☆ Chapter 23 ☆

8.3K 314 7
                                    

Aldrich point of view

Pagbukas ng ilaw ay hindi ako bumangon o gumalaw man lang. Dahil iyon ang sinabi ni Euphy kaya sinusunod ko lang siya. Hinanap ko siya sa tabi ko pero wala na siya.

Na saan na kaya si Euphy? Bakit niya ako iniwan dito? Matapos niyang sabihin na akin na siya, wala naman siya ngayon sa tabi ko? Ano 'yon joke? Tsk!

"Aldrich anong ginagawa mo diyan?" tanong sa akin ni Travis na nakatayo sa paanan ko. Tinayo niya ang mesang natumba sa paanan ko.

"Nakahiga?" patanong na sagot ko sa kanya.

"Haha oo nakikita kong nakahiga ka diyan. Tumayo ka na nga, baka mamaya may sumugod pa ulit dito." natatawang sabi ni Travis.

Napansin ko na wala na akong marinig na putukan. Parang okay na ang lahat pero ayokong suwayin si Euphy.

"Sabi ni Euphy huwag daw akong babangon hanggat hindi niya sinasabi." sagot na hindi tumingin sa kanya.

Takot ko lang kay Euphy kapag nagalit iyon. Mas mabuting sumunod ako kaysa magpasaway.

"Loko talaga 'yon si Euphy. Psh! Hindi ka puwedeng humiga diyan ng matagal." sabi ni Travis na pilit akong pinapatayo.

"Ayoko." sabi ko na hindi nagpapatinag sa kanya.

"Anong ginagawa niyong dalawa diyan?" tanong ni Sharisse na lumapit na sa amin.

"Ayaw bumangon ni Aldrich dahil sinabi raw ni Euphy." sagot ni Travis habang pilit akong pinapatayo.

"Sinabi pala ni Besty eh, bakit kinukulit mo pa siya?" sabi ni Sharisse na hinampas ng malakas si Travis sa kanang braso nito.

Mabuti pa si Sharisse naiintindihan ako. Bakit ang isang ito, hindi?

"Aray Sharisse, galit ka ba sa akin? Sakit non ah!" reklamo ni Travis na napatayo ng maayos at napahawak sa nasaktang braso.

"Kita mong binilinan siya ni Besty kaya hayaan mo na si Aldrich diyan. Naku! Travis manhid ka ba o bulag ka?" naiinis na sabi ni Sharisse habang binibigyan ng masamang tingin si Travis.

"Narinig mo naman sigurong napa-aray ako. Kaya paano ako naging manhid? Samantalang nasaktan ako. Tsk! tsk! Baka nasa matinding laban si Euphy at makalimutan na si Aldrich dito." sabi ni Travis na nakatingin lang kay Sharisse.

Baka nasa matinding laban si Euphy? Tama ang narinig ko diba? Shit! baka kung mapaano na siya.

Napabangon ako at agad na tumayo ng tuwid. Mukhang hindi napansin ng dalawa ang ginawa ko kaya tumakbo na ako palabas ng event hall.

Paglabas ko bumungad sa harapan ko si Euphy na mukhang papasok sa loob.

"Euphy!" tawag ko sa pangalan niya at bigla siyang niyakap.

"Ugh! anong ginagawa mo?" reklamo ni Euphy habang pumapalag sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Niyayakap ka." insonteng sagot ko sa kanya. "Euphy okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Nasugatan ka ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya matapos kumalas sa pagkakayakap.

Tiningnan ko at sinuri ko ang katawan niyo kung may dugo at tama siya. Naglakad ako paikot sa kanya para mas matingnan pa siya.

"Tigilan mo na iyan!" may pag-utos na sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko.

"Baka nasugatan o nabaril ka. Mabuti na lang hindi ka na paano." sagot ko na hindi tumingin sa mata niya.

"Okay lang ako, huwag kang praning." malamig na sabi niya na pumasok sa loob matapos bitawan ang pagkakahawak sa braso ko.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerOn viuen les histories. Descobreix ara