CHAPTER 12:WILD HUSBAND?!

7.7K 124 2
                                    

CRUISE'S POV:

"Naku bakla!Sino ba kasi yung nagpasok sayo dun sa play?!Ayan tuloy nagalit si Fafa Xander ng bongacious!!"worried na tanong ni Jenna.

"Hindi ko rin alam..Kakauwi ko lang diba?Wala pa naman akong nakakausap tungkol sa play na yun!"nagpapanic narin ako.

"Harujusko..basta iexplain mo nalang.Teka,ang tanong..bakit masyado atang nagalit si Fafa Xander nung malaman niyang si Chaste ang partner mo?May dapat ba siyang ikaselos?"napakunot ang noo ni Jenna sakin habang diretso akong tinitignan sa mata.

Napaisip naman ako....tingin sa kaliwa....tingin sa kanan....hmmm..

o_O

"W-Wala!H-hindi ko naman...wala namang...."hindi ako mapakali sa iniisip ko.Kasi naman yung tingin ni Jenna tila may iniisip na malisya sa pagitan namin ni Chaste.

"Are you....surreee????"ang lakas makainterrogate ni Jenna.

"Wala nga!!"ayan na nga nagpanic nako ng tuluyan.Pinagpapawisan nako..aishhh..

Huminga ng malalim si Jenna at inilayo ang muka niya sakin.Inayos nalang niya ang bag niya na patay malisya sakin.

"Crush mo lang si Chaste.."cool lang na sabi ni Jenna nang di nakatingin sakin.

Nashock naman ako at nanlaki ang mata..

"Jenna!!"tanging sabi ko dahil sa sobrang shock.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Yes...you have a crush on him..."kaswal na sabi ni Jenna.

Lalong nanlaki ang mata ko.Hindi ako makasagot.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Don't worry..I'll keep my mouth shut..."sabay zipper ng bibig niya.

Naglalakad na kami ngayon sa may corridor,uwian na kasi at hindi ko makakasabay si Jenna ngayon kasi pinapasabay pa raw siya ni Chaste sa paguwi nito.May mga ipapagawa raw kasi sakanya para sa upcoming activities ng school,kaya hanggang mamaya pa siya dito sa school.

"Jenna...gusto mong hintayin nalang kita?"tanong ko kay Jenna.Kanina pa kasi siya walang imik.

"Hindi na bakla,mamaya niyan lalo pang magalit sayo si Fafa Xander kapag di ka sumabay sakanya ngayon eh.At saka matatagalan pa ako eh."oo nga pala,hinihintay ak ni Xander dun sa parking lot sa likod.

"Oo nga pala..sige,una nako..byee..."paalam ko sakanya sabay halik sa pisngi niya.

"Byee....ingat ka..Gora kana..."nakangiting sabi ni Jenna.

Tumakbo nako papunta sa may parking lot..

"Saan kaya dito yung kotse ni Xander?"sabi ko sa sarili ko habang inililibot ang aking paningin sa paligid.

Naglakad lakad na muna ako habang tinitignan yung loob ng ilan sa mga kotse,malas kasi yung iba tinted..

May isang kotse na tumigil sa harap ko.

"Xander??"tanong ko sa sarili ko,tingin ko ito yung kotse niya eh.

Bumaba yung bintana ng kotse.

"Sakay."utos niya,si Xander nga...

Tumango lang ako at dali daling sumakay.

Ang awkward........masyadong naghari ang katahimikan...hindi siya nagsasalita at ganun rin ako,wala rin namang soundtrip..Focus lang siya sa pagddrive.Alam niyo bang demon driver tong si Xander...grabe kala mo siya hari ng daan,masyadong mabilis tapos umiiba pa ng lane kung minsan.Yung tipong lahat ng kotse gusto niya atang unahan.

TEACHER SLASH HUSBAND[ON-HOLD]Where stories live. Discover now