☆ Chapter 15 ☆

9.7K 333 34
                                    

Aldrich point of view

Simula nang pumasok kami sa gubat ay hindi ko na nakita si Euphy. Kaya sobra akong nainis dahil kasama niya 'yung lalaking iyon.

"Aldrich okay ka lang ba? Putol-putol na 'yung hawak mong sanga."  puna sa akin ni Sharisse.

Habang naglalakad kami ay may napulot akong sanga ng puno na hindi naman makapal. Mas makapal lang ito ng limang beses sa walis tingting.

"Oo, okay lang."  sagot ko kahit hindi naman ako okay.

Tinapon ko na lang 'yung sanga na binali-bali ko. Sinabayan ko na sa paglalakad si Sharisse. Nakasunod lang sa amin si Travis sa likuran.

"Magpahinga na muna tayo."  sabi ni Sharisse na naupo sa ugat ng malaking puno.

"Mabuti pa nga. Kanina pa tayo lakad nang lakad."  saad ni Travis na halata ang pagod.

Umupo sa isang malaking bato si Travis na malapit sa inupuan ni Sharisse.

Isang oras na rin kami na naglalakad papunta sa parang finish line. Hindi ko alam kung anong klaseng activity ito dahil parang naglalaro lang kami.

"Dito lang ang usap oh."  sabi ni Sharisse na gumuhit ng linya sa pamamagitan ng hawak din nitong sanga.

"Bakit ba ang sungit mo?"  tanong ni Travis kay Sharisse.

Tiningnan ko lang sila at naupo na rin sa ugat na inupuan ni Sharisse.

"Bakit ba ang hangin mo?"  tanong pabalik ni Sharisse.

"Hangin? Mukha ba akong electric fan?"  tanong naman ni Travis.

"Hindi pa naman pero puwede na rin."  sagot ni Sharisse.

"Tss! makahanap na nga lang ng makakain."  sabi ni Travis na tumayo na sa bato at umalis.

Tahimik lang ako na nakaupo habang nakatingin sa mga bato na malapit sa paa ko. Parang gusto kong pulitin ang mga bato at isa-isang ibato sa lalaking kasama ni Euphy.

"Aldrich bakit ang tahimik mo?"  tanong ni Sharisse sa akin kaya tumingin ako sa kanya ng sandali.

"Wala lang, ayokong makisali sa pagtatalo niyo ni Travis kanina."  sagot ko sa kanya.

"Hmm sorry, medyo nakakainis lang kasi 'yung lalaking iyon."  sagot niya.

"Bakit ka naiinis? Ang bait kaya ni Travis."  sabi ko.

Totoo naman na mabait talaga si Travis. Dahil kahit hindi niya ako kilala ay ipinagtanggol niya ako sa mga taong 'yon. Pero kundi siya dumating baka napatay ko talaga ang mga iyon.

"Oo alam ko, kaya nga siya naging kaibigan ni besty. Pero hindi ko lang feel kapag nakikita ko siya."  sagot niya sa akin.

Bigla kong naalala 'yung sinabi ni Euphy nakaraan. Kung bakit nagsusungit si Sharisse kapag nakikita si Travis.

"Dahil ba sa pagiging nerd niya?"  tanong ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

"Naalala ko 'yung sinabi ni Euphy nung una tayomg magkita sa cafeteria. Tungkol sa crazy mong manliligaw na nerd."  mabilis na paliwanag ko.

"Ah oo nga pala, nabanggit pala iyon ni besty nakaraan. Hanggang ngayon kasi naaalala ko pa rin iyon. Kundi dahil kay besty siguro napahamak na ako."  saad niya na ngumiti ng tipid.

   Kundi dahil kay Euphy? Anong ibig niyang sabihin?

"Dahil kay Euphy?"  nagtatakang tanong ko.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now