Chapter 04 - Del Verde (June 29, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Oh, anong kailangan mo sa'kin?" Nakaharap na ngayon si Franchette sa kanya with her newly applied eyebrows.

"Agad-agad? Hindi pwedeng mag-catch up muna."

"Jusko Riley. Magpapaligoy-ligoy pa ba tayo dito? Ang aga ng gising ko at mamaya babalik pa ulit ako sa kama. Ikaw I'm sure madaling araw ka pa bumyahe. So, unless gusto mong magsayang ng oras para sa pekeng kamustahan, eh di go. Kamusta ka na? Let's pretend hindi tayo nag-uusap sa messenger almost every day sa group chat no."

Napailing na lang si Riley habang inaantay matapos sa pagsasalita si Franchette. Gusto niya sanang magtanong dahil genuinely curious siya kung bakit nagmake up pa ito eh matutulog din naman pala pag-uwi, pero pinigilan niya ang sarili dahil siguradong tatalakan siya ng matalas na pagsasalita ng babae.

"Ganito kasi 'yun. Sino ba si Lenard?" Hindi na rin siya nag-aksaya ng sandal.

For the first time since dumating si Franchette, ngayon lang ito natahimik.

"Oh, akala ko ba 'wag na tayong magpaligoy-ligoy pa." It's his turn to tease her. Alam ni Riley na seryosong topic pala talaga ang Lenard na 'to na kahit si Franchette ay napapatahimik sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya.

"Finally, sinabi na sa'yo ni Miala?"

Tumango si Riley. 'Yun nga ang hindi niya maintindihan eh. Bakit kailangang itago sa kanya. Sino ba 'yung Lenard na 'yun na parang may gag order ang lahat para hindi pag-usapan.

"So, kilala mo 'yung ex ni Mia?"

"Ha... No." Umiling si Franchette.

"Kasi bakit wala akong kaalam-alam sa existence ng taong 'yan. Hello, mas nauna kong nakilala si Mia kesa sa'yo pero ikaw alam mo pa?"

"Kalma-kalma! Bakit ang taas ng dugo mo?"

"Hindi no. Hindi kaya."

Natawa si Franchette. Pero nawala din at sumeryoso ang mukha nito.

"Anong meron kay Lenard. Bakit mo tinatanong? Paano sinabi sa'yo ni Mia? Okay lang ba siya. God, kaya pala hindi nagme-message ang babaeng 'yun. Jusko ang sarap sabunutan."

"Ako kaya naunang nagtatanong dito. Bakit puro tanong din sagot mo."

"Ano ba kasing gusto mong sabihin ko? Eh sinabi na pala sa'yo ni Miala 'yung tungkol sa ex niya."

"Ano... Bakit ganun?" Nag-iisip siya ng right words. "Bakit sila nagbreak. Bakit parang hindi ko naman alam na may ex pala siya. Bakit hindi niya man lang nabanggit? Bakit hindi mo rin nababanggit? Para kasi akong napa-prank dito eh.

"Hep! Hep! Hep! Eh ang dami mo ding tanong eh 'no."

"Sagutin mo kaya kahit isa."

"Weird mo Ry. Sayo centric 'yung mga tanong mo eh."

"Hindi ah!" Laking pagtanggi ni Riley. But thinking about it, parang involved nga ang sarili niya sa lahat ng issues na inopen niya. "Well, I guess nakakatampo lang din. Pero hindi ko naman masisisi si Mia 'no. If a douche hurt her like that, then I can't really blame her."

"Ewan ko sa'yo. Justify pa more."

Dumating na ang mga order nila at nilantakan na ni Franchette ang pesto nito at nakikitikim pa sa ravioli niya. Sa isang normal na okasyon, papaluin niya ang kamay ng babae sa pangunguha ng pagkain ng may pagkain. Pero hinahayaan niya lang ito ngayon.

"Alam mo kasi Riley. 'Wag ka ngang pabebe. 'Di naman sa 'di ka tinatrust ni Mia kaya 'di niya nabanggit 'yun sa'yo."

"Eh ba't ikaw alam mo?!"

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now