Chapter 25

6.4K 146 2
                                    

~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~
~~~~~~~
~~~~~


Pia

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari ... Isinumpa ba ako.. Bakit ganito ... Uu nakilala ko na ang aking ama... ang pamilya ng aking ama pero bakit hindi ako masaya .. Sa lahat ng tao sa mundong ibabaw ... Si Olivia pa talaga ang kapatid ko? Girlfriend ko ang kapatid ko...

"Mag ayos kana Pia... Ito pinadala ng tatay mo para isuot mo sa engagement party ng kapatid mo." sabay abot ni Nanay sa isang magarang damit ... "Mag ayos kana dahil maya maya susunduin tayo dito ni Kuya Albert mo."

At may sundo pa ... Si Kuya Albert pa talaga ...

"Nay hindi nalang tayo pupunta .. ."

"Pia magagalit ang ama mo pag hindi tayo pupunta mag ayos kana!"

"Ikaw nalang kaya Nay."

"Pia! Alam ko hindi madali sayo ang mga nangyayari pero anak wala tayong magagawa dahil ito ang katotohonan at tanggapin nalang natin ito .. tanggapin mo na kapatid mo si Olivia! Mag ayos kana!"

Napabuntong hininga nalang ako.... Ano ba ang magagawa ko ? Wala naman talaga akong magagawa ... Tanggapin? Kung ganun lang talaga kadali na tanggapin ang lahat! Ang hirap .. Sa isang sulyap lang nagbago na lahat.... Hayst!

~~~~~~~~~~~

Dumating na kami sa mansyon nila tatay.. Marami ng bisita ... Nakakahiya eh bakit pa ba kami pumunta dito ...

Agad kaming sinalubong ni tatay ....

"Albert salamat sa pag sundo sa kapatid mo."

"No problem Papa... Pia .. Nay Patty feel at home... maiwan ko muna kayo .. Puntahan ko muna asawa ko sa loob!" paalam sa amin ni Kuya ...

"Dito anak.. Ito ang table nyo .. feel at home huh at sobrang bagay sayo ang damit na binili ko... ."

"Salamat Tay."

Nagsidatingan na ang mag bisita ... At dumating din sina Tiya Rona at jaja ....

"Teh okay ka lang?" sambit sa akin ni jaja...napatingin ako sa kanya .. sabay labas ng mga luha ko...

"Hindi ako okay! Ang sakit ... Para akong hindi makahinga sa sakit Ja... Mahal na mahal ko si Olivia... Pero ito kapatid mo pala siya! Ang sarap mag bigti Ja alam mo yun!"

"Teh! Alam kung nasasaktan ka kaya e lasing natin yan... Kahit pansamantala mawawala yang sakit na yan..! Tagay teh!"

Nahihilo na ako... pero kaya pa... Nagsimul na ang party! Isa isa ng tinawag ang mga mahal sa buhay nina Greg at Olivia pero hindi ko pa nakikita si Olivia o baka lasing na talaga ako....

Ayun! tinawag na silang dalawa ... Nakaholding hands pa....Ang laki ng ngiti ng lalaki.. Sarap upakan! Si Olivia...ang ganda ng mahal ko... Napatingin siya sa akin... Nginitian ko siya... Nahalata niya siguro na lasing na ako ... Napailing siya ng nakita ako...

"Teh okay ka pa?! Kaya pa?!"

"Uu naman Ja kaya pa... Akoh pah!!" Nang biglang akong tumayo... Sa hindi ko alam kung bakit bigla akong tumayo " Congratulations Olivia ,Greg! Sana maging masaya kayong dalawa .... Cheerrrsss!!"

Hinila ako ni Jaja .... Pinagtitinginan nila ako...

"Ano bah?!"

"Teh umupo ka... lasing kana .. nakakahiya oh!"

"Pia .. umuwi na tayo..Baka mag eskandalo kapa dito...!"

"Nay hindi ako lasing at hindi ako mag eeskandalo.."

"Nay Patty , Jaja ... Ako na bahala kay Pia.." si Olivia ... Pinatayu niya ako sa upoan...

"Ano bha?! Balikan mo yung mapapangasawa mo!" saway ko kay Olivia habang inalalayan na niya ako papasok sa bahay ...

"Pia ... lasing kana... tumigil ka..."

"Olivia olin oliv kapatid ko.." hindi ko na mabanggit ng maayos ang salita ko.. Nilasing ako ni Jaja kasi siya hindi man lang natamaan ...

Pinasok ako ni Olivia sa isang kwarto... At agad inihiga ....

"Wag kang babangon dyan! Kukuha lang ako ng pampunas at damit pampatulog!" yun lang ang narinig ko kay Olivia at nakatulog na ako.....

"I hate you but I love you " <Done>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon