☆ Chapter 21 ☆

9.6K 336 23
                                    

Aldrich point of view

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Pakiramdam ko ay nasa isang magandang panaginip ako. Na hindi ko nanaisin pang magising. Dahil ito na ang pinaka masarap at pinaka magandang nangyari sa buhay ko.

"Euphy, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon." sabi ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Pagkatapos niya akong halikan ay bigla na lang siyang nakatulog. Napangiti pa ako dahil sa mala anghel niyang mukha. At hindi ko maiwasan na nakawan siya ng halik mula sa kanyang noo. Inihiga ko na siya ng maayos at umupo sa upuan para bantayan siya.

Ang ganda. Makunan nga para may pang wallpaper ako.

Kinuha ang cellphone ko para nakawan ng selfie itong si Euphy. Pagtingin ko sa screen ay maraming missed calls at text messages.

"Ano bang gustong mangyari ni Dad?" tanong ko habang binubura ang call log at text ni Dad. "Paano nalaman ni Dad ang tungkol sa schedule ni Euphy? Samantalang ako hindi ko alam ang mga schedule niya. Paano nalaman niya na malapit sa waiting area ang tambayan ni Euphy? Paanong nangyari iyon kung wala naman ako sinabi sa kanya na kahit anong nalaman ko." tanong ko sa sarili ko na pabulong. Parang baliw na ako sa ginagawa ko.

Napailing ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung paano nalaman ng Dad ko iyon. Napatingin ako kay Euphy.

"Hindi ko kayang gawin ang ipinunta ko dito sa school mo. Dahil nung pumunta ako dito wala akong kahit na ano. Pero nung mag-aral ako dito nagkaroon ako ng taong mamahalin. At ikaw iyon Euphy." sabi ko habang pinapagmasdan ang payapa niyang pagtulog.

Sinamantala ko na ang mga sandaling iyon. Panay picture ako ng picture. Nagawa ko pang makipag selfie sa kanya kahit tulog siya.

"Salamat. Bumaba na rin ang lagnat mo." sabi ko ng salatin ang kanyang noo.

Tumayo na ako sa inuupuan ko. Binitbit ko ang baso at tabo upang ibalik na sa pinagkuhaan ko. 'Yung panyo ko naman ay sinampay ko muna sa gilid ng ref para mabilis matuyo.

Pabalik na ako sa kuwarto kung na saan nagpapahinga si Euphy. Nang biglang bumukas ang pinto.

"Aldrich okay na ba si Euphy?" tanong agad sa'kin ni Sharisse.

"Oo, okay na siya Sharisse." sagot ko na ngumiti sa kanya.

"Mabuti naman kung ganon. Masyado kasing napagod si Euphy nitong mga nakaraang araw tapos nabasa pa siya ng ulan kahapon. Tsk! tsk!" sabi ni Sharisse habang lumalapit sa akin.

"Masyado bang importante 'yung mga ginawa niya? At kailangan pa talaga niyang mabasa ng ulan?" medyo naiinis na sabi ko.

May mas importante ba sa health niya? Mabuti na lang lagnat lang ang nakuha niya. Paano kung mas malala pa doon ang nangyari? Tss.

Makahulugang tiningnan ako ni Sharisse. Nagulat na lang ako nung bahagya siya tumawa. Pero agad naman siyang sumeryoso.

"Kung malalaman mo lang ang mga ginawa niya." seryosong sabi niya tapos bigla niya akong hinampas ng mahina. "Ikaw ha! inlove ka na ba kay Besty?" sabi niya na biglang tumili.

Hindi naman masakit 'yung pagkakahampas niya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi siya against sa nararamdaman ko para kay Euphy.

Binigyan ko lang siya ng makahulugang ngiti. "Kapag sinabi kong inlove na nga ako sa kanya. Ano ang gagawin mo?" tugon ko kasabay ng pagtanong ko sa kanya

Walang dahilan para itanggi ko 'yung nararamdaman ko para kay Euphy. Ano kayang sinabi niya kung malalaman ko lang ang ginawa ni Euphy? Ano bang ginawa niya?

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now