“Ralph... ano bang nakita niya bat siya nagmamadali?”

“I don’t know.”

Ayun lumiko sa kaliwa! Tinuloy niya ang paghabol sa kabila ng mabilis niyang pagkahingal gawa ng sipon. Hindi siya nakauniform... papunta ba siya sa Northdridge, sa school for boys.. na pang mayayaman lang din?

 

Tumigil sa paglalakad si Grace para bumili ng candy sa nadaanang takatak boy, nahagip ng mata niya ang anino ni Jessie sa malayo pero nang lumingon siya ay wala naman ito. Woosh~ Buti na lang nakapagtago ako aaachooo! Eeh... sipon, sipon. Pag sinundan ko siya ng ganito, makikilala niya ako... dapat siguro mag-disguise ako.

Nagcutting class nanaman si Justin, kung sa pamantasan nina Jerome laging walang class pagkat hindi napasok ang mga prof, sa Grandline International University na isang Japan base Sr. High at College school always present ang mga prof nila. Hinubad niya ang blazer na school uniform, pang-iwas sa mga puwedeng magsumbong na hindi siya pumasok.

Trip niya ang dumayo ng mga computer shop at makipagcompete sa mga naglalaro. RO, DN, Dota, LOL, AF... sinusubukan niyang laging manalo pag nakikipag-duel. Papunta siya sa computershop na katabi lang ng Northdridge, diretso ang lakad niya hanggang sa mapansin niya ang babaeng nakauniform ng St. Claire, may takip ng panyo ang ulo na ang tali ay nasa tapat ng ilong nito. Kinulbit niya ito.

“Ei.”

Nagulat ang babae “AY KABAYO!!! BAKIT BA!” humarap siya sa kumulbit. eeeh!?

“Justin!”

“Jessie?”

“Anong ginagawa mo dito!?”

“Naglalakad... ikaw?”

May sinusundan... “Ha? Eeeh...”

“Parang may sinisilip ka eh? Nakatuwad ka pa diyan...”

“Ano... yung....” bakit kasi ang cute cute mo talaga, tinititigan mo pa ako na parang concern ka waaaah~ “Achooo!” nge!? “Sorry... hehe.”

“Sinisipon ka na... gala pa...”

“Hihi, yung classmate ko kasi... gusto ko lang malaman kung saan siya papunta.”

Nakatanaw si Justin sa gate ng Northbridge “Babae?”

“Ha?”

“Babae ba yung classmate mo?”

Oo nga pala si Grace! Tumanaw siya at bumalik sa pwesto niya sa gilid ng isang tindahan. Nasa likod lang niya si Justin. “Sino kaya ang hinihintay niya sa school na yan...”

“Baka kapatid niya...”

“Solong anak lang si Grace, hmm...”

“Exclusive school for boys yan eh.”

“Boys!?”

“Oo... lalake?”

“Hmm.”

Ngumingiti at masaya pa si Grace na nagiintay sa labas ng gate, nakatago pa rin sa may malapit na tindahan sina Jessie. Rinig ng bahagya ang bell ng school, may ilang istudyanteng ang lumabas at isa sa mga ito ay lumapit kay Grace.

Jeepney OverdriveWhere stories live. Discover now