Chapter Sixteen

6K 253 2
                                    

Nang pumasok si Liza ng mansyon ay nadatnan niya si Gillian sa living room. Payak niya 'tong nginitian na 'di tinugunan ng huli. Nararamdaman niyang sinusundan siya nito ng tingin. Paakyat na sana siya ng hagdan nang biglang nagsalita si Gillian.

"So, anong pakiramdam na halikan ang boyfriend ng may boyfriend?" sarkastikong usisa ni Gillian kay Liza, her voice laced with hatred.

"Ano?" painosenteng tanong ni Liza. Alam niya ang tinutukoy ni Gillian. Pero, ayaw niyang ipahalata dahil 'di siya makapaniwalang nakita nito ang ginawa nila ni Zach. Kinakabahan siya sa maaring gawin nito.

"'Wag kang magmaang-maangan pa," ani Gillian habang nanlilisik ang mga mata nito kay Liza. "I saw you kissed each other at the shore. Alam ba ni Troy ang tungkol sa 'nyong dalawa? Paano kaya kung ipaalam ko sa kaniya?"

"Pakiusap, 'wag mong sasabihin kay Troy kung anuman ang nalalaman mo tungkol sa 'ming dalawa ni Zach," pagsusumamo ni Liza.

"Anong 'di ko dapat malaman tungkol sa 'nyong dalawa ni Zach?" biglang pumailanlang ang nakakasindak na tinig ni Troy.

"Troy!" bulalas ni Liza nang makita niya 'to mula sa puno ng hagdan.

Nagpatuloy sa pagbaba si Troy. Nang maabutan n'ya si Liza sa landing ay mahigpit niyang hinawakan ang braso nito. "Inuulit ko. Anong 'di ko dapat malaman tungkol sa 'nyong dalawa ni Zach?"

Ngayon lang nakita ni Liza si Troy na gano'n kagalit. Pakiramdam niya'y madudurog ang kaniyang buto sa pagkakahawak nito. "Nasasaktan ako, Troy," daing niya. Pero, 'di nagpatinag ang huli.

"Bitiwan mo si Elisse," utos ni Zach nang makita niya ang ginagawa ni Troy kay Liza. "Akong bahalang magpapaliwanag sa 'yo."

"Tumahimik ka r'yan!" Troy hurled at Zach. "Si Liza ang kinakausap ko. At bakit Elisse ang tawag mo sa kaniya. Magkakilala na ba kayong dalawa dati pa?"

Si Gillian ang sumagot nang 'di kaagad makasagot si Zach sa tanong ni Troy. "'Di mo ba alam? Magkakilala na silang dalawa no'n pa. Mahal pa rin ni Zach si Elisse and she's using that to seduce Zach. Actually, nahuli ko nga silang dalawang naghahalikan sa dalampasigan."

"Totoo ba 'yon, Liza? Sabihin mo sa 'kin ang totoo!" May isang bahagi ni Troy na ayaw maniwala sa sumbong ni Gillian. But, there's a bigger part in him na nagsasabing totoo ang sinabi nito dahil 'di man lamang n'ya maaninag ang pagprotesta sa mga mata ni Liza. 'Di n'ya napapansing lalong humihigpit ang kaniyang pagkakahawak sa braso ng kasintahan that she winced in pain even more.

"Binabalaan kita. Bitiwan mo siya, Troy!" Zach commanded with conviction.

"At anong gagawin mo, ha?!" Troy challenged Zach.

Napuno na ang salok ni Zach. Kumilos siya para sugurin si Troy. Kaagad namang binitiwan ni Troy si Liza para salubungin si Zach. Nagpang-abot silang dalawa sa gitna ng silid.

Unang nagpakawala ng suntok si Troy na naiwasan naman ni Zach. Nang makakita ng butas si Zach ay sinikmuraan niya si Troy. Troy flinched that he fell on the floor. But, he recovered quickly.

Sinipit ni Troy ang mga paa ni Zach sa pamamagitan ng kaniyang mga binti dahilan para matumba ang huli sa sahig. Pumaibabaw si Troy at sunud-sunod na pinagsusuntok si Zach. Nasasalag ni Zach ang ilang jabs. But, unfortunately, nakakalusot ang ilan na nagla-landing sa kaniyang mukha't katawan.

When Zach noticed that the latter punches of Troy were starting to weaken. He pulled himself up and sat on his stomach. He's now the one giving him blows like comets.

Nagpatuloy sina Zach at Troy sa paggulong-gulong sa sahig habang naguupakan. Liza and Gillian can't do anything because they're too weak to stop them. Animo'y mga toro silang handang patayin ang isa't isa. Mabuti na lamang at dumating ang mga kasambahay dahil sa tilian ng dalawang babae. Inawat ng mga kalalakihan ang dalawang nagbabasagan ng mukha. They both looked like bloody hell after.

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ