☆ Chapter 35 (First half) ☆

8K 236 14
                                    

Aldrich point of view

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hindi na hinintay bumalik si Sharisse na bumili lang ng pagkain namin. Kakatapos lang namin mag-usap ng tumawag sa akin. Gusto niyang makipagkita sa akin ngayon sa rooftop ng pinakamataas na building sa Stadtfeld Academy.

Kailangan kong puntahan 'yung taong tumawag sa akin. Kailangan kong alamin kung siya nga si Hiroki at hindi siya totoong patay.

Lumabas ako ng cafeteria at tumakbo papuntang building na sinasabi niya. Sumakay ako ng elevator paakyat ng rooftop. Habang nasa loob ako ng elevator ay hindi ako makapakali. Masyado akong kinakabahan at the same time masaya na malamang buhay siya.

Paghinto ng elevator ay agad akong pumunta sa may hagdanan na papuntang rooftop. Isang beses ko lang itong napuntahan pero kasama ko si Euphy non. Nung pinakita niya sa akin ang kabuuhan ng Stadtfeld Academy na tanaw na tanaw sa rooftop. Dahil ang buildin na ito ay ang pinaka center ng school.

"Hiroki!" sigaw ko pagkalabas ko ng pinto na palabas ng rooftop.

Tumakbo ako sa mga railings pero wala naman akong makitang tao. Inilibot ko ng tingin ang buong paligid pero wala naman akong makitang tao.

"Na saan ka Hiroki!" sigaw ko.

Hindi ko alam kung niloloko at binibiro ba ako nung taong tumawag sa akin. Pero alam kong si Hiroki iyon dahil bata pa lang kami ay kasama ko na siya.

"Tulad ka pa rin ng dati Aldrich, mas maaga ka pa sa pinag-usapan kung dumating." sabi ng isang tao na kakalabas lang sa pinto.

Nagsalubong ang kilay ko nung makilala ko siya. Hindi ko alam bakit nandito siya.

"Anong ginagawa mo dito Hiro?" tanong ko habang naglalakad siya palapit sa akin.

Tumawa siya habang tinitingnan ako. "Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako nakikilala?" natatawang sabi niya.

Nagitla ako dahil na bosesan ko siya. Boses ni Hiroki ang narinig ko sa kanya pero hindi naman ganoon ang boses niya nung ipakilala siya sa akin ni Euphy. Lalo na kapag kinakausap niya ako ay hindi naman ganoon.

Magsasalita na sana ako pero bigla niya akong sinugod at mabilis na sinuntok na agad kong naiwasan. Sisipain niya sana ang binti ko pero agad ko itong nasalag sa pamamagitan ng pagsipa sa kanya. Susuntukin niya sana ako sa tiyan ng sipain ko siya na mabilis niyang napigilan sa paghawak ng binti ko. Sinamantala ko iyon kaya nagpakawala ako ng suntok na agad tumama sa panga niya.

"Good job! mas gumaling ka na ngayon Aldrich." nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang labi na nagkaroon ng dugo. Malakas ang pagkakasuntok ko kaya naman may kung anong dumugo sa loob ng bibig niya.

"Hiro...Hiroki?" nagtatakang sabi ko na nakatingin sa mukha niya.

Ngayon ko lang napagtanto na 'yung ginawa namin kanina ay madalas naming gawin ni Hiroki. Noong sinasanay niya pa ako kung paano makipaglaban.

"Alam kong nahihirapan kang tanggapin na ako nga ito. Masyado na kasi akong naging gwapo ngayon kaysa noong high school pa tayo." ngisi niya kaya mabilis ko siyang sinuntok pero sinalo lang ng kamay niya ang kamao ko.

"Apat na taon lang kitang hindi nakita ang taas na ng fighting spirit mo." tukoy ko sa sinabi niyang mas gwapo siya ngayon. Ako ang mas gwapo sa kanya kaya hindi ako makakapayag na sabihin niyang siya ang mas gwapo. "Ang galing mo ng magsalita ng filipino." sabi ko pa.

"Haha sinasabi ko lang kung ano ang totoo. Thanks to you, sa pagturo sa akin." natatawa niya pang tugon.

"Buhay ka talaga Hiroki? Ikaw ba talaga iyan?" tingnan ko siya mula ulo hanggang paa ng paulit-ulit.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon