Chapter 3: He's Back

9.4K 166 7
                                    


CRUISE'S POV:

"Hoy bakla!!Kanina ka pa lutang diyan?Sabihin mo sakin,nagshashabu ka ba?"biglang sampal sakin ni Jenna,kanina ko pa kasi hawak tong baso ng milk shake na ininom ko kahapon,yung bigay ni Chaste.

"Aray naman!?Pag masaya,nagshashabu agad?Nakarugby lang ako no."pabiro kong sabi habang hinihimas ang pisngi ko.Nagddaydream pa ako..

"Hindi naman,para sa normal na tao.Eh ang kaso,hindi ka naman normal.Kaya ano?Narape ka ba kahapon?Ano bang meron sa eklabung basong iyan?Muka ka na kasing tanga."sarcastic na sabi ni Jenna sabay hablot ng baso.

"Hindi ako nirape no!Hindi mo lang kasi alam yung nangyaring nakakakilig kahapon."kinikilig ko pang sabi at hinablot ko pabalik ang baso ko,remembrance to no!

"Tch.Care bears ko naman dun,buti sana kung ako ang nakakilala ng fafables."sabay subo ng isang kutsarang ice cream,nagpout lang ako sakanya habang pinaglalaruan ang tinidor ng kinakain kong cake.Lunch na kasi namin ngayon,andito kami ni Jenna sa canteen..

"Pero bakla,kidding aside.May nakalap akong chika na nagffly over ditey sa campus,papasok na raw si Fafa Xander ngayon.Meaning,after ng lunch nato makikita at makakausap mo na siya about what happened dun sa condo.Siya kasi next period natin."medyo bumubulong si Jenna,alam niya kasing masyadong sensitive ang usapan namin.

Para naman akong natulalang bigla at nawala sa sarili ko.Lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pag aalala.Handa ko na ba siyang makausap o makitang muli?Handa ko na bang malaman ang katotohanan?Matatanggap ko ba ang mga consequences?

"Bakla,ayan ka nanaman eh!Tulaley na naman ang peg mo!"sabay pukpok ni Jenna ng kutsara sa noo ko,haisst..ako na ang battered bestfriend..Automatic hampas lagi etong si Jenna.

"B-Bahala na mamaya.."sabay hinga ko na malalim,alam naman ni Jenna ang pinagdadaanan ko ngayon kaya hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako.Pinapalakas niya lagi ang loob ko.

"Friend,sorry talaga kahapon ha.Kung nakabili lang kasi ako ng pregnancy test kit edi sana wala ka nang inaalala ngayon."ang totoo niyan hindi na talaga siya nakabili pa ng kitnkahapon,alam ko namang hindi siya pagbebentahan nun dahil nga estudyante pa siya.Wala naman kaming mautusang bumili kasi nahihiya rin kami.Hanggang ngayon tuloy nag-iisip ako ng kung ano ano.

Napangiti lang ako sakanya pero yung pilit na ngiti,pinipigilan kong wag maiyak.

"Okay lang yun.May iba pa namang paraan."mahinang sabi ko,sabay higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya.

*KRIIIING!KRINGGG!!!*

"Ah.Ayan na yung bell,tapos na yung lunch.Akyat na tayo."save by the bell ako,dahil kung hindi natapos ang usapang ito namin ni Jenna ay malamang maiiyak nako.Hinigit ko naman siya agad palabas ng canteen..

Medyo malayo ang canteen namin sa classrooms ng juniors lalo na at 4th floor pa kami,kailangan ko pa namang magmadali dahil hindi kami pwedeng malate sa klase ni Sir Xander,dahil kung hindi magiging center of attraction kami pag pumasok kami sa room at nagkataong nandun siya.

Nagmamadali akong umakyat sa room habang hila hila si Jenna,kapag mamalasin ka nga naman nakasabay pa kami sa lunch ng seniors kaya siksikan masyado sa may hagdan.Ang hirap makipagitgitan lalo na't hawak ko pa si Jenna.

"Excuse me..makikiraan po."sabi ko habang nakikipagsiksikan sa maraming tao.Bwiset na room namin,sa pinakadulo pa.

*BOOOG!*

"ARAY!PUSANG KINALBO!?."lintek na seniors to,ang haharot!Maghahabulan na nga lang sa kumpulan pa ng mga tao,di ba nila kitang di na magkamayaw ang mga tao rito kung pano makikipagsiksikan?Napaupo tuloy akong bigla nang mabangga ako ng isang estudyante,buti nalang at naitayo agad ako ni Jenna.Hinila ko siya palabas sa kumpulan ng tao at dun kami dumaan sa may east stairs para medyo maluwag.Mas malayo nga lang sa room namin,kung di niyo naitatanong malaki ang Green Dale Academy..

TEACHER SLASH HUSBAND[ON-HOLD]Where stories live. Discover now