Chapter Twenty One- Buknoy's Ode

602K 10K 2.2K
                                    

ZYLIE's POV

“ZYLIE ANO BA?! HINDI KA BA TALAGA BABANGON DIYAN? TANGHALI NA! HWAG MO AKONG HINTAYIN NA PUMASOK DIYAN!"

“Opo kuya…” Ang sakit-sakit ng ulo ko na parang may malaking puso na tumitibok-tibok sa loob. Kanina pa sigaw ng sigaw si kuya at kahit hindi ako bumabangon, naririnig ko naman yun.

Eto yung mga panahong hindi ko matandaan kung anong nangyari bago ako natulog. Yung tipong disoriented ako at tinanong ko pa talaga kung nasaan ako at anong oras na.

“ZYLIE BUMANGON KA NA DYAN?!?!” sumigaw na naman si kuya at alam king ultimatum na yun.

“GISING NA AKO!!! SAGLIT LANG!!!”

Ni-recall ko ang mga pangyayaro.

Uhm... Di kami dumeretso ng bahay ni Silver dahil nandito si Terrence. Pumunta kami ng KTV at… at Nalasing ako?

Great.

Nung naalala ko yung mga yun, naalala ko rin yun panaginip ko. Nagkikiss daw kami ni Terrence? Ano ba namang panaginip yun? Tapos nung naalala ko, parang naghahalo yung mukha ni Terrence at ni Silver sa panaginip ko. Bakit ganun!?

Sabagay panaginip... pwede naman mangyari lahat.

Mabilis lang akong naligo dahil baka late na ako. Nakailang sigaw na ba si kuya? 

Himalang 15 minutes lang yata tapos na ako. Plano kong hwag ng magalmusal dahil maglalakad pa ako at medyo masakit pa rin yung paa ko.

“Bye ma! Bye pa! Bye kuya!!” paalam ko sa kanila.

“Mamaya maguusap tayo Zylie!!” sigaw ng tatay ko.

Kinabahan ako. Ano bang nangyari kagabi? 

“O-opo alis na po ako.”

Muntik na akong maging si road runner sa lakad-takbong ginawa ko. Gusto ko kasing makalayo agad sa bahay at ayaw ko ring ma-late. Sobra tuloy yung pawis ko nung narating ko ang school

“Woo!!” sobra yung tuwa ko nung narating ko agad yung school. Hindi ako na-late dahil may mga naglalakad pang mga estudyante sa grounds.

Maya-maya. Nakita ko si Silver!! Wahaha. Plano ko siyang lapitan. Kahit asarin niya na naman ako ng pancake pancake niya.

Alam ko… Halos sure ako na aasarin na naman ako niyan. Lagi naman eh. Lalo na ngayon parang basing sisiw ako sa pawis. Pero di bale na. Magpapasalamat ako kasi, sinamahan niya ako kagabi sa carnival at sa ktv. At inihatid niya pa ako sa amin. Siguro inihatid niya naman ako sa amin. Dahil maayos naman akong natutulog sa sarili kong kama. 

Nakaupo siya sa isa sa mga benches. Nakikinig ito ng music habang nakapikit. May mga ibang babae sa kabilang bench na todo tingin na para siyang isang specimen. 

Naglakad ako at umupo ako sa tabi niya.

Kinalabit ko siya.

*poke* *poke*

Dumilat siya. Tinaas niya yung kilay niya na parang nagsasabing “What?” Tinanggal niya din yung isang earphone niya.

“Thank you nga pala.”

Tumango lang siya. Ibinalik ang earphone. Tumayo at naglakad palayo.

Bakit ganun? Parang hindi niya na ako kilala?!

“Hahaha! Si malas girl, deadma kay Silver babes! Kala mo papansinin ka niya?”

“Onga. In your face ka diyan!”

Nakakahiya. Para tuloy akong isa sa mga assuming na babae na lumalapit palagi kay Silver. Bakit ganun? Close naman kami kahapon ah? Hindi kaya ganun din siya sa mga ibang babae? Totoo naman palang nakipagclose siya sa mga yun tapos kinabukasan parang stranger na lang? Mga ganun?

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon