PROLOGUE

22.5K 564 35
                                    

Ang paligid ay napakapayapa, ang tanawin ay napakaganda, ang simoy ng hangin ay napakabango ngunit ang buong mundo ay binabalot ng kasamaan, kahirapan at kagutuman.

Sinayang nila ang ganda ng mundo, dahil sa kanilang kasakiman, kagustuhan at kasamaan.

Bakit nga ba pino-problema ng isang binata ang mga ito? Dahil para sakanya, kung hindi ito pinabayaan at kung hindi ito binaboy walang maghihirap at walang magugutom.

"Oi! Oi! Guess what?" Napatingin ang binata sa pagyayabang ni Jio sa mga kaklase nila.

"Heh, porke panalo kayo sa legions war ipagyayabang mo na? Alam na namin yan! Sinwerte lang kayo." Pang-aasar naman ni Wesley dito.

"Anong sinwerte!? Malakas lang talaga ang jinniuzuo. Hahaha! Taob na taob ang Mojiezuo at Tianxiezuo."

Marinig pa lang nya ang mga ibang lengwahe na tinutukoy nila ay alam na nitong Zowan Online ang pinaguusapan ng mga kaklase. Sikat na sikat ito sa eskwelahan, at 'di lang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo. Walang araw ito hindi binabangit at walang araw na hindi 'to narinig sa eskwelahan man, sa social media o sa kalsada.

"Makukuha din ng mojiezuo ang trono, hintay-hintay lang." Singit naman ni Althea.

Oo, babae man o lalake ang kanilang bukhang bibig ay ang Zowan. Hindi mawari ng karamihan kung bakit ba adik na adik Ang mga kabataan sa larong 'to. At sa dinami dami ng VRMMORPG na linabas sa pinas Ito Ang Isa sa best selling at talaga Naman pinaguusapan.

Sa pagtapos ng klase umuwi na Ang binata. Nadatnan nito Ang kanyang Ina na nagmamadali at tilay balisa Ang hitsura.

"Nay san ka pupunta?" Tanong nito habang nagtatangal ng sapatos sa tapat ng pintuan.

"Nandyan ka na pala Demo, wala akong maiiwan sa iyong pagkain at baon para bukas. Kailangan ko ng pumunta sa ospital dahil tinakbo muli si Demi." Tuluyan na itong lumabas at sumakay ng tricycle.

Dahil mahirap Ang kanilang buhay, Hindi lang mahirap. Sobrang hirap. Kaya Kung ano man Ang mayroon Ang mga kabataan na marangyang kagamitan ay Wala so Demo ng mga ito. Isa na dito Ang virtuale Gear na ginagamit para mkakapasok sa larong VRMMORPG.

Ngunit, Ang Mundo nyang tahimik ay nagulo. Simula ng siya ay lumabas ng bahay at, sa lapag ng bandang pinto ay may kahon. Umupo si Demo at kanyang binuksan Ang kahon..

Tumambad sa kanya Ang isang brand new na Virtuale gear.


°°°
Pagpasensyahan masyadong madrama ang buhay ni Demo! :()

Changing the self POV of demo. Still lots chapter for under construction. Thank you.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon