"Magaling ka talaga magpalusot. Kapatid talaga kita." sabi ni kuya tapos ginulo niya buhok ko. Mannerism ko ata yung suklayin yung buhok ko, pero, yun nga, maikli na eh.

"Oh nga, so, asan na? Matutulog na po ako. May pasok pa bukas." swear, pagod na ako. Ayoko nang may mangyari pa ngayong kung anu-ano. Tama nang madaming kamalasan sa isang araw!

"Eto oh. Atat talaga tong 'sang 'to." agad kong hinablot ang files ko. Ehm kasi naman eeeh. Pramis ise-save ko talaga yang mga importanteng bagay sa phone ko.

Hinanap ko yung phone ko sa bag ko. MADALIAN na to! Bahala na si Batman.

...

......

..........

At kung cellphone ang pag-uusapan, wala rin pala sa'ken ang cellphone ko. Keepaayn. Tama na. Ayoko na hanapin yun.

"JM, ano hinahanap mo?" -tanong ni kuya sa'ken.

"Yung cellphone niya ata." sabat ni Alex. eeh? Nakakabasa ba 'to ng isip?

"Bakit? San mo ba nalagay?"

"Di ko alam kuya eh. Pero, dala ko yun dito eh."

"Pa'no na yan? Di mo na ata kayang mahanap eh. Bili na lang tayo ng bago. Pwede naman tayong lumabas sa campus eh. Yun nga lang, every last weekend of the month lang." hindi si kuya nagsalita ah. Si Kuya Ren! Kung andito kayo, baka ma-inlove kayo sa boses niya. Ang gwapo na, ang bait pa! Isali niyo na yung nakaka-inlab niyang boses. Siya na po ang aking love of my life. De, joke lang yun. Di ko nga alam yung feeling ng mga love-love na yan eh.

"Ba't naman every last weekend of the month lang, kuya?" Tanong ko lang ah, ba't ganun? Grabe naman ata yun. Well, di ko rin naman kung gano kalayo sa kabihasnan tong campus na to kasi nga nakatulog ako sa biyahe namin ni kuya papunta dito.Sorry naman kasi naman po puyat ako nun eh. psssh.

"Alam mo na rin naman siguro na itong school na to ay parang isa nang company. Mga 10% ata ng mga nagde-debut sa buong mundo ay dito nanggaling..." kaya naman pala. Ba't ba kasi kelangan pang gawing parang entertainment company tong school na to? I really really really really really don't understand.

"Isama mo pa na isa tong elite school." sabat ni Alex. hala tama nga. Pero, anong connect nun sa every last weekend na paglabas ng mga students dito?

"no, let me rephrase it. ESPECIALLY because isa tong school for ELITES." kahit ni-rephrase pa yan ni kuya Ren, di ko pa rin gets kung bakit ganun.

"Anong connect nun? Bakit last weekend of the month lang tayo nakakalabas?" Eh talagang di ko keri eh. Di ko talaga naiintindihan. Sorry naman po kung "loading" ako. pssssh.

"Since elite school to, biggest possibility na maraming students ang ma-kidnap." -HALA! Oh nga! Tama nga naman.

Prior to being here, kahit na naman kasi dito nag-aaral si kuya, hindi naman ako matanong. Okay lang din sa akin na di ko siya kasama sa bahay. Palagi naman kaming magka-usap sa video calls niya. Nauwi naman siya, yun nga, every last weekend of the month. Sapat na sa akin yun.

Tumingin ako kay kuya na para bang sinasabi na naiintindihan ko na ngayon. Siya naman ay ngumiti lang sa akin.

"Grabe noh? Pero, hoy! Alex Cli----oomp." -walanghiyang kamay yan! Madumi yaan! Ambastos! Pano ba naman eh, kaw ba naman takpan nang bibig habang nagsasalita. Ansarap patayin eh.

"Oy pre, ba't mo naman tinakpan bibig ng kapatid ko? Ay hindi pala, ba't mo tinakpan bunganga ng kapatid ko uy! Nagsasalita yung tao oh. Ano yun, bastusan?" life saver talaga tong kuya ko. Ambait talaga. Tats naman ako dun. May dalang lait nga lang. Haynako.

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon