Chapter 26:Struggles

3.5K 92 87
                                    

Cruise's POV

"Jenna?!!Jennaaa!Anong gagawin ko!Nakauwi na si Daddy!Hindi ko pa napaghahandaang sabihin sakanya ang totoo!Jenna!!!Anong gagawin ko nito!"aligaga kong ngungoy habang di mapakali sa kwarto ko.Kanina pa ko pabalik balik sa bathroom at kama ko.Parang gusto na ayaw kong makita si Dad ngayon.Kasi naman o!Namimiss ko na rin siya,at the same time natatakot akong mahalata niya o malaman niyang buntis ako.I don't know what to do!Hindi pa naman gaanong malaki yung tummy ko para mahalata niya pwera nalang kung sobrang obserbahan niya ako.Di bale,magdadamit nalang ako ng maluwag.

And yeah.I've been calling Xander since I woke up but he's still not answering.Kung andito lang siya malamang kalmado at mabilis niyang masusulusyonan to.He's a calm and alert person while me?I'm opposite of that.

"Teka nga bakla!Di kita maintindihan puro yang breathing exercise mo ang naririnig ko e!Kalma teh!Kalma.Mamaya mailabas mo yang si baby nang wala sa oras."iritado niyang sabi habang sinasabayan ang breathing exercise ko in a calmer way.

"Oh ano?Keri na?"tanong niya nang medyo mahimasmasan na ko.

"Keri.Pero kasi!!!"napabusangot ako at sabay salampak sa kama.

"Kasi ano?Bakla dali!Naglalaba pa ko ng uniform!"

Huminga ako ng malalim.Naka-ilang buntong hininga.Sabay higa sa kama at titig sa kisame.Bahala na.

"Andito na si Daddy."kalmado kong tugon.

Matagal bago siya nakasagot.

"HALAAA!!! TANGINA?!"sabay bulalas niya sa sobrang lakas e nailayo ko pa yung phone sa tenga ko.Grabe to!!!Marinig ng baby ko yang mura mo e!!

"Sshhh!!"saway ko.

"Sorry nadala lang ng bugso ng damdamin."

"Oh e ano..panong gagawin mo?Magtatagal ba diyan?"

"Tatawag ba ko sayo kung alam ko na ang gagawin ko!Blanko na nga isip ko sa sobrang panic.Tingin ko..matatagalan si Dad dito.Matagal na rin siyang di nakapagbakasyon kaya susulitin niya to.Jenna...natatakot ako."

Medyo matagal bago siya sumagot.Narinig ko pa ang buntong hininga niya.

"Eh kung hindi ngayon..Kailan mo pa balak sabihin sakanya?Kapag manganganak ka na?Hindi ko gustong kunsintin yung pagsisikreto mo sa Daddy mo kaya tingin ko..dapat aminin mo na,dapat nga noon pa.Oo magagalit siya,hindi mo naman maiaalis yun e.Hindi rin naman kita masisisi,alam kong hindi mo parin ginusto ang nangyari.Cruise,wala sa akin ang desisyon kung anong gagawin.Nasayo."bihirang magsalita ng seryoso si Jenna.At kung mangyari man yun...alam kong yun ang tama at dapat kong gawin.

"Natatakot kasi ako Jenna..pano kung anong gawin niya kay Xander?"

"Talagang humanda ka sa gagawin niya sa asawa mo.Pinayagan ka na nga niyang pakasal sa iba eh.Pero malinaw naman sa kasunduan niyong magtatapos ka muna.Kaso yun nga..biglang ganyan pala ang rason bakit kayo nagpakasal.Hindi niya agad matatanggap yun Cruise."

"I-I'll call Xander again..I can't do this without him.Jenna..I'm freaking scared."

"Kasama mo naman si Sir Xander e.You have each other.You have me.."

We ended the call.Muli akong napabuntong hininga sa harap ng salamin ng kwarto ko.Halata na rin pala talaga yung baby bump ko kung itong mga dating damit ko ang susuutin ko.Sa pagkakaalam ko kasi, maliit talaga magbuntis ang Mommy ko eh.Siguro namana ko sakanya yun.

"Baby..help Mommy ha?"sana talaga hindi magwala si Dad kapag nalaman niya to.But I have to expect for the worst..ayokong ma-disappoint na lang bigla lalo na kung may ano mang problemang darating.At least..prepared na ang solusyon!Yes!!Oo tama Cruise!!Ganyan nga!!!Kalma.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TEACHER SLASH HUSBAND[ON-HOLD]Where stories live. Discover now