit... Bakit ginawa ni Pia to ... Bakit? Si Papa alam niya siguro ito... Nagmadali akong lumabas ng canteen at agad pinuntahan si Papa sa office niya.... Kailangan kung malaman kung nasaan si Pia.... Kailangan kung malaman......

"I hate you but I love you " <Done>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon