☆ Chapter 20 ☆

10K 343 42
                                    

Aldrich point of view

Pagkalabas ko ng restroom ay malalim akong napabuntong hininga. Kakatapos lang namin mag-usap ni Dad. Tumawag siya para gawin na ang ipinunta ko dito sa Stadtfeld Academy.

"Butler Ashford, ikaw na ang bahala sa kanya. Malaki ang tiwala ko sa 'yo."

May narinig akong nagsalita kaya hinanap ko ito. Nakita ko si Euphy na nakasandal sa tabi ng pituan ng Female restroom. Nasa kanyang harapan naman ang kanyang Butler.

"Young Lady---" sabi ni Butler Ashford na pinutol agad ni Euphy.

"Lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon ay may dahilan. Gawin mo na ang pinapagawa ko sa 'yo Butler Ashford." malamig na sabi ni Euphy na agad naglakad palayo.

Nagbuntong-hininga na lang si Butler Ashford na sumunod na kay Euphy. Sinundan ko na lang sila nang tingin dahil hanggang doon lang ang magagawa ko.

Pumunta sa unit ko si Dad kaninang five o'clock ng umaga para ipaalala ang mission ko. Hanggang ngayon ay panay ang pagpapaalala niya. Halos sa kanya na nanggaling lahat ng missed calls at text messages na natanggap ko. Sobrang disappointed na siya sa akin dahil hindi ko pa rin napapatay ang Gangster.

"Paano ko magagawang sundin si Dad? Oras na gawin ko ang sinabi niya parang pinatay ko na rin ang sarili ko." mahinang sabi ko.

Napatingin lang ako sa dinaanan nila Euphy at Butler Ashford. Nasuntok ko ang wall sa inis ng ilang beses. Hindi ko na inintindi pa kung dumudugo na ito.

"Aldrich tama na iyan." may humawak ng wrist ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Sharisse." tanging nasabi ko.

"Nababaliw ka na ba? O baliw ka na talaga? Tara na sa clinic para magamot na iyan." sabi niya na agad akong hinila papuntang clinic.

Pagdating namin ay inasikaso agad ako ng nurse na nasa clinic. Pagkatapos magamot at i-bandage ang kamay ko ay umalis na kami ng clinic.

"Bakit mo ginawa iyon Aldrich?" tanong sa'kin ni Sharisse habang naglalakad kami.

"Wala lang." sagot ko.

"Hoy Aldrich umayos ka nga!" sigaw ni Sharisse sa akin.

"Sorry." sabi ko na agad napayuko.

"May problema ka no? Tama ba ako?" tanong niya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kailan lang ang saya-saya ko dahil kasama ko si Euphy. Tapos ngayon bigla na lang ako malulungkot dahil kailangan ko na siyang patayin. Dahil kung hindi ko siya papatayin babagsak ang Mafia ni Dad. At sa oras na bumagsak ang Mafia wala ng pera pang suporta sa pagpapagamot kay Mom. Hanggang ngayon ay wala pang katiyakan na magigising pa siya.

"Kung ano man iyan makakaya mong malagpasan iyan." sabi ni Sharisse na tinapik-tapik pa ang kanang balikat ko.

Nagpaalam na siya sa akin kaya naiwan akong tulala at parang tanga. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko at nang sagutin ko ito ay halos bumagsak ang mundo ko.

Mula dito sa taas ng puno ay tinitingnan ko lang siya. Habang dahan-dahang inaasinta siya gamit ang mataas na uri ng baril. Binigay ito sa akin ng aking Ama upang gamitin ito para patayin ang Gangster.

Hindi ko maramdaman ang paghinga ko habang pinag-iisipan kung kakalabitin ko na ba ang gatilyo ng baril. Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang utos ng aking Ama.

"Aldrich! I want you to kill the Gangster!"

Tiningnan ko siya na payapang natutulog sa bench na paborito niyang upuan.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now